Remove ads
pook sa relihiyon o mitolohiya na walang-hanggang pagdurusa From Wikipedia, the free encyclopedia
Sa maraming mga mitolohiya at tradisyong panrelihiyon, ang impiyerno ay isang lugar ng paghihirap at kaparusahang nasa kabilang buhay, kalimitang nasa mundong ilalim. Kalimitang nilalarawan ng mga pananampalatayang may tuwirang kasaysayan ng kabanalan ang impiyerno bilang walang kawakasan. Sa mga relihiyong may reinkarnasyon o kasaysayang painug-inog, pabalik-balik, o paulit-ulit, kalimitang nilalarawan ang impiyerno bilang isang panahong pansamantala na nasa pagitan ng mga muling pagsilang ng kaluluwa sa ibang katauhan.
Ang impiyerno ay lumilitaw sa ilang mga mitolohiya at relihiyon. Ito ay karaniwang inilalarawan bilang tinatahanan ng mga demonyo at mga kaluluwa ng mga namatay na tao partikular na ang mga taong "masama". Sa mga relihiyong Kristiyanismo at Islam, ang impiyerno ay tradisyonal na pinaniniwalaan bilang "maapoy" at puno ng paghihirap, kirot, at pagdurusa. Sa ibang mga tradisyon, ang impiyerno ay pinaniniwalaang malamig. Ang mga paglalarawang Budista partikular na ang mga Budistang Tibetano ay nagtatanghal ng magkatumbas na bilang ng mga "mainit" at "malamig" na impiyerno. Sa Apocalipsis ni Pablo na mula ika-3 siglo CE, ang impiyerno ay mga ilog ng apoy at yelo para sa mga malalamig na puso.
Ang mga kultura ng Mesopotamia kabilang ang Sumeria, imperyong Akkadian, Babilonia at Assyria, mga Hittite at mga Cananeo/Ugarit ay naghahayag ng ilan sa pinakamaagang ebidensiya sa ideya ng mundong ilalim. Sa mga ilang tekstong nakaligtas mula sa mga kabihasnang ito, ang ebidensiya ay lumilitaw sa Epiko ni Gilgamesh, ang "Pagbaba ni Inanna sa mundong ilalim", "si Baal at mundong ilalim", "Ang pagbaba ni Ishtar at ang "Pangitain ni Kummâ."
Sa relihiyon ng Sinaunang Ehipto, ang isang taong namatay ay haharap sa hukuman ng isang tribunal ng mga 42 makadiyos na hukom. Kung sila ay namuhay ayon sa mga patakaran ng diyosang si Maat na kumakatawan sa katotohanan at tamang pamumuhay, ang person ay tinatanggal sa dalawang mga parang. Kung natagpuang nagkasala, ito ay ihahagis sa isang maninila at hindi makikisalo sa walang hanggang buhay. Ang dinalang namatay sa maninila ay sumasailalim muan sa isang nakakatakot na kaparusahan at pagkatapos ay winawasak. Ang pagdadalisay ng mga itinuring na napawalang sala ay lumilitaw sa mga paglalarawan ng Islang Apoy kung saan ang tao ay nakakaranas ng pagwawagi sa kasamaan at muling kapanganakan. Sa mga napahamak, ang kumpletong pagkawasak sa isang estado ng hindi-pagiging nilalang ay naghihintay. Gayunpaman, walang mungkahi ng walang hanggang pagpapahirap. Ang pagtitimbang ng puso sa mitolohiyang Ehipto ay maaaring humantong sa anihilasyon. Ang kapatawan ng diyos sa paghuhukom ay palaging nananatiling isang sentral na pagkabahala para sa mga Sinaunang Ehipto. Ang modernong pagkaunawa ng mga nosyong Ehipsiyo ng impiyerno ay umaasa sa mga anim na sinaunang tekstong Ehipto: Ang Aklat ng mga Dalawang Daan
Ayon sa mga tekstong Kabaong at iba pang mga akda, ang mundong ilalim ay naglalaman ng maapoy na mga lawa at mga ilog gayundin mga apoy na demonyo na nagbabanta sa mga masasama. Ang mga representasyon ng mga lawang maapoy ng ikalimang oras o bahay ni Amduat ay nagpapakita sa mga ito sa anyo ng pamantayang hieroglipong tubigan o lawa ngunit may mga pulang apoy na linyang tubig at pinapaligiran sa lahat ng mga apat na gilid ng mga tandang apoy na hindi lamang tumutukoy sa kalikasang nagniningas kundi nagpapakain rin sa mga ito sa pamamagitan ng grapikong pagtulo ng mga apoy. Ang ilang mga tekstong templo ng Ehipto at mga modernong aklat ay nagsaad na ang Lawa ng Apoy sa relihiyon ng Sinaunang Ehipto ang lawa na dinadaanan ni Ra sa kanyang pang-araw araw na paglalakbay sa Duat. Siya ay pumapasok sa bakurang kanluran at lumalabas sa bakurang silangan at pagkatapos ay ang bangkay ay muling nababago.[1] Ang imahen sa Papyrus ni Ani(ca. 1250 BCE) na isang bersiyon ng Aklat ng Namatay ay nagpapakita ng apat na mga cynocephalous baboon na nakaupo sa mga apat na sulok ng isang rektanggular na tubigan. Sa bawat gilid ng tubigang ito ay isang nagniningas na brasero.
Sa mitolohiyang Griyego, sa ilalim ng Langit, Mundo at Pontus ang Tartarus na isang malalim, mapanglaw na lugar, isang hukay o kalaliman na ginagamit bilang isang piitan ng pagpapahirap at pagdurusa sa nakatira sa loob ng Hades. Sa Gorgias ni Plato noong c. 400 BCE, ang mga kaluluwa ay hinuhukam pagkatapos ng kamatayan at ang mga nakatanggap ng kaparusahan ay ipinapada sa Tartarus.
Ang mga impiyerno ng Europa ay kinabibilangan ng mitolohiyang Breton na Anaon, mitolohiyang Seltiko na Uffern, mitolohiyang Slaviko na Peklo, impiyerno ng mitolohiyang Sami at Finnis na "tuonela" ("manala").
Ang mga impiyerno ng Asya ay kinabibilangan ng Bagobong Gimokodan, at Kalichi o Naraka sa sinaunang mitolohiyang Indiano. Sa mga Ainu, ang impiyerno ay isang lugar sa ilalim ng lupa na itinalaga para sa mga makasalang tao. Sa Shinto, ang impiyerno ay kilala bilang Yomi. Sa mitolohiyang Tsino at Taoismo, ang impiyerno ay tinatawag na Diyu, ito ay pinamamahalaan ni Yanluo Wang, ang Hari ng impiyerno, ang Diyu ay isang maze ng mga antas sa ilalim ng lupa at mga silid kung saan ang mga kaluluwa ay pinarurusahan para sa kanilang mga kasalanan sa buhay.
Ang mga impiyernong Aprikanon ay kinabibilangan ng Hetgwauge sa mitolohiyang Haid at impiyerno sa mitolohiyang Swahili. Ang relihiyong Serer ay tumatakwil sa ideya ng langit at impiyerno. Sa Serer, ang pagtanggap ng mga ninuno na matagal nang pumanaw ay kasing lapit sa langit. Ang pagtakwil at pagiging lagalag ng kaluluwa ay kasing lapit ng impiyerno pagkatapos pumanaw. Ang mga kaluluwa ng namatay ay dapat sumulong sa Jaaniw na isang sagradong tirahan ng kaluluwa. Ang mga tanging mga namuhay nang ayon sa mga doktrinang Serer ang makapaglalakbay at kaya ay matatangap ng mga ninuno. Ang mga hindi nakapaglakbay ay nawawala at nagiging lagalag ngunit hindi sila nasusunog sa "apoy ng impiyerno".
Ang mga impiyernong Oceaniko ay kinabibilangan ng “O le nu'u-o-nonoa” at mitolohiyang Samoan at mga imperyo sa mitoloiyang Bangka at mga kapuluang Caroline.
Ang mga impiyerno ng Katutubong Amerikano ay kinabibilangan ng Mictlan ng relihiyong Aztec, Adlivun ng relihiyon ng Inuit at Shobari Waka ng relihiyon ng Yanomani. Sa relihiyong Mayan, ang Xibalbá ang mapanganib na mundong ilalim ng mga siyam na lebel ng mga demonyongVucub Caquix at Hun Came. Ang daan tungo at papalabas dito ay sinasabing matarik, matinik at napakabawal. Ang metnal ang pinakamababa at pinakanakakatakot ng mga siyam na impiyerno ng mundong ilalim na pinamumunuan ni Ah Puch. Ang mga manggagamot na ritwal ay magtotono ng mga panalanging pagpapagalin at pagpapatalsik ng mga sakit sa Metnal. The road into and out of it is said to be steep, thorny and very forbidding. Metnal is the lowest and most horrible of the nine Hells of the underworld, ruled by Ah Puch. Ritual healers would intone healing prayers banishing diseases to Metnal. Ang mga Aztec ay naniniwalang ang mga namatay ay naglalakbay sa Mictlan na isang neutral na lugar na matatagpuan nang malayo sa hilaga. May isa ring alamat ng isang lugar ng mga puting bulaklak na palaging madili at tahanan ng mga diyos ng kamatayan partikular na sina Mictlantecutli at asawa nitong si Mictlantecihuatl na literal na nangangahulugang "mga panginoong Mictlan". Ang paglalakbay sa Mictlan ay tumatagal ng apat na tao at ang mga naglalakbay ay dapat lumaban sa mga mahihirap na pagsubok gaya ng pagdaan sa isang saklaw na kabunduan kung saan ang mga bundok ay nagbabanggaan sa bawat isa, isang parang kung saan ang hangging ay tumatanggay ng mga kumakayod ng laman na mga kutsilyo at isang ilog ng dugo na may mga nakakatakot na jaguar.
Sa Bagong Tipan, ang isinaling "impiyerno" ng mga tagapagsalin ng Bibliya ay tipikal na inilalarawan gamit ang mga salitang Griyegong Tartarus o Hades(na isinalin sa Septuagint mula sa Hebreong Sheol) o ang salitang Hebreo na Gehenna. Pangkalahatang inaayunan ng mga skolar gayundin sa Hudaismo na ang sheol o hades ay hindi tumutukoy sa "lugar ng walang hanggang kaparusahan"(o impiyerno sa doktrinang Kristiyanismo) kundi sa "libingan", temporaryong tirahan ng mga namatay, at mundong ilalim.[2]
Ang kasunduan ng mga modernong skolar ay ang kanonikal na Lumang Tipan ay walang reperensiya sa isang imortal o "hindi namamatay na kaluluwa" na hindi nakasalalay sa katawan.[3][4][5][6] Ang pananaw na ito ay konsistenteng kinakatawan ng isang malawak na saklaw ng mga akdang sangguniang pang-skolar.[7][8][9][10][11][12]
Ang mga modernong skolar ay naniniwalang ang konsepto ng isang imortal o hindi namamatay na kaluluwa na tumutungo sa isang kaligayahan o pagpapahirap pagkatapos ng kamatayan ay pumasok sa nanaig na Hudaismo pagkatapos ng pagkakatapon.[13] at umiral sa buong panahong ikalawang templo bagaman ang parehong "pagtulog na kaluluwa" at "kamatayan ng kaluluwa" ay pinaniwalaan rin [14][15][16]
Ang ideya na ang kaluluwa ay hindi imortal ay umiiral sa ilang mga akdang pseudepigrapikal ng panahong ikalawang templo[17][18] at kalaunan ay mga akdang rabinikal,[19][20] at sa mga panahong mediebal na rabbi gaya nina Abraham Ibn Ezra (1092–1167),[21] Maimonides (1135–1204),[22] at Joseph Albo (1380–1444).[23]
Ang Sheol (Wikang Hebreo שְׁאוֹל Šʾôl) na isinalin bilang "libingan", "hukay" o "tirahan ng mga namatay" ay ang kinikilalang tirahan ng mga patay o mundong ilalim sa paniniwalang Hudyo. Ito ang lugar na patutunguhan ng mga namatay(Kaw. 9:18) ng parehong mga matuwid(hal. Awit 49:15) at mga masama(hal. Awit 9:17).[24] Sa saling Griyegong Septuagint ng Hebreong Tanakh, ang sheol ay isinalin ng 61 sa 65 beses na Griyegong Hades, 2 beses na thanatos(kamatayan) at 2 beses nang hindi isinalin.
Sa ika-17 na siglong salin ng Bibliya sa Ingles na King James Version, ang Sheol sa Lumang Tipan ay isinalin na "impiyerno"(hell) ng 31 beses,[25] "libingan"(grave) ng 31 beses[26] at "hukay"(pit) ng 3 beses.[27]
Sa mga modernong salin ng Bibliya, ang sheol ay hindi isinalin na impiyerno kundi "libingan", "hukay" at "kamatayan".
Sa Mitolohiyang Griyego, si Hades ang diyos ng mundong ilalim. Ang henitibong ᾍδου, Haidou, ay isang elisyon upang tukuyin ang lokalidad: "ang bahay/dominyon ni Hades". Kalaunan, ang nominatibo ay tumukoy sa "tahanan ng mga namatay".
Sa Bagong Tipan, ang pariralang "לא־תעזב נפשׁי לשׁאול" (hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol) sa Awit 16:10 ay sinipi sa Mga Gawa 2:27 bilang "οὐκ ἐγκαταλείψεις τὴν ψυχήν μου εἰς ᾅδου" (hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades). Sa King James Version, ang Mga Gawa 2:27 ay isinalin na "thou wilt not leave my soul in hell(impiyerno)". Sa textus receptus na pinagbasehan ng King James Version, ang "ᾅδης" (Hades) ay lumitaw ng 11 beses. Sa bawat instansiya, isinalin ng King James Version ang Hades bilang "hell"(impiyerno) maliban sa 1 Cor. 15:55 kung saan ginamit ang "grave"(libingan). Sa mga edisyong kritikal ng 1 Cor. 15:55, ang "θάνατος" (kamatayan) ay pumalit sa "ᾅδης"(Hades).[28] Sa mga modernong salin kung saan ay mayroon lamang 10 instansiya ng "ᾅδης" ay pangkalahatang tinranslitera bilang "Hades". Sa modernong salin na NIV ng Mga Gawa 2:27, ito ay isinalin na "you will not abandon me to the realm of the dead". Sa lahat ng mga paglitaw ng hades sa Bagong Tipan maliban sa isa, ang "ᾅδης"(hades) ay may kaunti kung meron mang anumang kaugnayan sa mga gantimpala o parusa sa kabilang buhay. Ang eksepsiyon nito ang Talinghaga ni Lazaro at isang mayaman(Lucas 16:19-31) kung saan ay natagpuan ng mayaman ang kanyang sarili sa Hades at nagdurusa. Ang ilang mga skolar ay naniniwala na ang talinghagang ito ay sumasalamin sa pananaw na Hudyo noong panahong intertestamental ng sheol o hades na naglalaman ng magkahiwalay na mga dibisyon para sa masama at matuwid.[29] Ayon sa Pahayag 20:14, "Itinapon ng Diyos ang kamatayan at hades sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan."
Ang Gehenna sa mga saling Ingles ng Bibliya ay kumakatawan sa Griyegong Ge'enna (γέεννα) na isang ponetikong transkripsiyon ng Aramaikong Gēhannā (ܓܗܢܐ) na katumbas ng Hebreong Ge Hinnom na literal na "Lambak ng Hinnom". Ito ay isang lokasyon na orihinal na handugan ng mga tao sa diyos na si Moloch, ngunit kalaunang naging tambakan at sunugan ng basura at mga bangkay ng mga kriminal na nagkamit lamang ng kahulugang metaporikal noong panahong intertestamental.[30] Sa Marcos 9:47-48, ang Gehenna(na isinaling "impiyerno") ay inilarawan na "na doo'y hindi namamatay ang kanilang maggot, at hindi namamatay ang apoy". Ayon sa Mateo 5:29–30, ang buong katawan at ayon Marcos 9:43–47 ang dalawang mga kamay, mga paa at mata ang maibubulid sa Gehenna(na isinaling impiyerno).
Sa Mitolohiyang Griyego, si/ang Tartarus ay parehong isang diyos at isang lugar sa mundong ilalim. Ayon as Theogony ni Hesiod noong ca. 700 BCE, si Tartarus ang ikatlo sa mga diyos na primordial kasunod ni Kaguluhan at Gaia. Bilang lugar, ito ay isang malalim, mapanglaw na lugar, isang hukay o isang kailaliman na ginagamit bilang piitan ng pagpapahirap at pagdurusa na nananahan sa ilalim ng mundong ilalim. Sa Gorgias, isinulat ni Plato(c. 400 BCE) na ang mga kaluluwa ay hinahatulan pagkatapos ng kamatayan at ang mga nakatanggap ng parusa ay ipinapadala sa Tartarus. Sa Bagong Tipan sa 2 Pedro 2:4, ang pangngalang Tartarus ay hindi umiiral kundi ang tartaroo (ταρταρόω, "ihagis sa Tartarus") na isang pinaiking anyo ng klasikong pandiwang Griyego na kata-tartaroo ("ihagis pababa sa Tartarus") sa . Si Liddell Scott ay nagbibigay ng mga ibang mga sanggunian para sa pinaikling anyo mula sa pandiwang ito kabilang sina Acusilaus (ika-5 siglo BCE), Joannes Laurentius Lydusat ang Scholiast tungkol kay Aeschylus, Eumenides na nagbanggit kay Pindar na nagsalaysay kung paanong tinangka ng mundo na i-tartaro(ihagis pababa) su Apollo pagkatapos niyang talunin ang Python.[31] Sa mga tekstong klasiko, ang mas mahabang anyong kata-tartaroo ay kadalasang nauugnay sa paghahagis ng mga Titan pababa sa Tartarus.[32] Maraming mga modernong salin ng 2 Pedro 2:4 ang nagsalin ng Tartarus sa "impiyerno" ngunit nagbibigay ng pagbasang Tartarus sa footnote.[33] Ang Tartarus ay makikita sa 1 Enoch na may petsang mula 400 hanggang 200 BCE. Ito ay nagsaad na inilagay ng diyos ang arkanghel na si Uriel "na mangasiwa sa mundo at sa Tartarus](1 Enoch 20:2). Ang Tartarus ay pangkalahatang nauunawan bilang ang lugar kung saan ang mga 200 nahulog na tagamasid(anghel) ay ibinilanggo. Ang Tartarus ay makikita rin sa mga seksiyon ng Sibylline Oracles. E.g. Sib. Or. 4:186.
Ang maagang Hudaismo ay walang konsepto ng impiyerno. Ang konsepto ng kabilang buhay sa Hudaismo ay ipinakilala lang noong panahong Heleniko na maliwanag na hinango mula sa mga kapitbahay na relihiyong Helenistiko. Halimbawa dito ang nasa Aklat ni Daniel 12:2 na isinulat noong ika-2 siglo. Ang Hudaismo ay walang spesipikong doktrino tungkol sa kabilang buhay ngunit may tradisyong mistikal/ortodokso ng paglalarawan ng Gehenna. Ang Gehenna ay hindi impiyerno ngunit orihinal na libingan. Ang Gehenna ay itinuturing na isang tulad ng Purgatoryo na lugar kung saan ang ang mga masasama ay tutungo upang magdusa hanggang sa pagtitika ng kanilang mga kasalanan. Ang maksimum na halaga ng panahon na gugugol ang makasalanan sa Gehenna ay isang taon maliban sa mga limang tao na naroon sa lahat ng kawalang hanggan.[34] Ang Gehenna ay ipinaliwanag ng Kabbalah bilang isang "kwarto ng paghihintay" para sa mga lahat ng mga kaluluwa at hindi lamang mga masasama. Ang karamihan ng mga pananaw na Rabiniko ay naniniwala na ang mga tao ay hindi nasa Gehenna nang walang hanggan o magpakailanman. Ang pinakamatagal na naroon ang isang tao ay 12 buwan ngunit may ilang eksepsisyon. Ayon sa mga katuruang Hudyo, ang impiyerno ay hindi buong pisikal na lugar. Sa halip, ito ay maaaring ihambing sa isang napakasidhing saloobin ng kahihiyan. Ang mga tao ay nahihiya sa kanilang mga kasalanan at ito ay bumubuo ng pagdudurusa na magpupunan para sa mga kasalanan. Kung ang isang tao ay labis na lumihis mula sa kalooban ng diyos, siya ay sinasabing nasa gehinom. Ito ay hindi nangangahulugang isang punto sa hinaharap kundi sa napakakasalukuyang sandali. Ang mga bakuran ng teshuva(pagbabalik) ay sinasabing palaging bukas at kaya ay maaaring iayon ang kanyang kalooban sa diyos sa anumang sandali. Ang hindi pag-ayon sa kalooban ng diyos ay mismong parusa ayon sa torah.
Ang Simbahang Katoliko Romano ay naglalarawan ng impiyenro bilang "isang estado ng depinitibong hindi pagsasama ng sarili mula sa komunyon sa Diyos at mapalad". Ang isa ay nasa impiyerno dahil sa pagkamatay na nasa mortal na kasalanan nang hindi nagsisi at tumanggap sa mahabaging pag-ibig ng diyos na walang hanggang nawalay mula sa diyos sa pamamagitan ng malayang kalooban ng isang tao[35] na agad pagkatapos ng kamatayan.[36] Sa mga iba't ibang denominasyon ng Kristiyanismo kabilang ang Romano Katoliko, mga Baptist, Episcopalian at ilang mga simbahang Griyegong Ortodokso,[37] ang impiyerno ay pinaniwalaang ang impiyerno ang huling destinasyon ng mga hindi naging karapat-dapat pagkatapos ng resureksiyon at huling paghuhukom [38][39][40] kung saan sila walang hanggang parurusahan para sa kanilang mga nagawang kasalanan at permanenteng nawalay mula sa diyos. Ang kalikasan ng paghuhukom na ito ay hindi umaayon sa katuruan ng maraming mga Protestante na ang pagliligtas ay nagmumula sa pagtanggap kay Hesus bilang kanilang tagapagligtas bagaman ang mga simbahang Katoliko at ortodoksong Griyego ay naniniwalang ang paghuhukom ay nakasalalay sa parehong pananampalataya at mga gawa. Ang mga Kristiayanong liberal sa buong mga simbahang liberal na Protestante at Anglikano ay naniniwala sa pangkalahatang pakikipagkasundo ng mga tao sa diyos.[41] Ang ilang mga modernong teologong Kristiyano at mga ilang sektang Kristiyano kabilang ang Living Church of God, The Church of God International, at Seventh Day Adventist Church ay naniniwala sa doktrina na kondisyonal na imortalidad na paniniwalang ang kaluluwa ay namamatay kasama ng katawan at hindi muling mabubuhay hanggang sa resureksiyon.
Ang tradisyonal na paniniwala ng maraming mga Kristiyano ay ang "impiyerno" ay isang walang hanggang kaparusahang pagpapahirap para sa mga masasama. Kanilang sinusuportahan ito ng mga talatang gaya ng Pahayag 14:10-11 na nagsasaad na "Siya ay iinom ng alak ng poot ng Diyos, na ibinuhos niya na walang halo sa saro ng kaniyang poot. Pahihirapan siya sa apoy at nagniningas na asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero. Ang usok ng kanilang paghihirap ay pumailanlang magpakailan pa man. Ang mga sumamba sa mabangis na hayop at kaniyang larawan ay walang kapahingahan araw at gabi. Gayundin ang mga tumanggap ng tatak ng pangalan nito ay walang kapahingahan." at Pahayag 20:10 na nagsasaad na " At ang diyablo na nanglinglang sa kanila ay itinapon sa lawa ng apoy at ng asupre, kung saan naroroon ang mabangis na hayop at ang bulaang propeta at doon sila ay pahihirapan araw at gabi, magpakailan pa man." Gayunpaman, ayon sa mga kritika ng doktrinang ito, ang doktrina ng walang hanggan o magpakailanmang kaparusahan sa impiyerno ay nakasalig sa mga maling salin at mga maling interpretasyon ng mga orihinal na Hebreo at Griyegong salita na Hades, Tartarus, Gehenna na maling isinalin at maling pinakahulugang "impiyerno" gayundin ang salitang Hebreong owlam at mga Griyegong aion at aionios na maling isinalin at maling pinakahulugang "mapagkailanman o walang hanggan". Ang olawm ay may dalawang natatanging mga kahulugan sa Bibliya. Ang una ay isang panahong magpakailanman na hindi na nagtatapos at walang hangganan at ang ikalawa ay isang panahon na nagsisimula at nagwawakas na nangangahulugang tumatagal sa isang panahon. Kabilang sa ikalawang kahulugan ng olawm ang matatagpuan sa Jonas 1:17, 2:6, 1 Sam. 1:22,28, Exo.40:15 Deut 23:3, 1 Kron. 28:4, Gen. 49:26, Bilang 25:13, Awit 24:7, 2 Hari 5:7, Isaias 34:9-10 at iba pa. Sa Septuagint, ang Griyegong Aion ang direktang salin ng owlam at ang salitang ginamit sa Pahayag 14:10-11, Pahayag 20:10, 19:2-3 at iba pa. Ayon sa mga kritiko ng doktrinang ito, ang mga Griyegong basanizo at aion sa Pahayag 20:10 ay maling isinaling pahihirapan magpakailanman na ang tamang salin ay dapat na sila ay dadalisayin para sa panahon ng mga panahon. Ang mga kritiko ay nangatwirang ang eskpresyong "pananangis at pagngangalit ng mga ngipin" ay hindi nangangahulugang lugar ng walang hangganang paghihirap ngunit naghahayag ng pagtangis ng kalumbayan na sinamahan ng mga pambansang paghatol sa Israel(Isa. 22:12, 16:9, Jer. 9:1,48:32). Sa Mateo 8:5-12, ang pagtangis at pangangalit ng ngipin ay pag-atake sa kawalang pananampalataya ng Israel kay Hesus. Ang iba ay naniniwala na ito ay tumutukoy sa pagtangis ng galit at poot ng mga kalaban ni Hesus. Ang ekspresyong "pangangalit ng mga ngipin" ay naglalarawan sa isang umaatake sa biktima (Job 16:9, Awit 35:16,37:12, Pan. 2:16, Gawa 7:54). Ang "apoy at asupre" na binanggit sa Aklat ng Pahayag ay paglalarawan sa ibang mga talata ng Bibliya sa pagkawasak na pang-mundo ng mga masasama(Isa. 34:9, 30:33, Awit 11:6, Eze. 38:22). Ang Griyego ng asupre ay θεῖον na nangangahulugan ring makadiyos. Ang asupre ay sinasabing sagrado sa mga sinaunang Griyego na ginagamit sa mga ritwal panrelihiyon at mga layuning pangkonsagra. Ang hininga ng diyos ay sinasabing asupre(Isa. 30:33) at ang mismong diyos ay sinalita bilang nagdadalisay na apoy(Mal. 3:2-3).
Ang anihilasyonismo ang paniniwala ng ilang mga sektang Kristiyano, ang huling kaparusahan ng mga taong masasama ay isang buong pagkawasak(anihilasyon) sa halip na walang hanggang pagdurusa sa impiyerno. Ang doktrinang ito ay nauugnay sa doktrina ng kondisyonal na imortalidad na ang kaluluwa ng tao ay "hindi imortal"(hal. sa Ezekiel 18:4,20) malibang bigyan ng walang buhay ng diyos. Ang anihilasyonismo ay nagsasaad na kalaunang wawasakin ng diyos ang mga masasama na nag-iiwan lamang sa mga matutuwid na bigyan ng walang hanggang buhay at mabuhay ng imortal. Ang ilang mga anihilasyonista ay naniniwalang ang mga masasama ay parususahan sa kanilang mga kasalanan sa lawa ng apoy bago wasakin(halimbawa nito ang mga Seventh-day Adventist). Ang iba ay naniniwalang ang "impiyerno" ay isang maling doktrina na may pinagmulang pagano(halimbawa nito ang Jehovah's Witnesses). Ang doktrinang anihinilasyon ay sinusuportahan ng mga naniniwala dito ng mga talatang gaya ng Mateo 10:28, Awit 145:20, 37:38, 92:7, 2 Tes. 2:8-9, Roma 6:23, Filipos 3:18-19, Pahayag 21:1,4-5 at iba pa.
Ang mga Jehovah's Witnesses ay naniniwalang ang kaluluwa ay tumitigil na umiral kapag namatay ang isang tao[42] at kaya ang impiyerno(sheol o hades) ay isang estado ng kawalang-pag-iral.[42] Sa kanilang teolohiya, ang Gehenna ay iba mula sa Sheol o Hades sa kadahilanang dito ay walang pag-asa ng resureksiyon.[42] Pinapakahulugan ng mga Jehovah's Witnesses ang "lawa ng apoy" at "ikalawang kamatayan" sa Pahayag 20:14 bilang tumutukoy sa isang kumpleto at depinitibong anihilasyon o pagkawasak ng mga ibubulid dito.
Ang pangkalahatang pakikipagkasundo(universal reconciliation) ang paniniwala ng ilang mga Unitarian-Universalista mga Kristiyano na ang lahat ng mga kaluluwa ng tao(kahit ang mga demonyo at mga nahulog na anghel) ay kalaunang makikipagkasundo sa diyos at lahat papasok sa langit.[43][44][45] Kanilang sinusuportahan ang pananaw na ito ng mga talatang gaya ng Lucas 9:51-56, Colosas 1:15-20, 1 Juan 2:2, Gawa 3:19-21, 1 Corinto 15:28, Juan 3:16, Roma 5:6,5:18-19, Lucas 23:34, 1 Tim. 4:10, Filipos 2:9-11, Pahayag 5:13, 1 Timoteo 2:3-6,4:9-11, Lucas 19:9-10, Juan 12:32-33, Jeremias 3:12,9:24, Mat. 21:31, Awit 66:3-4,22:27-29, Mat. 5:43-44, Isaias 45:22-25, at iba pa. Pinapakahulugan ng mga Unibersalistang Kristiyano ang "lawa ng apoy"(Pahayag 20:14) na hindi isang literal na apoy dahil hindi posibleng ibulid ang kamatayan at hades sa lawa ng apoy. Sa halip, ito ay kanilang pinapakahulugan bilang isang instrumento ng pagdadalisay/pagpipino(hal. Mat. 3:11,12, Lucas 12:49, 1 Cor. 3:12-15, Jer. 23:29, 1 Pedro 4:12, Mal.3:1-3, 4:1-3) na magdadala sa lahat ng mga tao sa isang relasyon sa diyos. Ang salitang isinaling "pagpapahirap" sa Pahayag 14:10 ay ang Griyegong basanizo na may pangunahing kahulugan ng pagsubok sa isang batong hipuan.
Ang mga Muslim ay naniniwala sa jahannam (Arabiko: جهنم). Sa Koran, may mga literal na paglalarawan ng mga kinondena sa isang maapoy na impiyerno na salungat sa tulad ng Paraisong(jannah) na tinatamasa ng mga matuwid na mananampalataya.
Sa karagdagan, ang Langit at Impiyerno ay nahahati sa maraming mga iba ibang lebel depende sa mga nagawa sa buhay kung saan ang kaparusahan ay ibinibigay depende sa lebel ng kasamaang nagawa sa buhay. Ang mabuti ay hiwalay sa iban gmga lebel depende kung paano sumunod ang isang tao habang nabubuhay. Ang bakuran ng impiyerno ay binabantayan ni Maalik na pinuno ng mga anghel na itinakdang maging mga bantay na kilala rin bilang Zabaaniyah.
Bagaman, sa pangkalahatan, ang impiyerno ay kadalasang inilalarawna bilang isang mainit na sumisingaw at isang lugar ng pagpapahirap para sa mga makasalanan, may isang hukay ng impiyerno na inilalarawan nan giba mula sa ibang impiyerno sa tradisyong Islamiko. Ang Zamhareer ang Impiyerno ng sukdulang kalamigan ng mga hindi makakayang mga bagyo ng niyebe at yelo. Ang pinakamababang hukay ng impiyerno ang Hawiyah na para sa mga ipokrito na malakas na nag-aangking naniniwala kay Allaha at kanyang sugo ngunit itinatakwil ito sa kanilang mga puso.
Ang kapaimbabawan ay itinuturing na isa sa pinakamapanganib na mga kasalanan kasama ng shirk.
Sa Pananampalatayang Bahá'í, ang mga kumbensiyonal na paglalarawan ng Langit at Impiyerno ay itinuturing na mga simbolikong representasyon ng mga kondisyong espiritwal. Ang mga kasulatang Bahá'í ay naglalarawan sa pagiging malapit sa Diyos na langit at ang pagiging malayo sa diyos ang impiyerno.
Ang Budismo ay nagtuturo na may lima o minsan anim na mga sakop ng muling kapanganakan na mahahati pa sa mga digri ng pagdurusa o kaligayahan. Sa mga sakop na ito o Naraka ang pinakamababang sakop ng muling kapanganakana. Sa mga sakop na impiyerno, ang pinakamasahol ang Avīci o "walang katapusang pagdurusa". Ang alagad ni Buddha na si Devadatta na nagtangkang pumatay kay Buddha sa tatlong okasyon at lumikha ng pagkakabahagi sa orden na monastiko ay sinasabing muling ipinanganak sa impiyernong Avici. Gayunpaman, tulad ng lahat ng mga sakop ng muling kapanganakan, ang muling kapanganakan sa mga sakop ng impiyerno ay hindi permanente bagaman ang pagdurusa ay maaaring magpatuloy sa mga panahon bago muling ipinanganak muli. Sa Lotus Sutra, itinuro ni Buddha na kalaunan kahit si Devaddata ay magiging mismong isang Pratyekabuddha na nagbibigay diin sa temporaryong kalikasan ng mga sakop ng impiyerno. Kaya ang Budismo ay nagtuturo ng pagtakas sa walang katapusang migrasyon ng mga muling kapanganakan(na parehong positibo at negatibo) sa pamamagitan ng pagkakamit ng Nirvana. Ang Bodhisattva Ksitigarbha ayon sa Ksitigarbha Sutra ay gumawa ng isang dakilang panata na bilang isang batang babae ay hindi aabot sa Nirvana hanggang sa ang lahat ng mga nilalang ay napalaya mula sa mga sakop ng impiyerno o iba pang mga malusog na muling kapanganakan. Sa popular na panitikan, si Ksitigarbha ay naglalakbay sa mga sakop ng impiyerno upang turuan at paginhawain ang mga nilalang sa kanilang pagdurusa.
Ang maagang relihiyong Vediko ay walang konsepto ng impiyerno. Ang rigveda ay nagbabanggit ng tatlong mga sakot na bhūr (ang mundo), svar (ang kalangitan) a bhuvas o antarikṣa (ang gitnang lugar, i.e. hangin o atmospero). Sa mga kalaunang panitikang Hindu, ang mas maraming mga sakop ang binabanggit kabilang ang isang katulad ng impiyerno na tinatawag na naraka (sa Devanāgarī: नरक). Si Yama na unang ipinanganak na tao(kasama ng kanyang kambal na kapatid na babaeng si Yamī) sa birtud ng pangunguna ang naging pinuno ng mga tao at isang hukom sa paglisan ng mga tao. Sa orihinal, siya ay nakatira sa langit ngunit ang mga kalaunan lalo na ang mga tradisyong mediebal ay nagbabangit ng kanyang korte sa naraka. Sa mga aklat ng batas(smṛtis at dharma-sūtras tulad ng Manu-smṛti), ang naraka ay isang lugar ng kaparusahan para sa mga kasalanan. Ito ay isang mas mababang espiritwal na plano(na tinatawag na naraka-loka) kung saan ang espirito ay hinahatulan o ang mga parsiyal na bunga ng karma ay umaapekto sa susunod na buhay. Sa Mahabharata, may pagbanggit ng mga Pandava at Kaurava na parehong pupunta sa langit. Sa simula, si Yudhisthir ay pupunta sa langit kung saan ay makikita sa Duryodhana na nagtatamasa sa langit. Sinabihan siya ni Indra na si Duryodhana ay nasa langit dahil sa ginawa niya ang kanyang mga tungkuling Kshatriya. Pagkatapos ay ipinakita niya kay Yudhisthir ang impiyerno kung saan ang kanyang mga kapatid na lalake ngunit kalaunang inihayaga na ito ay isang pagsubok para kay Yudhisthir at ang kanyang mga kapatid na lalake at mga Kaurava ay parehong nasa langit at parehong namumuhay ng maligaya sa tirahan ng mga diyos. Ang mga impiyerno ay binanggit rin sa iba't ibang mga Purana at mga iba pang kasulatan. Ang Garuda Purana ay nagbibigay ng isang detalyadong salaysay ng impiyerno. Ito ay nagpapakita at nagtatala ng kaparusahan para sa karamihan ng mga krimen tulad ng isang batas na parusa sa modernong panahon. Pinaniniwalaang ang mga taong nagkakasala ay pumupunta sa impiyerno at kailangang dumaan sa mga kaparusahan ayon sa mga kasalang kanilang ginawa. Ang diyos na si Yamarāja na isa ring diyos ng kamatayan ay nangangasiwa sa impiyerno. Ang mga detalyadong salaysay ng lahat ng mga kasalanang ginawa ng isang indibidwal ay iniingatan ni Chitragupta na taga-ingat ng talaan sa korte ni Yama. Binabasa ni Chitragupta ang mga kasalanang nagawa at inuutos ni Yama ang mga angkop na parusa na ibigay sa mga indibidwal. Ang mga kaparusahang ito ay kinabibilangan ng pagsawsaw sa kumukulong langis, pagsunog sa apoy, pagpapahirap gamit ang iba't ibang mga sandata at iba pa sa iba't ibang mga impiyerno. Ang mga indibidwal na nagtapos ng kanilang quote ng mga kaparusahan ay muling ipinapanganak ayon sa kanilang balanse ng karma. Ang lahat ng mga nilalang na nilalang ay hindi perpekto at kaya ay may hindi bababa sa isang kasalanan sa kanilang rekord. Gayunpaman, kung ang isa ay pangkalahatang namuhay ng isang banal na pamumuhay, ito ay umaakyat sa svarga na isang temporaryong sakop ng atas katulad ng paraiso pagkatapos ng isang maikling panahon ng pagtitika sa impiyerno at bago ang susunod na reinkarnasyon ayon sa batas ng karma.
Sa kosmolohiyang Jain, ang naraka(na isinaling impiyerno) ang pangalang ibinigay sa sakop ng pag-iral na mayroong malaking pagdurusa. Gayunpaman, ang isang Narka ay iba mula sa mga impiyerno ng mga relihiyong Abrahamiko dahil ang mga kaluluwa ay hindi ipinapadala sa Naraka bilang resulta ng isang hatol ng diyos at kaparusahan. Sa karagdagan, ang tagal ng pananatili sa isang Naraka ay hindi walang hanggan bagaman ito ay karaniwang napakatagal na sinusukat sa mga bilyong taon. Ang kaluluwa ay ipinapanganak sa isang Naraka bilang isang direktang resulta ng kanyang nakaraang karma(mga aksiyon ng katawan, pananalita at isipan) at tumatahan doon para sa isang may hangganang tagal ng panahon hanggang sa makamit ng kanyang karma ang buong resulta. Pagkatapos maubos an gkanyang karma, siya ay maaaring muling ipanganak sa isa sa mga mas mataas na mundo bilang resulta ng isang mas maagang karma na hindi pa nahihinog. Ang mga impiyeron ay nasa mga pitong lupain sa mas mababang bahagi ng uniberso. Ang mga pitong lupaing ito ang Ratna prabha, Sharkara prabha, Valuka prabha, Panka prabha, Dhuma prabha, Tamaha prabha, Mahatamaha prabha. Ang mga malaimpiyernong nilalang ay isang uri ng mga kaluluwa na tumatahan sa mga iba't ibang impiyernong ito. Ang mga ito ay ipinanganak sa mga impiyerno sa pamamagitan ng biglaang pagpapamalas. Ang mga malaimpiyernong nilalang ay nag-aangkin ng katawang vaikriya(katawang protean na maaaring magbago ng sarili nito at kumuha ng iba't ibang mga anyo). Ang mga ito ay mayroong isang nakatakdang tagal ng buhay(mula mga sampung libo hanggang mga bilyon bilyong taon) sa mga respektibong impiyero kung saan sila nananahan. Ayon sa kasulatang Jain, ang sumusunod ang mga sanhi ng kapanganakan sa impiyerno:
Ang sinaunang Taoismo ay walang konsepto ng impiyerno dahil ang moralidad ay nakikita bilang isang gawa ng taong pagtatangi at walang konsepto ng isang walang materyal na kaluluwa. Sa Tsina, ang sikat na paniniwala ay nagkakaloob ng impiyernong Taoista ng maraming mga diyos at espirito na nagpaparusa ng kasalanan sa iba't ibang mga nakakatakot na paraan. Ito ay tinuturing ring karma para sa Taoismo.
Ang Diyu (pinasimpleng Tsino: 地狱; tradisyonal na Tsino: 地獄; pinyin: Dìyù; Wade–Giles: Ti-yü; Hapones: 地獄, jigoku; literal na "mundong bilangguan") ang sako ng mga namatay sa mitolohiyang Tsino. Ito ay napaluwag na nakabatay sa konseptong Budista ng Naraka na sinamahan ng mga paniniwala sa kabilang buhay na tradisyonal na Tsino at isang iba't ibang mga popular na pagpapalawig at muling pagpapakahulugan ng dalawang mga tradisyong ito. Ito ay pinamumunuan ni Yanluo Wang na hari ng impiyerno. Ang Diyu ay isang maze ng mga lebel sa ilalim ng lupain at mga lalagayan kung saan ang mga kaluluwa ay dinadala upang magtika sa kanilang mga kasalanan sa mundo. Ito ay nagsasama ng mga ideya mula sa Taoismo gayundin sa katutubong relihiyong Tsino. Ito ay isang uri ng purgatoryo na hindi lamang nagsisilbi upang magparusa kundi pati muling magpabago ng mga espiritong handa para sa susunod na inkarnasyon. Maraming mga diyos ang nauugnay sa lugar na ito. Ang eksaktong bilang ng mga lebel sa impiyernong Tsino at mga nauugnay na diyos dito ay iba iba ayon sa persepsiyong Budista o Taoista. Ang ilan ay nagsasalita ng tatlo hanggang apat na mga "korte" samantalang sa iba ay hanggang sampu. Ang mga sampung hukom ay kilala rin bilang ang mga sampung hari ng Yama. Ang bawat korte ay nakikitungo sa iba't ibang mga aspeto ng pagtitika. Halimbawa, ang pagpatay ay pinaparusahan sa isang korte at ang adulterya sa iba. Ayon sa ilang mga alamat na Tsino, may labingwalong mga lebel sa impiyerno. Ang pagpaparusa ay iba iba rin ayon sa paniniwala ngunit ang karamihan ng mga alamat ay nagsasalita ng mga lalagayan kung saan ang mga nagkakasala ay nilalagari sa dalawa, pinupugutan ng ulo, ihinahagis sa mga hukay ng karumihan o pinupwersang umakyat sa mga punong pinalalamutian ng mga matatalim na talim. Ayon sa karamihan ng mga alamat, kapat ang isang kaluluwa na karaniwang tinutukoy na multo ay nakapagtika na para sa kanilang mga kasalanan at nagsisi, ito ay binibigyan ng Inumin ng Pagkamalimutin ni Meng Po at pinapadalang pabalik sa mundo upang muling ipanganak posibleng isang hayop o isang mahirap na tao para sa karagdagang parusa.
Ang Zoroastrianismo ay nagmumungkahi ng ilang mga posibleng kapalaran ng mga masasama kabilang ang anihilasyon, purgasyon sa isang tinunaw na metal at walang hanggang kaparusahan. Ang eskatolohiyang Zoroastrian ay kinabibilangan ng paniniwala na ang mga masasamang kaluluwa ay mananatili sa impiyerno hanggang sa pagdating ng mga tatlong tagapagligtas sa libong taong mga interbal, pinagkasunod ni Ahura Maza ang mundo, winasak ang masama at resureksiyon ng mga pinahirapang kaluluwa tungo sa kasakdalan. Ang sagradong Gathas ay nagbabanggit ng isang "Bahay ng Kasinungalingan" para sa mga "ng dominyon ng masama, ng mga masasamang gawa, mga masasamang salita, masamang sarili, masamang pag-iiisp, at mga sinungaling." Ang Aklat ni Arda Viraf ay nagpapakita ng mga partikular na kaparusahan para sa mga partikular na kasalanan, halimbawa ang pagiging natapakan ng baka bilang parusa sa pagpapabaya sa mga pangangailangan ng mga hayop ng paggawa. Ang ibang mga paglalarawan ay matatagpuan sa Aklat ng mga Kasulatan(Hadhokht Nask), Mga Hatol na Relihiyoso(Dadestan-i Denig) at Aklat ng mga Hatol ng Espirito ng Karunungan(Mainyo-I-Khard).
Ang problema ng impiyerno ang posibleng problemang etikal para sa ilang mga relihiyon na naniniwala sa Impiyerno bilang kaparusahang walang hanggan na malupit at puno ng pagdurusa at kaya ay sumasalungat sa mga konsepto ng isang "mahabagin", "mapagpatawad", "patas" at "moral" na diyos sa mga relihiyong ito. Ayon sa mga kritiko ng konseptong pang-mitolohiya o panrelihiyon na "Impiyerno", ang kaparusahan sa impiyerno ay hindi angkop sa anumang mga kasalanan na maaaring gawin. Dahil ang mga tao ay may hangganang buhay, ang mga ito ay makagagawa lamang ng kasalanan sa isang may hangganang bilang ng mga kasalanan ngunit ang impiyerno ay isang walang hangganang kaparusahan. Ang isang entidad na makapangyarihan sa lahat ayon sa depinisyon ay hindi mapipinsala. Kaya sa pagkokondena ng mga kaluluwa sa isang walang hanggang kaparusahan, ang diyos na ito ay nagpaparusa ng mga kaluluwa para sa mga aksiyong walang epekto sa kanya. Ayon sa ilan, ang tamang kaparusahan ay angkop sa mga layunin at sa pagkaunawa ng nagkasala. Ang isa pang problemang pang-hustiya ng impiyerno ang paniniwala ng ilang mga sekta ng Kristiyanismo na sa pamamagitan "lamang" ng pagtanggap kay Hesus bilang tagapagligtas ang makakapagligtas sa isang tao mula sa impiyerno. May maliwanag na kawalang hustisya sa pagiging pinarusahan para sa bagay na hindi alam ng isang tao na umiiral. Sa ilang mga sekta ng Kristiyanismo, ang isang tao ay hindi nagkakasala malibang alam niyang ang kanyang ginagawa ay mali o alam na ang kanyang ginagawa ay nakakapinsala. Ang isa pang argumento laban sa hustisya ng Impiyerno ay ang mga tao ay hindi masisisi sa pagkakasala dahil ang pagkakasala ay hindi nila maiiwasan(halimbawa sa Roma 7:18, 3:23). Itinuturo ng karamihan ng mga Krisityano ang pagkahilig na magkasala ng mga tao sa doktrina ng orihinal na kasalanan. Sa kabila ng "orihinal na kasalanan", ang ilang mga apolohistang Kristiyano ay nangatwirang ang mga kaparusahan sa Impiyerno ay maituturo sa malayang kalooban(hal. Mat 7:21, Juan 15:6) ng mga tao at hindi sa isang depekto sa kabutihan ng diyos. Bagaman, ninais ng diyos na maligtas ang lahat ng tao, kanilang inaangkin na pinayagan pa rin ng diyos ang mga tao na kontrolin ang kanilang mga kapalaran. Ayon sa Juan 15:5, "Ang nananatili sa akin at ako sa kaniya ay magbubunga nang sagana sapagkat kung hiwalay kayo sa akin hindi kayo makakagawa ng anuman". Ayon kay Hesus sa Juan 6:44, "Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin at ibabangon ko siya sa huling araw." Ayon sa ilang mga talata ng Bibliya, hinirang na ng diyos ang ilang mga tao na maligtas(hal. Juan 6:44, Roma 8:29-30, Efeso 1:4-5, Mat 22:14, Jer. 1:5) at sa ilang mga talata ay kanyang pinatigas ang puso ng ilan (halimbawa sa Roman 9:11-22, Exo.9:12) at sa ilan pang talata ay sinanhi ng diyos ang ilan na magkasala(hal. 2 Tes. 2:11-12, 1 Hari 22:23, 2 Kron. 18:22, Jer. 4:10). Ayon sa ilang mga kritiko ng konsepto ng walang hanggang parusa sa impiyerno, kahit pa ang impiyerno ay nakikita bilang "mapagpipilian" ng tao, hindi makatwiran para sa diyos na bigyan ang mga may depekto at mga mangmang na nilalang nang responsibilidad sa kanilang mga kapalaran sa walang hanggan. Hindi dapat palaging galangin ang mga "pagpili" ng mga tao kahit pa mga matanda ang mga ito halimbawa sa mga instansiya na ang mga "pagpiling" ito ay ginawa habang ang isa ay balisa o hindi maingat. Sa pananaw ni Kvanvig, walang taong pababayaan ang diyos hanggang sa makagawa sila ng isang huling desisyon sa ilalim ng mga kanais nais na sirkunstansiya na tumakwil sa diyos ngunit ang diyos ay gagalang sa mga pagpapasyang ginawa sa ilalim ng mga tamang sirkunstansiya. Ang katotohanang ang isang tao ay dapat maniwala sa diyos o sumailalim sa isang walang hanggang kaparusahan o anihilasyon kahit pa ito ay buong ginawa ng isang tao ay kadalasang natatanto bilang isang taktikang pananakot na hindi maiiwasang pipilit o tatakot sa isang tao na maniwala sa diyos. Ang diyos ay tila tiwali at masama sa pagsasabing "maniwala ka sa akin o hindi, ngunit hindi ka maniniwala ay magdurusa ka ng walang hanggan sa impiyerno". Ang diyos ay hindi nagbibigay ng ibang pagpipilian maliban sa paniniwala sa diyos upang pumasok sa langit na gagawa sa diyos na masama sa pamimilit ng pagsamba sa kanya sa pagbabanta ng walang hanggang kaparusahan sa impiyerno. Ang isa pang isyu ang pagiging mahabagin ng diyos na inaangkin sa mga kasulatang panrelihiyon gaya ng Bibliya at Koran. Halimbawa, ayon sa ilang mga talata, ang diyos ay mahabagin, mabuti at mapagpatawad(hal. Exo 33:6, Deut. 4:31, 2 Sam. 24:14, 1 Kron. 16:34, Awit 103:8, Jer. 3:12 at iba pa; Sa koran 39:53, 2:143, 2:173, 182, 192, 199, 218). Sa kabilang dako, ang ilang mga talata ay naghahayag ng pagiging malupit, walang habag at hindi mapagpatawad ng diyos(hal. Jer. 13:14, Ezekiel 9:5-6, Deut. 7:16, Sa koran 6:25, 4:116, 9:115). Sa Lucas 9:54–56, nang tanungin nina Santiago at Juan si Hesus kung nais niyang magpababa sila ng apoy at tupukin ang mga hindi sumasamplataya kay Hesus, sila ay sinuway ni Hesus at sinagot na: "ang Anak ng Tao ay hindi naparito upang magwasak ng buhay ng mga tao kundi upang magligtas.". Ayon naman sa Lucas 19:27, isinaad na :"Subalit, itong aking mga kaaway na ayaw akong maghari sa kanila ay dalhin ninyo rito. Patayin ninyo sila sa aking harapan."
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.