EJ Obiena

From Wikipedia, the free encyclopedia

EJ Obiena

Si Ernest John "EJ" Uy Obiena, OLY (ipinanganak noong 17 Nobyembre 1995[3][4]) ay isang Pilipinong Olympian pole vaulter, na kasalukuyang niranggo bilang pangalawa sa mundo sa men's pole vault (2023), ayon sa World Athletics Organization.[5][6]

Agarang impormasyon Personal na impormasyon, Buong pangalan ...
EJ Obiena
OLY
Thumb
Obiena in 2022
Personal na impormasyon
Buong pangalanErnest John Uy Obiena
PalayawEJ
NasyonalidadFilipino
Kapanganakan (1995-11-17) 17 Nobyembre 1995 (edad 29)
Tondo, Manila, Philippines[1]
Tangkad6 talampakan 2 in (1.88 m)[2]
Kamalian ng Lua na sa Module:Infobox_multi-lingual_name na nasa linyang 127: attempt to call field '_transl' (a nil value).
Isport
BansaPhilippines
IsportTrack and field
KaganapanPole vaulting
Koponan na KolehiyoAteneo de Manila University
University of Santo Tomas
Kino-coach niEmerson Obiena
Vitaly Petrov (2014)
Mga nakamit at titulo
Highest world ranking2
Personal best(s)
  • Pole vault: 6.00m (2023, NR and AR)
  • 110 m hurdles 14.39 (2017)
Isara

Bago niya sinira ang rekord ng Asian Athletics Championships, hawak niya ang pambansang rekord ng Pilipinas sa pole vaulting, na may rekord na 5.55 metro na nagawa niya noong 29 Abril 2016, sa ika-78 Singapore Open Championships sa Kallang, Singapura. Kalaunan ay sinira niya ang rekord ng Asian Athletics Championships na may 5.71 metro noong 21 Abril 2019, sa ika-23 biennial meet nito sa Doha, Katar, kung saan niya nakamit gintong medalya. Kasalukuyang hawak ni Obiena ang pambansang rekord, na maraming beses niyang nasira.

Si Obiena ang kauna-unahang Pilipino na nakatanggap ng pagpapaaral mula sa International Athletic Association Federation (IAAF).[7][8]

Maagang buhay at edukasyon

Isinilang si Obiena sa mga atletang pananakbo na sina Emerson Obiena at Jeanette Uy noong 17 Nobyembre 1995 sa Tondo, Maynila.[9][10][2] Si Obiena ay nag-aral sa Chiang Kai Shek College para sa kanyang sekondaryang edukasyon, at kalaunan ay pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas para sa kanyang undergraduate na pag-aaral.[2]

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.