Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Mihail Sergeevič Gorbačëv (Siriliko: Михаил Сергеевич Горбачёв; Inggles: Mikhail Gorbachev) (2 Marso 1931 - 30 Agosto 2022) ang pinuno ng Unyong Sobyet mula 1985 hanggang 1991. Sa kanyang panunungkulan natapos ang Unyong Sobyet. Siya ang nagpasimula ng Perestroikana may ibig sabihing Baguhin o Ayusin, ang Glasnost na may ibig sabihing Kalayaan.
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Enero 2024)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Mikhail Gorbachev Михаил Горбачёв | |
---|---|
Pangulo ng Unyong Sobyet | |
Nasa puwesto 15 Marso 1990 – 25 Disyembre 1991 | |
Punong Ministro | Nikolai Ryzhkov Valentin Pavlov Ivan Silayev |
Pangalwang Pangulo | Gennady Yanayev |
Nakaraang sinundan | Andrei Gromyko |
Sinundan ni | Boris Yeltsin bilang Pangulo ng Rusya, pagkakatatag ng CIS |
Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet | |
Nasa puwesto 11 Marso 1985 – 24 Agosto 1991 | |
Nakaraang sinundan | Konstantin Chernenko |
Sinundan ni | Vladimir Ivashko (Acting) |
Ika-12 Pangulo ng Presidium ng Supremong Sobyet ng Unyong Sobyet | |
Nasa puwesto 1 Oktubre 1988 – 25 Mayo 1989 | |
Punong Ministro | Nikolai Tikhonov Nikolai Ryzhkov |
Unang Pangulo ng Supremong Sobyet ng Unyong Sobyet | |
Nasa puwesto 25 Mayo 1989 – 15 Marso 1990 | |
Nakaraang sinundan | sarili bilang Pangulo ng Presidium ng Supremong Sobyet |
Sinundan ni | Anatoly Lukyanov bilang Ispiker ng Parlamento sarili bilang Puno ng Estado bilang Pangulo ng Unyong Sobyet |
Kasapi ng Politburo | |
Nasa puwesto 1980–1991 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | 2 Marso 1931 Stavropol, Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya, Unyong Sobyet |
Yumao | 30 Agosto 2022 91) Moscow, Russia | (edad
Himlayan | Novodevichy Cemetery, Moscow |
Partidong pampolitika | Partido Komunista ng Unyong Sobyet (1950–1991) Partido Demokratikong Lipunan ng Rusya (2001–2004) Union of Social Democrats (2007-kasalukuyan) Malayang Partido Demokratiko ng Rusya (2008-kasalukuyan) |
Asawa | Raisa Gorbachyova (d. 1999) |
Alma mater | Moscow State University |
Propesyon | Abogado |
Pirma |
Bilang presidente ng Unyong Sobyet, ang mga programa ni Gorbachev ay may layuning ibalik muli ang ekonomiya ng bansa at baguhin ang problematikong proseso ng takbong politikal. Subalit ang mga ito ay nagresulta ng mga serye ng panyayari kung saan tuluyang nawala ang kapangyarihang komunista at bumagsak ang bansang Unyong Sobyet kasama ang mga satellite states na pinanghahawakan ng Partido Komunista.[1]
Si Gorbachev ay ipinanganak noong 2 Marso 1931 sa Stavropol, Russian SFSR, Unyong Sobyet.[1]
Parehas ng kanyang magulang ay nagtrabaho sa kabukiran na pinamamahalaan ng gobyerno habang ang binatang Gorbachev ay nagtrabaho bilang isang combined harvester.[1] Dahil sa ipinamalas niyang galing sa trabaho, iginawad sa kanya ang gantimpalang Order of Red Banner of Labour noong 1949.[2]
Noong 1950, pumasok si Gorbachev ng abogasya sa Estadong Unibersidad ng Moscow. Nang siya'y makapagtapos ng pag-aaral sa nasabing unibersidad noong 1955, naging aktibong miyembro na si Gorbachev sa Partido Komunista.[1] Noong 1955 rin pinakasalan ni Gorbachev si Raisa Maximovna Titorenko, isang estudyante ng pilosopiya.[2]
Noong 1985, nahirang na pinuno ng Partidong Komunista si Gorbachev. Sa simula pa lamang ng kanyang pamumuno, ipinadama na niya ang pagpapatupad sa mag ng pagbabagong Radikal. Pinakasentro ng mga Radikal na repormang kanyang ipinatupad ang tinatawag na Perestroika o pagrereorganisa o pagrereistraktura. Pangunahing prinsipyo ng Perstroika ang nagsasaad na hindi kailanman maaaring gamitin ang Sandatang nuklear upang matupad ang layuning Pampolitika, Ekonomik at ideolohikal ng isang Bansa. Batay dito, walang saysay at hindi makatwiran ang Armas-Nuklear. Sa anumang digmaan magagamit ang sandatang nuklear, walang maituturing na panalo o natalo sapagkat mawawala ang kabihasnan ng buong Daigdig.
Sapagkat nakita ni Gorbachev na hindi magtatagumpay ang anumang pagbabago sa ekonomiya kung walang pagbabagong paiiralin sa sistemang panlipunan at pampolitika, maging mahahalagang bahagi ng Perestroika ang tinatawag na Glasnost o pagiging Bukas. Hinihikayat niya ang mga mamamayan at mga opisyal na talakayin at magpalitan ng kaisipan tungkol sa mga kalakaran at mag kahinaan ng Unyong Sobyet o Union of Soviet Socialist Republics O USSR. Nabigyan ng kalayaan ang mga Tao sa pamamahayag at naging kritikal sila sa Pamahalaan.
Naging maluwag si Gorbachev sa mga republika na nasa ilalim ng Unyong Sobyet. Dahil dito, isa-isang humiling at naghayag ng kalayaan ang mga republika. Noong 8 Disyembre 1991, inihayag ng mga pinuno ng Rusya, Ukraine, at Belarus ang pagkalas mula sa Unyong Sobyet. Pinalitan ng Commonwealth of Independent States (CIS) ang dating pangalan ng Unyong Sobyet.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.