Ang Ilkanato, binabaybay din bilang Il-kanato (Persa: ایلخانان, Ilxānān), kilala sa mga Mongol bilang Hülegü Ulus (Mongol: Хүлэгийн улс, ᠬᠦᠯᠦᠭ ᠦᠨ
ᠤᠯᠤᠰ
, Hu’legīn Uls)[1] ay isang kanato na itinatag mula sa timog-kanlurang sektor ng Imperyong Mongol, na pinagharian ng Mongol sa pamamagitan ng Bahay ni Hulagu. Namana ni Hulagu Khan, ang anak ni Tolui at apo ni Genghis Khan, ang Gitnang Silangang bahagi ng Imperyong Mongol pagkatapos mamatay ng kanyang kapatid na si Möngke Khan noong 1260. Matatagpuan ang pangunahing teritoryo nito sa bahagi ng mga lugar na kilala na ngayon bilang Iran, Azerbaijan, at Turkey. Sa pinakamalawak na lawak nito, kabilang din sa Ilkanato ang mga bahagi ng makabagong Iraq, Armenia, Georgia, Afghanistan, Turkmenistan, Pakistan, bahagi ng makabagong Dagestan, at bahagi ng makabagong Tajikistan. Nag-Islam ang mga sumunod na mga nagharing Ilkanato, simula kay Ghazan noong 1295. Noong dekada 1330, nawasak ang Ilkhanato ng Salot na Itim. Namatay ang huling kan o khan na si Abu Sa'id noong 1335, pagkatapos noon, gumuho ang kanato.

Kahulugan

Sang-ayon sa dalubhasa sa kasaysayan na si Rashid-al-Din Hamadani, binigay ni Kublai Khan kay Hulagu (Hülegü) ang titulong Ilkan pagkatapos ng pagkatalo niya kay Ariq Böke. Nangangahulugan ang katawagang ilkan bilang ang "kan o khan ng angkan, kan ng 'ulus'" at tinutukoy ng mas mababang "pagka-kan" na ito sa inisyal na pakundangan kay Möngke Khan at ang mga sumunod na Dakilang Kan ng imperyong Mongol. Nagmula ang titulong "Ilkan" sa mga inapo ni Hulagu at ang kalaunang mga prinsepeng Borjigin sa Persya, ay hindi naganap sa mga pinagmulan hanggang pagkatapos ng 1260.[2]

Kasaysayan

Pinagmulan

Nang pinatay ni Muhammad II ng Khwarazm ang isang pangkat ng mga mangangalakal na pinadala ng mga Mongol, nagdeklera si Genghis Khan ng digmaan sa dinastiyang Khwārazm-Shāh noong 1219. Sinalakay ng mga Mongol ang imperyo, na inokupahan ang pangunahing mga lungsod at sentro ng populasyon sa pagitan ng 1219 at 1221. Winasak ang Iran ng mga tropang Mongol sa ilalim ni Jebe at Subutai, na tinira ang lugar sa pagkaguho. Napunta din sa kontrol ng mga Mongol ang Transoxiana pagkatapos ng paglusob.[3]

Nagbalik ang anak ni Muhammad na si Jalal ad-Din Mingburnu sa Iran nooong mga 1224 pagkatapos tumakas sa Indya. Mabilis na nagpahayag ang mga katunggaling Turkong estado, na lahat na mga natitira sa imperyo ng kanyang ama, ng alyansa kay Jalal. Itinaboy niya ang unang pagsubok ng Mongol na kunin ang Gitnang Persya. Bagaman, nasobrahan at dinurog si Jalal ad-Din ng hukbo ni Chormagan, na ipinadala ng Dakilang Kan na si Ögedei noong 1231. Noong ekspedisyong Mongol, kusang-loob na isinumite ng Azerbaijan at ng katimugang dinastiyang Persyano sa Fars at Kerman ang mga sarili sa mga Mongol at umayon sa pagbayad ng tributo.[4] Sa kanluran, nakuha ni Chormagan ang Hamadan at ang natitirang bahagi ng Persya. Sinalakay ng mga Mongol ang Armenia at Georgia noong mga 1234 o 1236, na tinapos ang pananakop ng Kaharian ng Georgia noong 1238. Nagsimula silang umatake sa mga kanlurang bahagi ng Kalakhang Armenia, na nasa ilalim ng mga Seljuk, noong sumunod na taon. Noong 1237, nasupil ng Imperyong Mongol ang karamihan sa Persya (kabilang ang makabagong Azerbaijan), Armenia, Georgia (maliban sa kuta ng Abbasid Iraq at Ismaili), gayon din ang lahat ng Afghanistan at Kashmir.[5] Pagkatapos ng labanan ng Köse Dağ noong 1243, inokupa ng mga Mongol sa ilalim ni Baiju ang Anatolia, habang naging kampon ng mga Mongol ang Sultanatong Seljuk ng Rûm at ang Imperyo ng Trebizond.[6]

Hulagu Khan

Thumb
Si Hulagu Khan, tagapatatag ng Ilkanato, kasama ang kanyang Kristiyanong reyna na si Doquz Khatun
Thumb
Isang arkerong nangangabayo na Mongol noong ika-13 dantaon.

Si Hulagu Khan, ang ikatlong anak ni Tolui, apo ni Genghis Khan, at kapatid nina Möngke Khan at Kublai Khan, ay ang unang kan ng Ilkanato. Daglian pagkatapos ng pag-akyat ng kapatid ni Möngke bilang Dakilang Kan noong 1251, nahirang si Hulagu bilang tagapangasiwa ng Hilagang Tsina, bagaman noong sumunod na taon, itinalaga ang Hilagang Tsina kay Kublai at naatasan si Hulagu na sakupin ang Kalipatong Abbasid. Naibigay sa kanya ang ikalimang bahagi ng buong hukbong Mongol para sa kampanya at sinama niya ang kanyang mga anak na sina Abaqa at Yoshmut sa kampanya. Kinuha din Hulagu ang maraming Tsinong iskolar at astronomo, kung saan natutunan ng Persyanong astronomo na si Nasir al-Din al-Tusi ang paraan ng kumakalkulang talaan ng Tsino.[7] Isang obserbatoryo ang ginawa sa burol ng Maragheh. Sinakop mula sa Baiju noong 1255, itinatag ni Hulagu ang paghaharing Mongol mula Transoxiana hanggang Syria. Giniba niya ang mga estadong Nizari Ismaili at ang Kalipatong Abbasid noong 1256 at 1258 sa ganoong pagkakabanggit. Noong 1258, idineklara ni Hulagu ang sarili bilang Ilkan (nasasakupang khan). Pagkatapos noon, sumulong siya hanggang sa Gaza, maikling sinakop ang Ayyubid Syria at Aleppo noong 1260. Napuwersa si Hulagu na bumalik sa Mongolia dahil sa pagkamatay ni Möngke upang dumalo sa kuriltai para sa susunod na Dakilang Kan. Iniwan niya ang isang maliit na puwersa ng mga 10,000 sa Palestina na natalo ng mga Mamluk ng Ehipto noong labanan ng Ain Jalut.[8]

Pamana

Nagkaroon ng mahalagang epekto sa kasaysayan ang paglitaw ng Ilkanato sa rehiyon ng Gitnang Silangan. Makabuluhang nabawasan ang kalakalan at komersyo sa buong Asya dahil sa pagkakatag ng pinagkaisang Imperyong Mongol. Hinimok ang ganitong kinalabasan ang pakikipagtalastasan ng Ilkanato at Dinastiyang Yuan na nakahimpil sa Tsina.[9][10] Ginamit ang pananamit na dragon ng Imperyal na Tsina ng mga Ilkanida, ang Tsinong Huangdi (Emperador) na titulo na ginagamit ng mga Ilkanida dahil sa mabigat na impluwensya sa mga sistema ng politika ng mga Mongol at Tsino. Nilikha ang mga tatak ng mga karakter na Tsino ng mga Ilkanida mismo katabi ng mga tatak na natanggap nila mula sa dinastiyang Yuan na naglalaman ng reperensya sa isang samahang pamahalaang Tsino.[11]

Nakatulong din ang Ilkanato na maging daan para sa kalaunang dinastikong estado ng Safavid, at sa wakas, ang makabagong bansa ng Iran. Nabuksan din ang pananakop ni Hulagu sa Iran ang impluwensyang Tsino mula sa silangan. Ito, at ang pinagsamang pagtangkilik mula sa mga sumunod sa kanya, ang naghubog sa Iran sa pagkakaroon ng natatanging kahusayan sa arkitektura. Sa ilalim ng mga Ilkano, lumipat din ang mga dalubhasa sa kasaysayan na taga-Iran mula sa pagsulat sa Arabe tungo sa pagsulat sa kanilang katutubo wikang Persyano.[12]

Sinasanay ang simula ng dobleng-entrada sa akawnting sa Ilkanato; hiniram ang merdiban ng Imperyong Otomano. Independiente ang pagbuo nito mula sa mga kasanayang akawnting na ginagamit sa Europa.[13] Pangunahing inangkop ang sistema ng akawnting na ito bilang resulta ng pangangailangang sosyo-ekonomiko na nilikha ng mga repormang pang-agrikultura at piskal ni Ghazan Khan noong 1295-1304.

Ilkhan bilang isang titulo ng angkan noong ika-19/ika-20 dantaon na Iran

Muling lumitaw ang titulong Ilkan sa mga nomadang Qashqai ng Katimugang Iran noong ika-19 na siglo. Sinumulan ito ni Jan Mohammad Khan noong 1818/19 at ipinagpatuloy ng lahat ng sumunod na mga pinunong Qashqai. Si Naser Khan ang huling Ilkano, na napatapon noong 1954 pagkatapos ng kanyang suporta kay Mossadeq. Nang bumalik siya noong Islamikong Rebolusyon noong 1979, hindi na niya mabawi ang nakaraang posisyon at namatay noong 1984 bilang ang huling Ilkan ng Qashqai.[14]

Mga Ilkano

Bahay ni Hulagu (1256–1335; mga Ilkanatong haring Mongol)

  • Hulagu Khan (1256–1265)
  • Abaqa Khan (1265–1282)
  • Ahmad Tegüder (1282–1284)
  • Arghun (1284–1291)
  • Gaykhatu (1291–1295)
  • Baydu (1295)
  • Mahmud Ghazan (1295–1304)
  • Muhammad Khodabandeh (Oljeitu o Öljaitü) (1304–1316)
  • Abu Sa'id Bahadur (1316–1335)

Pagkatapos ng Ilkanato, nagtatag ang mga pang-rehiyong estado noong pagkakawatak-watak ng Ilkanato na itinaas ang kanilang sariling kandidatong umaangkin.

Bahay ni Ariq Böke

  • Arpa Ke'ün (1335–1336)

Bahay ni Hulagu (1336–1357)

  • Musa (1336–1337) (bulag na tagasunod ni 'Ali Padshah ng Baghdad)
  • Muhammad (1336–1338) (bulag na tagasunod ng Jalayirid)
  • Sati Beg (1338–1339) (bulag na tagasunod ng Chobanid)
  • Sulayman (1339–1343) (bulag na tagasunod ng Chobanid, kinikilala ng mga Sarbadar 1341–1343)
  • Jahan Temür (1339–1340) (bulag na tagasunod ng Jalayirid)
  • Anushirwan (1343–1356) (bulag na tagasunod ng Chobanid)
  • Ghazan II (1356–1357) (kilala lamang sa mga barya)

Bahay ni Hasar

Mga umaangkin mula sa silangang Persya (Khurasan):

  • Togha Temür (mga 1338–1353) (kinikilala ng mga Kartid 1338–1349; ng mga Jalayirid 1338–1339, 1340–1344; ng mga Sarbadar 1338–1341, 1344, 1353)
  • Luqman (1353–1388) (anak ni Togha Temür at ang protehido ni Timur)

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.