Ang molave, mulawin, o malaruhat ay isang uri ng puno sa pamilyang Verbenaceae, at ng kahoy na nakukuha sa punong ito. Ang ngalang-agham nito ay Vitex parviflora, ngunit itinuturing na rin na "molave" ang kahoy mula sa punong Vitex cofassus. Mula ang pangalang "molave" sa wikang Kastila na hinango mula sa katutubong salitang Tagalog na "mulawin." Sa mga wikang Bisaya, tinatawag itong "tugas."[2]

Agarang impormasyon Katayuan ng pagpapanatili, Klasipikasyong pang-agham ...
Molave
Thumb
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Lamiales
Pamilya: Lamiaceae
Sari: Vitex
Espesye:
V. parviflora
Pangalang binomial
Vitex parviflora
Juss.
Isara

Matatagpuan ang espesye ng puno na ito sa Timog-silangang Asya, partikular sa Indonesia, Malaysia, at Pilipinas. Pinapahalagaan ito sa Pilipinas dahil sa makapal at matibay na kahoy nito, at minsa'y ginagamit upang makagawa ng mga muwebles, bangka, at kubyertos, at bilang materyal sa konstruksyon. Madalas hiramin ang pangalan ng punong ito bilang pangalan ng mga lugar, tulad ng Molave, Zamboanga del Sur at Ilog Mulawin ng Los Baños, Laguna, ng mga institusyon at organisasyon, at bilang apelyido o palayaw ng tao.

Bago ang 2019, naitala sa mga pagtatasa ng IUCN ang espesye na ito bilng kritikal na nanganganib, nababantaan, at maaring mawala.[3][4] Ayon noong 2017, inuri ito ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman ng Pilipinas bilang nanganganib dahil sa labis na pag-aani at pagkawasak ng tirahan ng mga ito.[5][6] Bagaman noong 2019, muling tinasa ang espesye ng IUCN bilang maliit na pag-alala.[1]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.