From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lambak ng mga Hari (Ingles: Valley of the Kings, Arabe: وادي الملوك Wadi Biban el-Muluk; "Mga Tarangkahan ng mga Hari"[1])[2] ay isang lambak sa Ehipto kung saan ginagawa ang mga libingan para sa mga hari at mga makapangyarihang maharlika ng Bagong Kaharian (ang ika-labingwalo hanggang ika-dalawpung mga dinastiya ng Sinaunang Ehipto).[3][4]. Ginawa ang mga libingan dito sa loob ng 500 taon mula ika-16 hanggang ika-11 dantaon BC. Matatagpuan ang lambak sa kanlurang pampang ng Nilo[5], pahalang mula sa Thebes (modern Luxor), sa loob ng pinakapusod ng Necropolis ng Thebes.[6] May dalawang lambak ang wadi, ang Silangang Lambak (kung saan nakalagay ang karamihan sa mga maharlikang libingan) at ang Kanlurang Lambak.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.