Ang mga Rosid, Rosidae, o mga Rosida ay kasapi sa isang malaking klade ng mga halamang namumulaklak, na naglalaman ng humigit-kumulang sa 70,000 mga espesye,[1] na mas mahigit kaysa sa sangkapat (isang ikaapat) ng lahat ng mga angiosperma.[2] Ang klade o clade ay nahahati sa 16 hanggang sa 20 mga orden, na nakabatay sa sirkumskripsiyon at klasipikasyon. Ang mga ordeng ito naman ay magkakasamang bumubuo sa humigit-kumulang sa 140 mga pamilya.[3] Sa ngayon, ang mga rosid at ang mga asterid ang pinakamalaking mga klade sa loob ng mga eudikota.[kailangan ng sanggunian].
Rosids | |
---|---|
Euphorbia heterophylla ("pinintahang Euphorbia") | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Superrosids |
Klado: | Rosids |
Mga orden | |
Tingnan sa teksto |
Ang mga posil ng mga rosid ay nakikilala na nagmula sa panahong Kretasyoso. Ang mga pagtataya ng orasang pangmolekula ay nagpapahiwatig na ang mga rosid ay nagmula sa mga yugtong Aptiano o mga Albiano ng Kretasyoso, na nasa pagitan ng 125 at 99.6 mga milyong taon na ang nakararaan.[4][5]
Ang pangalan
Ang pangalang rosid ay ibinatay sa pangalang "Rosidae", na karaniwang nauunawaan bilang isang subklase o kabahaging pangkat. Noong 1967, ipinakita ni Armen Takhtajan na ang tamang batayan para sa pangalang "Rosidae" ay ang isang paglalarawan sa isang pangkat ng mga halamang nailathala noong 1830 ni Friedrich Gottlieb Bartling.[6] Pagdaka, ang kladeng ito ay muling pinangalanan upang maging "Rosidae" at pabagu-bagong hinahangganan ng iba't ibang mga may-akda. Ang pangalang "rosid" ay impormal, at hindi ipinapalagay na mayroong anumang partikular na ranggong pangtaksonomiya na katulad ng mga pangalang pinahintulutan ng ICBN. Ang mga rosid ay monopiletiko na nakabatay sa katibayang natagpuan sa pamamagitan ng analisis na pilohenetikong pangmolekula.
Sa kasalukuyan, tatlong magkakaibang mga kahulugan ng rosid ang ginagamit. Mayroong ilang mga may-akda na ibinibilang ang mga orden ng Saxifragales at ng Vitales sa loob ng mga rosid.[7] Mayroong namang iba na kapwa hindi isinasali ang mga ordeng ito.[8] Ang sirkumskripsiyong ginagamit sa loob ng artikulong ito ay ang nasa klaspikasyon ng APG II, na nagsasama ng Vitales, subalit hindi isinasama ang Saxifragales.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.