From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hylobatidae /?ha?l?'be?t?di?/ ay isang pamilya ng mga bakulaw. Sa Ingles, tinatawag ang mga kasapi nito na gibbons. Sa kasaysayan, ang pamilyang ito ay naglaman ng isang henus ngunit nahahati na ngayon sa apat na henera. Ang mga gibbon ay nakatira sa mga tropikal at subtropikal na ulang kagubatan mula sa hilagang-silangang India hanggang Indonesia at mula hilaga hanggang katimugang Tsina gayundin sa mga kapuluan ng Sumatra, Borneo, at Java. Ang mga gibbon ay tinatawag ring mga mas maliit na bakulaw dahil sa pagiging mas maliit nito mula sa mga dakilang bakulaw(mga chimpanzee, mga orangutan, mga gorilla, mga bonobo at mga tao). Ito ay nagpapakita ng mababang dimorpismong seksuwal at hindi gumagawa ng mga pugad. Ang mga gibbon ay nagpapakita rin ng pagbibigkis ng magkapares hindi tulad ng karamihan ng mga dakilang bakulaw. Ang mga ito ay mga bihasa rin sa kanilang pangunahing paraan ng lokomosyon na brachiation, na nagduduyan sa mga sanga sa mga distansiyang hanggang 15 m (50 tal) at sa bilis hanggang sa 55 km/h (34 mph). Sila ay nakakatalon rin hanggang sa 8 m (26 tal) at naglalakad gamit ang kanilang dalawang hita(bipedal) na may mga braso ay nakataas para sa balanse. Sila ang pinakamabilis at pinakamaliksi sa lahat ng mga nakatira sa punong hindi lumilipad na mga mammal. Ang mga species ng gibbon ay kinabibilangan ng siamang, lar gibbon, at hoolock gibbon.
Gibbons[1][2] | |
---|---|
Lar gibbons (Hylobates lar) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Superpamilya: | Hominoidea |
Pamilya: | Hylobatidae Gray, 1870 |
Genera | |
Hylobates | |
Distribution in Southeast Asia |
This list is generated from data in Wikidata and is periodically updated by Listeriabot.
Edits made within the list area will be removed on the next update!
Larawan | Genus | MSW |
---|---|---|
Hoolock | ||
Hylobates | Mammal Species of the World | |
Nomascus | Mammal Species of the World |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.