From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Pebrero ang ikalawang buwan ng taon sa Kalendaryong Gregoryano at ng Juliyano. Mayroong 28 araw ang buwan sa karaniwang taon at 29 sa bisyestong taon, na ang ika-29 na araw ay tinatawag na bisyestong araw. Ito ang una sa limang buwan na hindi 31 araw (ang ibang apat ay Abril, Hunyo, Setyembre, at Nobyembre) at ang tanging buwan na mas mababa sa 30 araw. Ikatlo at huling buwan ang Pebrero sa tagniyebeng meteorolohiko sa Hilagang Emisperyo. Sa Timog Emisperyo, ikatlo at huling buwan ang Pebrero ng tag-init na meteorolohiko (na Agosto ang katumbas na panahon sa Hilagang Emisperyo).
1 | 2 | 3 | ||||
4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 |
11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 |
18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 |
25 | 26 | 27 | 28 | 29 |
Sa Ingles, February ang tawag sa buwang ito. Ang salitang Pebrero ay hango sa salitang Kastila na Febrero. Ang buwan ay ipinangalan kay Februus, and diyos ng kadalisayan ng mga sinaunang Romano. Ang Enero at Pebrero ang pinakahuling buwan na dinagdag sa kalendaryo, dahil para sa mga Romano, ang tag-lamig ay panahon na walang buwan. Sa buwan ding ito ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso o Araw ni Valentin.
Ipinangalan ang buwang Romano na Februarius sa katawagang Latin na februum, na nangangahulugang "puripikasyon", sa pamamagitan ng rituwal ng puripikasyon na Februa na ginaganap tuwing Pebrero 15 (kabilugan ng buwan) sa lumang lunar na kalendaryong Romano. Ang Enero at Pebrero ang huling dalawang buwan na naidagdag sa kalendaryong Romano, yayamang orihinal na tinuring ng mga Romano ang tagniyebe na isang panahon na walang buwan. Dinagdag ang dalawang buwan na ito ni Numa Pompilio noong mga 713 BC. Nanatiling huling buwan ng kalendaryo ang Pebrero hanggang sa panahon ng mga desenbirato (c. 450 BC), nang naging ikalawang buwan ito. May mga panahon na tinanggalan ng araw ang Pebrero sa 23 o 24 araw na lamang ang natitira, at agad na pinasok ang isang 27-araw na buwang interklaro, ang Interkalaris, pagkatapos ng Pebrero upang muling ihanay ang taon sa mga panahon.
Mayroon lang 28 araw sa mga karaniwang taon, tanging Pebrero lamang ang buwan na dadaan na walang isang kabilugan ng buwan. Gamit ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan para sa pagtukoy sa petsa at oras ng isang kabilugan ng buwan, huling nangyari ito noong 2018 at muling mangyayari sa 2037.[1][2] Totoo din ito sa isang bagong buwan: muli, kapag gagamitin ang Pangkalahatang Tugmang Oras bilang batayan, huling nangyari ito noong 2014 at mangyayari uli sa 2033.[3][4]
Ang kapanganakang-bulaklak ng Pebrero ay ang biyoleta (Biyola) at ang karaniwang primabera (Primula vulgaris),[5] at ang Iris.[6]
Amatista ang kapanganakang-bato o birthstone nito. Sinisimbolo nito ang kabanalan, kababaang-loob, karunungang espirituwal, at pagkamatapat. Ang mga senyas ng sodyak ay Acuario (hanggang Pebrero 18) at Pissis (Pebrero 19 pataas).[7]
Hindi kinakailangan ang talang ito na magpahiwatig ng aliman sa katayuang opisyal o pangkalahatang pagdiriwang.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.