Ang Yakutsk (Ruso: Якутск, IPA [jɪˈkutsk]; Yakut: Дьокуускай, Dokuuskay, IPA: [ɟokuːskaj]) ay ang kabiserang lungsod ng Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa layo na humigit-kumulang 450 kilometro (280 milya) timog ng Bilog ng Artiko.
Yakutsk Дьокуускай Якутск | |||
---|---|---|---|
subdibisyon ng Rusya, gorod, big city | |||
| |||
Mga koordinado: 62°01′38″N 129°43′55″E | |||
Bansa | Rusya | ||
Lokasyon | Yakutsk Urban Okrug, Republika ng Sakha, Rusya | ||
Itinatag | 1632 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 122 km2 (47 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1 Enero 2018)[1] | |||
• Kabuuan | 311,760 | ||
• Kapal | 2,600/km2 (6,600/milya kuwadrado) | ||
Wika | Wikang Ruso, Wikang Yakut | ||
Websayt | http://якутск.рф/ |
Ang Yakutsk na may katamtamang temperatura na −8.8 °C (16.2 °F) ay ang pangalawang pinakamaginaw na lungsod na may 100,000 o higit pang mga mamamayan sa mundo, kasunod ng Norilsk, bagamat nakararanas ito ng mas-maginaw na mga temperatura sa taglamig.[2] Ang Yakutsk ay ang pinakamalaking lungsod na matatagpuan sa tuluy-tuloy na mayelong lupain at isa sa pinakamalaking lungsod na hindi maaabutan ng daan. Isang pangunahing pantalan sa Ilog Lena ang Yakutsk, at pinaglilingkuran ito ng Paliparan ng Yakutsk gayon din ng mas-maliit na Paliparan ng Magan.
Nasa lungsod ang punong tanggapan ng Yakutia Airlines.[3]
Kasaysayan
Nandayuhan ang mga Yakut, na kilala rin bilang mga Sakha, sa lugar noong ika-13 at ika-14 na dantaon mula sa ibang mga bahagi ng Siberia. Pagkarating nila napahalo sila sa ibang mga katutubong Siberian sa lugar.[4] Itinatag ni Pyotr Beketov ang pamayanan ng Yakutsk noong 1632 bilang isang ostrog (muog). Noong 1639 ito ay naging sentro ng isang voyevodstvo. Paglaon, ang Voyevoda ng Yakutsk ay naging pinakamahalagang opisyal ng Rusya sa rehiyon at nag-atas sa pagpapalawak sa silangan at sa timog.
Demograpiya
Klima
Kalakip ng matinding klimang subartiko (Köppen climate classification: Dfd), ang Yakutsk ay may pinakamaginaw na mga temperatura kapag taglamig sa anumang mga pangunahing lungsod sa Daigdig. Ang karaniwang mga buwanang temperatura sa Yakutsk ay naglalaro mula +19.5 °C (67.1 °F) sa Hulyo hanggang −38.6 °C (−37.5 °F) sa Enero, at tanging Norilsk lamang ang may mas-mababang katamtaman na taunang temperatura kaysa ibang mga pamayanang may higit sa 100,000 katao. Ang Yakutsk ay ang pinakamalaking lungsod na nakatayo sa tuluy-tuloy na mayelong lupain (continuous permafrost),[9] at maraming mga kabahayan doon ay nakatayo sa mga haliging kongkreto.
Datos ng klima para sa Yakutsk, 1981–2010 normals, extremes 1891–kasalukuyan | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | −11.5 (11.3) |
−2.2 (28) |
8.3 (46.9) |
21.1 (70) |
31.1 (88) |
35.1 (95.2) |
38.4 (101.1) |
35.4 (95.7) |
27.0 (80.6) |
18.6 (65.5) |
3.9 (39) |
−3.9 (25) |
38.4 (101.1) |
Katamtamang taas °S (°P) | −35.7 (−32.3) |
−28.7 (−19.7) |
−12.3 (9.9) |
1.7 (35.1) |
13.2 (55.8) |
22.4 (72.3) |
25.5 (77.9) |
21.5 (70.7) |
11.5 (52.7) |
−3.6 (25.5) |
−23.2 (−9.8) |
−34.6 (−30.3) |
−3.5 (25.7) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −38.6 (−37.5) |
−33.8 (−28.8) |
−20.1 (−4.2) |
−4.8 (23.4) |
7.5 (45.5) |
16.4 (61.5) |
19.5 (67.1) |
15.2 (59.4) |
6.1 (43) |
−7.8 (18) |
−27.0 (−16.6) |
−37.6 (−35.7) |
−8.8 (16.2) |
Katamtamang baba °S (°P) | −41.5 (−42.7) |
−38.2 (−36.8) |
−27.4 (−17.3) |
−11.8 (10.8) |
1.0 (33.8) |
9.3 (48.7) |
12.7 (54.9) |
8.9 (48) |
1.2 (34.2) |
−12.2 (10) |
−31.0 (−23.8) |
−40.4 (−40.7) |
−14.1 (6.6) |
Sukdulang baba °S (°P) | −63.0 (−81.4) |
−64.4 (−83.9) |
−54.9 (−66.8) |
−41.0 (−41.8) |
−18.1 (−0.6) |
−4.5 (23.9) |
−1.5 (29.3) |
−7.8 (18) |
−14.2 (6.4) |
−40.9 (−41.6) |
−54.5 (−66.1) |
−59.8 (−75.6) |
−64.4 (−83.9) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 9 (0.35) |
8 (0.31) |
7 (0.28) |
8 (0.31) |
20 (0.79) |
36 (1.42) |
39 (1.54) |
37 (1.46) |
31 (1.22) |
18 (0.71) |
16 (0.63) |
10 (0.39) |
237 (9.33) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 0.1 | 3 | 14 | 16 | 15 | 15 | 16 | 4 | 0.1 | 0 | 83 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 28 | 28 | 17 | 10 | 5 | 0.3 | 0.03 | 0 | 4 | 25 | 28 | 27 | 172 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 76 | 76 | 70 | 60 | 54 | 57 | 62 | 67 | 72 | 78 | 78 | 76 | 69 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 19 | 97 | 234 | 274 | 303 | 333 | 347 | 273 | 174 | 106 | 59 | 12 | 2,231 |
Sanggunian #1: Погода и Климат[10] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun, 1961–1990)[11] |
Mga kambal at kapatid na lungsod
Magkakambal ang Yakutsk sa:
Mga sanggunian
Bibliograpiya
Mga kawing labas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.