Apganistan
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Apganistan (Pastun: افغانستان ; Dari: افغانستان), opisyal na Islamikong Emirato ng Apganistan (Pastun: د افغانستان اسلامي امارت ; Dari: امارت اسلامی افغانستان), ay isang bansang nasasagitna ng lupa na nasa sa sangang-daan ng Gitnang Asya at Silangang Asya. Kilala bilang ang "Puso ng Asya", hinahangganan ito ng Turkmenistan at Usbekistan sa hilaga, Tayikistan at Tsina sa hilagang-silangan, Iran sa kanluran, at Pakistan sa silangan at timog.[1] Ang Kabul ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng bansa.
Islamikong Emirato ng Apganistan | |
---|---|
Salawikain: لا إله إلا الله، محمد رسول الله Lā ʾilāha ʾillā llāh, Muhammadun rasūlu llāh "Walang diyos kundi si Allah, at si Muhammad ang sugo ni Allah." | |
Katayuan | Kasaping estado ng NU sa ilalim ng isang hindi kinikilalang pamahalaan |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Kabul 34°31′N 69°11′E |
Pangunahing wika | |
Pangkat-etniko (2019 tantiyang hindi opisyal) |
|
Relihiyon | |
Katawagan | Apgano |
Pamahalaan | Unitaryong awtokratikong pansamantalang Islamikong teokrasya |
• Pinuno | Hibatullah Akhundzada |
• Punong Ministro | Mohammad Hasan Akhund |
• Punong Mahistrado | Abdul Hakim Ishaqzai |
Pagkakabuo | |
• Imperyong Apgano | 1451–1526 |
• Imperyong Hotak | 1709–1738 |
• Imperyong Durrani | 1747–1823 |
• Emirato | 1823–1839 |
• Pagpapanumbalik ng Imperyong Durrani | 1839–1842 |
• Pagpapanumbalik ng Emirato | 1842–1926 |
• Protektadong Estado ng Reyno Unido | 26 Mayo 1879 |
19 Agosto 1919 | |
• Kaharian | 9 Hunyo 1926 |
• Republika | 17 Hulyo 1973 |
27–28 Abril 1978 | |
• Islamikong Estado | 28 Abril 1992 |
• Islamikong Emirato | 7 Setyembre 1996 |
26 Enero 2004 | |
• Pagpapanumbalik ng Islamikong Emirato | 15 Agosto 2021 |
Lawak | |
• Kabuuan | 652,864 km2 (252,072 mi kuw) (ika-40) |
• Katubigan (%) | bale-wala |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2021 | 40,218,234 (ika-37) |
• Densidad | 48.08/km2 (124.5/mi kuw) (ika-174) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $72.911 bilyon (ika-96) |
• Bawat kapita | $2,024 (ika-169) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2018 |
• Kabuuan | $21.657 bilyon (ika-111) |
• Bawat kapita | $493 (ika-177) |
TKP (2019) | 0.511 mababa · ika-169 |
Salapi | Apgani (افغانی) (AFN) |
Sona ng oras | UTC+4:30 Kalendaryong Solar (D†) |
Gilid ng pagmamaneho | kanan |
Kodigong pantelepono | +93 |
Internet TLD | .af افغانستان. |
Ang paninirahan ng mga tao sa Apganistan ay nagsimula noong Gitnang Paleolitiko, at ang estratehikong kinaroroonan ng bansa sa makasaysayang Daan ng Sutla ay nag-ugnay dito sa mga kalinangan ng ibang bahagi ng Asya at Europa, na nag-iwan ng mosaiko ng mga etnolinggwistiko at relihiyosong grupo na nakaimpluwensya sa modernong bansang Apgano.[2] Naging tahanan ang lupain ng iba't-ibang tao at dumaan ng maraming pananakop, kabilang ang pagsakop ni Alejandrong Dakila, Imperyong Maurya, ng mga Arabong Muslim, Monggol, Britaniko, Sobyetika, at ang pinakabagong koalisyon na pinamunuan ng mga Amerikano.[3] Nagsilbing pinagmulan din ang Apganistan kung saan bumangon ang mga Grekobaktriyano at Mughal, bukod sa iba pa, upang bumuo ng mga malalaking imperyo.[4] Ang iba't-ibang pananakop at kapanahunan sa mga kalipunang pangkalinangang Indiyano at Persa ay gumawa sa lugar na isang sentro para sa Budismo, Zoroastrianismo, Hinduismo, at sa kalaunan ay Islam. Noong 2021, ang populasyon nito ay 40.2 milyon, ang karamihan ay binubuo ng mga etnikong Pastun, Tayiko, Hasara, at Usbeko.[5]
Ang modernong estado ng Apganistan ay nagsimula sa dinastiyang Durrani noong ika-18 dantaon, ang imperyo sa tuktok nito ay namumuno ng lugar mula sa silangang Iran hanggang hilagang Indiya. Kasunod ng paghina nito at pagkamatay ng Timur Shah, nahati ito sa mas maliliit na nagsasariling kaharian ng Herat, Kandahar at Kabul, bago muling pinagsama noong ika-19 na dantaon pagkatapos ng mga digmaan para sa pagkakaisa na pinamunuan ni Dost Mohammad Khan. Sa panahong ito, naging estadong tapon ang Apganistan sa "Dakilang Laro" sa pagitan ng Britanikong Raj at Imperyong Ruso. Tinangka ng mga Britaniko sa Indiya na sakupin ang bansa ngunit naitaboy sa Unang Digmaang Anglo-Apgano. Sa ikalawang digmaan ay matagumpay na naitatag ang isang Britanikong protektadong estado sa Apganistan, ngunit kasunod ng ikatlong digmaan noong 1919 ay napalaya ang bansa mula sa dayuhang dominasyon, at sa kalaunan ay lumitaw ito bilang ang malayang Kaharian ng Apganistan noong Hunyo 1926 sa ilalim ni Amanullah Khan. Ang kahariang ito ay tumagal ng halos 50 taon, hanggang sa mapatalsik si Zahir Shah noong 1973, kasunod nito ay naitatag ang isang republika, na siya'y hinalili ng isang demokratikong republika pagkatapos ng Himagsikang Saur. Pagkatapos ng pagbagsak ng komunistang pamahalaan ay pinalitan ito ng isang Islamikong estado. Ang kasaysayan ng Apganistan mula noong huling bahagi ng dekadang 1970 ay sumaklaw ng mga kudeta, himagsikan, pagsalakay, insurhensiya, at digmaang pambayan. Ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ng Taliban, na bumalik sa kapangyarihan at muling itinatag ang Islamikong emirato pagkatapos maipatalsik ang Islamikong Republika ng Apganistan sa pagtatapos ng matagalang 20-taong digmaan sa bansa.
Sa kasalukuyan, ang bansa ay mayroong mataas na antas ng terorismo, kahirapan, at malnutrisyon sa mga kabataan. Ang ekonomiya ng Apganistan ay ang ika-96 na pinakamalaki sa mundo, na may kabuuang domestikong produkto na $72.9 bilyon sa pamamagitan ng pagkakatulad ng kapangyarihang bumili. Mas malala ang kalagayan ng bansa pagdating sa bawat-kapitang KDP, na niranggong ika-169 sa 186 na bansa noong 2018.
Pangalan
Iminumungkahi ng ilang mga iskolar na ang pinagmulang pangalang Afghān ay nagmula sa salitang Sanskrit na Aśvakan na siyang pangalang ginamit para sa mga sinaunang taong naninirahan sa Hindu Kush.[6] Ang Aśvakan ay literal na nangangahulugang "mga mangangabayo" (mula sa salitang aśva, ang salitang Sanskrit at Avestan para sa "kabayo").[6] Gayunpaman, ang iba tulad ni Ibrahim Khan ay nanindigan na ang salitang Afghan ay nagmula sa wikang Bactrian.[7]
Mga pangunahing lungsod
Ang nag-iisang lungsod sa Afghanistan ay ang kabisera nito, ang Kabul. Ang iba pang mataong lungsod ay ang Kandahar, Herat, Mazar-e Sharif, Jalalabad, Ghazni at Kunduz.
Pamamahala
Mga paghahating pang-administratibo
Ang mga sumusnod ay ang talaan ng lahat ng 34 na lalawigan
Tingnan din
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.