Si Sultan Muhammad Dipatuan Qudratullah Nasiruddin o Muhammad Dipatuan Kudarat (1581–1671) ay ang ika-7 Sultan ng Kasultanan ng Maguindanao. Noong panahon ng kanyang pamumuno, matagumpay niyang nalabanan ang mga Kastila na sinubok na sakupin ang kanyang lupain at nahadlangan ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pulo ng Mindanao. Mula siya sa angkan ni Shariff Kabungsuwan, isang misyonaryong Muslim na nagdala ng Islam sa Pilipinas noong pagitan ng ika-13 hanggang ika-14 na dantaon.[1] Isinunod sa pangalan niya ang lalawigan ng Sultan Kudarat sa Pilipinas, pati ang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao, kung saan ang kaapu-apuhan ng mga Datu at pinuno ang mga kasalukuyang pinunong pampolitika.

Tumuturo dito ang Sultan Qudarat. Para sa lalawigan, tingnan ang Sultan Kudarat.
Agarang impormasyon Panahon, Lalad ...
Muhammad Kudarat
Ika-7 Sultan ng Maguindanao
Panahon 1619–1671
Lalad Kasultanan ng Maguindanao
Ama Laut Buisan
Kapanganakan 1581
Maguindanao
Kamatayan 1671 (edad 8990)
Simuay, Maguindanao
Pananampalataya Islam
Isara

Talambuhay

Itinuring siya ng mga Kastila na napakalaking hadlang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Mindanao. Si Muhammad Dipatuan Kudarat ay matalino at matapang kaya nahirapan sa kanya ang mga mananakop. Buo ang tiwala ng mga nasasakupan ng sultan kaya isa’y walang nagkanulo sa kanya.

Pinamunuan ni Sultan Kudarat (Corralat para sa mga Kastila) ang Kasultanan ng Maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Isinilang siya noong huling dekada ng ika-16 na dantaon. Anak siya ni Datu Buisan, isang Iranun at Ambang. Ang kanyang ngalang Dipatuan ay hinango sa salitang Malay na nangangahulugang "pinuno", at ang Kudarat ay salitang Arabe para sa "lakas". Iginalang siya maging ang mga naninirahan sa paligid ng Kasultanan ng Maguindanao sa kanyang pamumuno, napagkaisa niya ang kalinangan sa Lanao, Cotabato, Dabaw at Zamboanga. Nagkaisa sila sa pagtutol sa pananakop ng mga Kastila.

Noong 1637, nagpadala si Gobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuero ng ekspedisyon ng mananakop sa lupain ng Kudarat. Napabagsak ng mga kaaway ang kanyang mga kuta sa Lamitan. Ngunit nakatakas si Kudarat sa kabundukan at doon nagipon ng lakas at puwersa upang ipagpatuloy ang kanyang pakikipaglaban sa mga mananakop.

Hindi kailanman nadakip ng mga kaaway si Kudarat. Nang mamatay siya noong 1671, humalili sa pagka-sultan ang kanyang anak na si Datu Dundang Tiidulay, na nakilala sa titulong self-ud-Din. Bilang pagkilala kay Sultan Kudarat, isang bantayog ang ipinatayo sa Makati, Kalakhang Maynila. Isang lalawigan at isang bayan ang isinunod sa ngalan niya. May dekorasyong pandiplomatiko at selyong nagtataglay ng kanyang ngalan.

Mga sanggunian

Mga kawing na panlabas

Tingnan din

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.