Ang kasaysayan ng Europa ay ang lahat ng mga panahon nang magsimulang mamuhay ang mga tao sa kontinente ng Europa hanggang pangkasalukuyang panahon.
Kasaysayan
Sinaunang Tao at ang Sinaunang Gresya
Ang unang katibayan ng pagkakaroon ng mga mga homo sapiens (taong pangkasalukuyan) sa Europa ay matutunton magmula 35,000 BK. Maipepetsa ang sinaunang panahon sa Europa mula sa Iliad ni Homer sa Sinaunang Gresya noong bandang 700 BK.
Mga Romano
Ang Republikang Romano ay itinatag noong 509 BK, na naging Imperyo Romano sa pamumuno ni Octaviano dahil sa kapangyarihan taglay ng lungsod ng Roma. Naging relihiyon ng imperyo ang Kristiyanismo noong ika-4 na daantaon, at naisaayos noong ika-6 na daantaon, sa loob ng imperyo, dahil kay Emperador Justiniano II (527–565) na may limang pinakamahahalagang mga lungsod: Roma, Konstantinople, Antioch, Herusalem, at Alexandria. Ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano ay ang hudyat ng pagbagsak ng kultura at sining ng Kanlurang Europa. Nanatili ang kabihasnang Romano sa Silangan, sa Silangang Imperyong Romano.
Pyudalismo/Gitnang Panahon
Ang paghihiwalay o paghahati sa loob ng kapangyarihan ng simbahan noong ay naidagdag sa mas maagang paghihiwalay na nagpatuloy magmula 451 (Konseho ng Chalcedon) at nasundan ng mga Krusada mula sa Kanluran upang mailigtas ang silangan mula sa paglusob ng mga Muslim. Nagsimulang humina ang piyudalismo sa Europa ng manawagan si Pope urban para sa Krusada upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim. Ang isa pang dahilan ay ang pagpasok ng Bubonic Plague o Black Death.[1] Bumagsak ang Konstantinople noong 1453,[2], ngunit natuklasan naman ang bagong mundo noong 1492.
Renasimyento
Nagising ang Europa mula sa panahong midyibal sa pamamagitan ng pagkakatuklas ng pagkatutong klasikal. Ang Renasimyento ay nasundan ng Repormasyong Protestante, habang inatake ni Alemang pari na si Martin Luther ang kapangyarihan ng Santo Papa. Ang Tatlumpung Taong Digmaan[3], ang Kasunduan ng Westphalia (Kapayapaan ng Westphalia), at ang Himagsikang Maluwalhati ay naglatag ng batayan para sa isang bagong panahon ng pagpapalawak at pagkamulat.
Republusyong Industriyal
Ang Republusyong Industriyal, na nagsimula sa Dakilang Britanya, ang nagpahintulot sa mga tao sa unang pagkakataon na humiwalay mula sa pamumuhay na umaasa sa pagsasaka lamang.[4] Nahati ang maagang Imperyong Britaniko dahil sa panghihimagsik ng mga kolonya nito sa Amerika upang maglunsad ng pamahalaang may kumakatawan. Napasigla ng Himagsikang Pranses ang pagkakaroon ng pagbabagong pampolitika sa Europang kontinental, nang humiling ang mga tao ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran (liberté, egalité, fraternité sa wikang Pranses). Nasakop at nireporma ng pinunong Pranses na si Napoleon Bonaparte ang kayariang panlipunan ng kontinente sa pamamagitan ng digmaan magpahanggang 1815. Habang parami nang parami ang pagkakaroon ng kakayahang bumoto ng mga maliliit na mga may-ari ng mga ari-arian sa Pransiya at sa Nagkakaisang Kaharian, umunlad ang mga gawaing sosyalista at unyong pangkalakalan at nagkaroon ng mga rebolusyon sa Europa noong 1848. Ang huling mga labi ng pang-aalipin at pagkaalipin ay nabuwag sa Austriya at Unggarya noong 1848. Nabuwag ang pang-aalipin sa Rusya noong 1861.[5] Nagsimulang muling magkaroon ng kalayaan at kasarinlan ang mga bansang Balkano mula sa Imperyong Otomano. Pagkaraan ng Digmaang Pranko-Pruso, nabuo ang Italya at Alemaya mula sa mga pangkat ng mga prinsipalidad noong 1870 at 1871. Nagkaroon ng mga sigalutan sa paligid ng mundo, bilang pagtugis sa mga imperyo, hanggang sa ang paghahanap ng isang pook sa araw ay nagwakas sa pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa kawalan ng pag-asa sa digmaan, nangako sa mga tao ang Himagsikang Ruso ng 1917 ng "kapayapaan, tinapay, at lupain". Ang pagkatalo ng Alemanya ay dumating kapalit ng pagguho ng kabuhayan (ekonomiya), na naisakodigo sa Kasunduan ng Versailles, na napagmasdan sa Masidhing Kapanglawan, at ang pagbabalik papunta sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng digmaang ito, lumaganap ang Komunismo sa Gitna at Silangang Europa, Yugoslabya, Bulgarya, Rumanya, Albanya, Hilagang Biyetnam, at Hilagang Korea. Humantong ito sa Digmaang Malamig, na isang apatnapung-taong pagtatalo sa pagitan ng Estados Unidos, Unyong Sobyet, at ng kanilang mga kapanalig (pangunahing mga bansang kasapi sa NATO o sa Pakto ng Warsaw). Bawat bansa ay nais magbunsod ng kani-kanilang uri ng pamahalaan. Gustong ipakalat ng Unyong Sobyet ang komunismo, habang nais ipalaganap ng Estados Unidos ang demokrasya. Natakot ang mga tao sa buong mundo sa pagkakaroon ng digmaang nukleyar dahil sa hidwaang ito.
Naging hindi na gaanong kaakit-akit ang komunismo nang maging maliwanag na hindi ito gaanong epektibo sa pagpapasulong ng kaunlarang pangkabuhayan nang ihambing sa mga estadong Kanluranin at hindi ito nababagay para sa isang reporma o pagbabago[6] na magpapahintulot ng kalayaan sa pagsasalita para sa lahat ng mga tao. Kung gayon, pinuwersa ng Unyong Sobyet sa Unggarya ang pag-ayaw nito na magkaroon ng reporma noong 1956, kung saan mas ninais ang pagtatayo ng Pader ng Berlin noong 1961, at inihinto nito ang reporma sa Czechoslovakia noong 1968. Noong nilinaw ni Mikhail Gorbachev noong 1988 at 1989, na hindi niya pipilitin ang mga bansang nasa Silangang bloke na manatili sa komunismo[7] binuwag ang Pader ng Berlin noong 1989 at gumuho ang Unyong Sobyet noong 1991.[8] At nanatili ang Estados Unidos bilang ang nag-iisang pinaka makapangyarihang bansa o isang superpower. Lumagda ang Europa ng isang bagong kasunduan ng pagkakaisa (ang Unyong Europeo), na nagsasama ng 27 mga bansang Europeo noong 2007.
Tingnan din
Mga talababa
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.