kapulungang tagapagbatas ng Unang Republikang Pilipino From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Kongreso ng Malolos o pormal na kinikilala bilang "Pambansang Asambleya" ng mga kinatawan ay ang asambleya ng mga nahalal ng Unang Republika ng Pilipinas. Sila ay nagtipon-tipon sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.[2] Ito ang siyang bumuo ng Konstitusyong Malolos.
Kongreso ng Malolos | |
---|---|
Pilipinas | |
Uri | |
Uri | Unikameral |
Kapulungan | La Asamblea De Representantes |
Kasaysayan | |
Itinatag | 15 Setyembre 1898 |
Binuwag | 13 Nobyembre 1899 |
Inunahan ng | Kortes ng Espanya Ayuntamiento |
Sinundan ng | Komisyong Taft |
Mga puwesto | 136[note 1] |
Ang kongresong ito ay hindi higit pa sa isang pakitang tao lamang.[2] "Ito ay para maipakita sa mga dayuhang korespondyente na ang mga Pilipino ay sibilisado, ngunit ang karamihan sa mga gawain ng pagbubuo ng bansa ay ginagawa sa Katedral ng Malolos ng sangay ehekutibo ng pamahalaang pinamumunuan ni (Pangulo ng Pilipinas na si Emilio) Aguinaldo, na siya ding namumuno sa hukbong lumalaban sa mga Amerikano," ayon kay manananggol Cris Santiago, dating pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan.[2]
Matapos ang pagpapahayag ng kasarinlan mula sa Espanya noong 12 Hunyo, 1898, at ang pagbabago mula sa pamahalaang diktaturya tungo sa pamahalaang rebolusyonaryo noong 23 Hunyo, isinagawa panghalalan ng Kongreso ng Malolos sa pagitan ng 23 Hunyo at 10 Setyembre. Noong 15 Setyembre 1898, nagpulong ang rebolusyonaryong kongreso sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, kung saan Pangulo si Pedro Paterno at Ikalawang Pangulo si Gregorio S. Araneta.[3] Noong 29 Setyembre, ipinagtibay ang Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Hunyo 12.[4] Pagkatapos nito, nagpasiya ang Kongreso na bumuo ng Saligang Batas, na siyang tinutulan ni Apolinario Mabini, punong ministro ng pamahalaang rebolusyonaryo (Pangulo ng Konseho ng Pamahalaan).[4] Ang nabuong Konstitusyon ng Malolos ay ipinagtibay noong 29 Nobyembre 1898, nilagdaan bilang batas noong 23 Disyembre, inaprubahan noong 20 Enero 1899, at pinahintulutan ni Emilio Aguinaldo noong 21 Enero, at ipinatupad noong 22 Enero.[5][6] Ipinahayag ng dokumento na ang mamamayan ay may natatanging soberanya. Ipinahayag din ang mga pangunahing karapatang pantao, ang paghihiwalay ng simbahan at estado, at tumatawag sa pagbubuo ng Asambleya ng Mga Kinatawan o Pambansang Asambleya na siyang gaganap bilang sangay lehislatibo. Tumatawag din ito para sa
Malolos Constitution[9] | |
---|---|
Inaprubahan | Pinatupad |
January 21, 1899 | January 22, 1899 |
Kabilang sa mga 85 delegado na nagtipon sa Malolos ay 43 abogado, 17 manggagamot, limang parmasiyotiko, tatlong guro, pitong mangangalakal, apat na pintor, tatlong sundalo, isang pari at apat na magsasaka. Among the 85 delegates who convened in Malolos, there were 43 lawyers, 17 doctors, five pharmacists, three educators, seven businessmen, four painters, three military men, a priest and four farmers.[2] Apat sa mga 85 delegado ang hindi nakapagtapos ng kolehiyo.[2]
Listahan ng mga Kinatawan ng Pambansang Asambleya (kasapi) kada probinsya noong 7 Hulyo 1899.[10][11]
Probinsya | Hinalal | Tinalaga |
---|---|---|
Manila | 4 | 0 |
Batangas | 4 | 0 |
Bulacan | 4 | 0 |
Cavite | 4 | 0 |
Camarines | 4 | 0 |
Ilocos Sur | 3 | 1 |
Ilocos Norte | 6 | 0 |
Laguna | 4 | 0 |
Pampanga | 4 | 0 |
Pangasinan | 2 | 2 |
Iloilo | 0 | 4 |
Cebu | 0 | 4 |
Leyte | 0 | 4 |
Albay | 4 | 1 |
Cagayan | 1 | 2 |
Bataan | 3 | 0 |
Isabela | 2 | 1 |
Union | 1 | 2 |
Nueva Ecija | 3 | 0 |
Tarlac | 3 | 0 |
Zambales | 2 | 1 |
Sorsogon | 0 | 3 |
Negros Occidental | 0 | 3 |
Negros Oriental | 0 | 3 |
Samar | 0 | 3 |
Capiz | 0 | 3 |
Antigua | 0 | 3 |
Bohol | 0 | 3 |
Zamboanga | 0 | 3 |
Misamis | 0 | 3 |
Calamianes | 0 | 3 |
Masbate | 0 | 3 |
Mindoro | 1 | 2 |
Morong | 2 | 0 |
Lepanto | 3 | 0 |
Batanes Islands | 1 | 1 |
Nueva Vizcaya | 1 | 1 |
Abra | 1 | 0 |
Padre Burgos (Benguet) | 1 | 2 |
Catanduanes | 0 | 2 |
Paragua | 0 | 2 |
Kabuuan | 68 | 68 |
136[note 1] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.