From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang arina o harina (Ingles: flour o starch; Kastila: harina) ay mga pinulbos na ani tulad ng bigas at mais. Ginagamit ito sa paggawa ng mga tinapay at pagluluto. Halimbawa ng mga harina ang mga sumusunod:[1]
May iba't ibang uri ng harina. Ilan sa mga ito ay ang mga all-purpose na harina, bread flour, self-rising na harina, cake flour, pasty flour, semolina, durum flour, kuskus, whole wheat flour, graham flour, stone ground, high gluten na harina, coconut flour, almond flour, quinoa flour, at buckwheat flour.[2][3][4]
Ang all-purpose na harina o puting harina ay ang may pinakamalawak na gamit sa lahat uri ng harina.[5] Ito ay galing sa parte ng butil ng trigo na tinatawag na endosperm. Maaaring gamitin ang harinang ito sa paggawa ng mga tinapay, keyk, cookies, at mga pastry.[2]
Ang bread flour ay ginagawa para sa komersyal na paghuhurno. Mas marami ang taglay nitong gluten kaysa sa all-purpose na harina na mainam sa paggawa ng mga tinapay.[2] Ito rin ay mayroong protina.[6]
Ang self-rising na harina ay harina na may dagdag na baking powder at asin. Ito ay kadalasang ginagawa mula sa trigo na may mababang protina.[7][8]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.