Ang International Union for Conservation of Nature (IUCN; opisyal nitong pangalan: International Union for Conservation of Nature and Natural Resources[1]) ay isang pandaigdigang samahan na nagsasagawa ng mga gawain sa larangan ng pangangalaga ng kalikasan at napananatiling paggamit ng likas na yaman. Kabilang sa mga gawain nito ang pagkuha at pagsusuri ng mga datos, pananaliksik, field projects, adbokasiya, at pagtuturo. Ang misyon nito ay upang "maimpluwensiyahan, mahikayat at matulungan ang mga pamayanan sa buong mundo na pangalagaan ang kalikasan at matiyak na ang ano mang paggamit ng likas na yaman at pantay-pantay at mapananatili ang ekolohiya".
Pagkakabuo | 5 Oktubre 1948 (bilang International Union for the Protection of Nature) Fontainebleau, France |
---|---|
Uri | Pandaigdigang samahan |
Pokus | Pagpanatili ng kalikasan, laksambuhay |
Kinaroroonan |
|
Nasasakupang pook | Buong daigdig |
Kasapi | 1400 |
Mahahalagang tao | Inger Andersen (Pangkalahatang Direktor) Zhang Xinsheng (Pangulo) |
Kita | CHF 114 milyon / US$ 116 milyon (2013) |
Empleyado | Higit 1,000 (sa buong mundo) |
Boluntaryo | 16,000 |
Website | IUCN.org |
Sa mga nakalipas na dekada, pinalawig ng IUCN ang mga gawain nito liban sa konserbasyon ng ekolohiya at ngayon ay kasama na rin ang mga napananatiling kaunlaran sa mga proyekto nito. Hindi tulad ng iba pang pandaigdigang pangkalikasang samahan, hindi kasama sa mga gawain ng IUCN ang pakilusin ang mamamayan upang suportahan ang pangangalaga ng kalikasan. Layon nitong mahikayat ang mga hakbang ng mga pamahalaan, negosyo at iba pang partido at makapagbigay ng impormasyon at payò sa pamamagitan ng pakikipagtulungan. Higit na kilalá ng madla ang IUCN sa paglalathala nito ng IUCN Red List of Threatened Species, na nagsusuri sa katayuan ng konserbasyon ng mga species sa buong mundo.[2]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.