Eudicots
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Eudicot, Eudicota, Eudicotidae o mga Eudicotyledon ay isang monopiletikong panlupang (klade o ebolusyonaryong magkakaugnay na pangkat) ng mga halamang namumulaklak na tinawag na mga tricolpate o mga "hindi magnoliid na mga dicot" ng dating mga may-akda. Ang mga katagang pambotanika ay ipinakilala noong 1991 ng ebolusyonaryong botanistang si James A. Doyle at ng paleobotanistang si Carol L. Hotton upang bigyan ng diin ang lumaong pagkakaiba-iba o kasamu't sariang pang-ebolusyon ng mga dikotang trikolpado (mga tricolpate dicot) magmula sa mas maagang hindi gaanong espesyalisadong mga dikota.[1] Ang malapit na pagkakaugnay ng mga halamang namumulaklak sa piling ng mga butil o grano ng mga bulo ng bulaklak (mga pollen) na trikolpado ay unang nakita sa mga pag-aaral na pangmorpolohiya ng pinagsasaluhang mga katangiang nahango. Ang mga halamang ito ay mayroong bukod-tanging katangian sa kanilang mga butil ng bulo na nagtatanghal ng tatlong mga colpi o mga uka na pumapantay sa aksis (palaikutan) na pampolo (polar). Ang dumating pagdaka na mga katibayang pangmolekula ang tumiyak sa batayang henetiko para sa mga ugnayang pang-ebolusyon sa piling ng namumulaklak na mga halaman na mayroong mga grano ng bulong trikolpado at mga katangiang dikotiledanoso. Ang kataga ay mayroong kahulugan na "tunay na mga dikotiledon" dahil laman nito ang karamihan sa mga halaman na itinuturing bilang mga dikota at mayroong mga katangian ng mga dikota. Sa pagdka, ang katagang "eudikota" ay malawakang inampon o ginamit sa botanika upang tukuyin ang isa sa dalawang mga malalaking mga klade ng mga angiosperma (na binubuo ng mahigit sa 70% mga espesye), na ang isa pa ay ang mga monokota. Ang natitira pang mga angiosperma ay paminsan-minsang tinutukoy bilang mga angiospermang basal (mga angiospermang batayan) o mga paleodikota, subalit ang mga katagang ito ay hindi malawakan o hindi palagiang ginagamit dahil hindi tumutukoy ang mga ito sa isang pangkat na monopiletiko.
Eudicots Temporal na saklaw: Maagang Kretasyo - Kamakailan | |
---|---|
Primula hortensis, isang eudicota | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Mga clade | |
|
Ang isa pang pangalan para sa mga eudikota ay bilang mga tricolpate (mga trikolpado), isang pangalan na tumutukoy sa mga kayariang mayroong uka ng mga bulo ng bulaklak. Ang mga kasapi sa pangkat ay mayroong mga pollen na trikolpado, o mga porma o anyo na hinango magmula rito. Ang mga bulo na ito ay mayroong tatlo o mas marami pang mga napakaliliit na mga butas na nakahanay sa loob ng mga tudling o mga kulubot na tinatawag na mga colpi. Sa kabaligtaran, karamihan sa iba pang mga halamang may buto (iyong mga gymnosperm, ang mga monocot at ang mga paleodicot) ay gumagawa ng mga bulo na monosulkado (monosulcate), na mayroong nag-iisang maliit na butas na nakatalaga na kakaiba ang pagharap ng uka na tinatawag bilang sulcus. Ang pangalang tricolpate ay mas ninanais ng ilang mga botaniko upang maiwasan ang kalituhan sa piling ng mga dikota, na isang pangkat na hindi monopiletiko (Judd & Olmstead 2004).
Maraming mga halamang pangkaraniwan na eudikota, kabilang na ang mararaming mga pangkaraniwang halaman, mga puno, at mga ornamental (pampalamuti) na nakakain. Ang ilan sa mga pangkaraniwan at madaling makilalang mga eudikota ay kinabibilangan ng mga miyembro ng mag-anak ng mirasol (pamilya ng mga sunflower), katulad ng pangkaraniwang dandelion, ng halamang kung tawagin ay huwag mo akong kalimutan (o huwag mo akong limutin), ng repolyo at iba pang mga kasapi sa mag-anak nito, ng mansanas, ng "kopa ng mantekilya", ng maple at ng macadamia. Ang karamihan sa mga punong madahon na nasa mga pook na nasa panggitnang mga latitud ng mundo ay kasali rin sa mga eudikota, na mayroong natatanging mga hindi isinasali na katulad ng mga magnolia, at ng Ginkgo biloba na hindi naman talaga isang angiosperma.
Ang pangalang "eudicots" (maramihan ng "eudicot" sa wikang Ingles) ay ginagamit sa sistemang APG ng 1998, at sa sistemang APG II ng 2003, para sa klasipikasyon ng mga angiosperm. Inilalapat ito sa isang clade, isang pangkat na monopiletiko, na kinasasamahan ng karamihan sa mga (dating) mga dikota.
Ang eudicots ay maaaring hatiin sa dalawang grupo: ang basal eudicots at ang ccore eudicots.[2] Basal eudicot ay impormal na pangalan para sa isang grupong paraphyletic. Ang core eudicots ay isang grupong monophyletic.[3] Iminungkahi ng isang pag-aaral noong 2010 na ang core eudicots ay maaaring hatiin sa dalawang clade, Gunnerales at isang clade na tinatawag na "Pentapetalae", na binubuo ng natitirang core eudicots.
Ang Pentapetalae maaaring hatiin sa tatlong clade:
Ang paghahating ito eudicots ay ipinapakita ng sumusunod na cladogram:[4]
eudicots |
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Ang sumusunod ay mas detalyadong dibisyon ayon sa APG IV, na ipinapakita ang loob ng bawat clade at order:[5]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.