Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Asyano, na tinatawag ding Asiad, ay isang serye ng mga palarong pampalakasan na ginaganap tuwing apat na taon at nilalahukan ng mga manlalaro sa buong Asya. Ang palaro ay inaayos ng Kagawarang Olimpiko ng Asya (OCA), pagktapos mabuwag ang Pederasyon ng mga Palarong Asyano (Asian Games Federation).[1] Ito ay kinikilala ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko (IOC) at sinasabing ikalawa sa pinakamalaking palaro pagkatapos ng Palarong Olimpiko.[2][3]
Naging punong-abala sa Palarong Asyano ng apat na ulit ang Thailand. Sa kasaysayan nito, siyam lamang na bansa ang pinagdausan ng Palarong Asyano. Sumunod sa Thailand sa dami ng pagiging punong-abalang lungsod ay ang Timog Korea (1986 ng Seoul, 2002 ng Busan at 2014 ng Incheon) na naging punong-abalang lungsod ng tatlong beses. Susunod sa Timog Korea ang Hapon (1958 ng Tokyo at 1994 ng Hiroshima) at Tsina (1990 ng Beijing at 2010 ng Guangzhou) na parehong naging punong-abalang lungsod ng dalawang beses, at magdaraos ng kanilang pangatlo sa 2022 sa Hangzhou at 2026 sa Nagoya, ayon sa pagkabanggit. Naging punong-abalang lungsod rin ang mga bansang India (2), Indonesia (2), Pilipinas (1), Iran (1) at Qatar (1). May 46 na bansa ang nakilahok sa mga laro, kabilang na ang Israel, matapos ito patalsikin sa mga Palaro noong 1974.
Ginagawad ang mga sumusunod na parangal sa bawat kaganapan; ginto sa unang nanalo, pilak sa ikalawa at tanso naman para sa ikatlo, kaugalian na nagsimula sa Palarong 1951 sa New Delhi, India. Sa kasalukuyan, ang Tsina ang nangunguna sa talaan ng medalya ng palaro simula 1986. Ang susunod na Palarong Asyano ay gagamapin sa lungsod ng Hangzhou, Tsina.
Ang mga manlalaro ay nakakalahok sa pamamagitan ng Pamabansang Olimpikong Kumite (NOC) na kakatawan sa bansang kanilang kinabibilangan. Ang pagpapatugtog ng pambansang awit at pagtaas ng watawat ay ginaganap tuwing gawaran ng parangal, at ang pagtatala ng bilang ng parangal ay malakang ginagamit.
Noong 2009, binago na ang patakaran ng Palarong Asyano ukol sa paglulunsad nito. Ang bawat palaro ay gagawin na dalawang taon bago ang Palarong Olimpiko. Ito ay magsisimula sa 2018.
Edisyon | Taon | Mga Host ng Lungsod | Host Bansa | Sinimulan ni | Petsa ng Simula | Petsa ng Huli | Bansa | Mga Kakumpitensya | Isport | Kaganapan | Itaas na Inilagay Team | Ref |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
I | 1951 | New Delhi | India | President Rajendra Prasad | Marso 4 | Marso 11 | 11 | 489 | 6 | 57 | Japan (JPN) | [4] |
II | 1954 | Maynila | Pilipinas | President Ramon Magsaysay | Mayo 1 | Mayo 9 | 18 | 970 | 8 | 76 | Japan (JPN) | [5] |
III | 1958 | Tokyo | Japan | Emperador Hirohito | 24 May | 1 June | 16 | 1,820 | 13 | 97 | Japan (JPN) | [6] |
IV | 1962 | Jakarta | Indonesia | President Soekarno | 24 August | 4 September | 12 | 1,460 | 13 | 88 | Japan (JPN) | [7] |
V | 1966 | Bangkok | Thailand | King Bhumibol Adulyadej | 9 December | 20 December | 16 | 1,945 | 14 | 143 | Japan (JPN) | [8] |
VI | 1970 | Bangkok | Thailand | King Bhumibol Adulyadej | 9 December | 20 December | 16 | 2,400 | 13 | 135 | Japan (JPN) | [9] |
VII | 1974 | Tehran | Iran | Shah Mohammad Reza Pahlavi | 1 September | 16 September | 19 | 3,010 | 16 | 202 | Japan (JPN) | [10] |
VIII | 1978 | Bangkok | Thailand | King Bhumibol Adulyadej | 9 December | 20 December | 19 | 3,842 | 19 | 201 | Japan (JPN) | [11] |
IX | 1982 | New Delhi | India | President Zail Singh | 19 November | 4 December | 23 | 3,411 | 21 | 147 | China (CHN) | [12] |
X | 1986 | Seoul | South Korea}} | President Chun Doo-hwan | 20 September | 5 October | 22 | 4,839 | 25 | 270 | China (CHN) | [13] |
XI | 1990 | Beijing | China | President Yang Shangkun | 22 September | 7 October | 36 | 6,122 | 27 | 310 | China (CHN) | [14] |
XII | 1994 | Hiroshima | Japan | Emperor Akihito | 2 October | 16 October | 42 | 6,828 | 34 | 338 | China (CHN) | [15] |
XIII | 1998 | Bangkok | Thailand | King Bhumibol Adulyadej | 6 December | 20 December | 41 | 6,554 | 36 | 377 | China (CHN) | [16] |
XIV | 2002 | Busan | South Korea | President Kim Dae-jung | 29 September | 14 October | 44 | 7,711 | 38 | 419 | China (CHN) | [17] |
XV | 2006 | Doha | Qatar | Emir Hamad bin Khalifa Al Thani}} | 1 December | 15 December | 45 | 9,520 | 39 | 424 | China (CHN) | [18] |
XVI | 2010 | Guangzhou | China | Premier Wen Jiabao | 12 November | 27 November | 45 | 9,704 | 42 | 476 | China (CHN) | [19] |
XVII | 2014 | Incheon | South Korea | President Park Geun-hye | 19 September | 4 October | 45 | 9,501 | 36 | 439 | China (CHN) | [20] |
XVIII | 2018 | Jakarta-Palembang}} | Indonesia | President Joko Widodo | 18 August | 2 September | 45 | 11,300 | 40 | 465 | China (CHN) | [21] |
XIX | 2022 | Hangzhou | Tsina | 10 September | 25 September | Panglisahan sa hinaharap | [22] | |||||
XX | 2026 | Nagoya | Hapon | 19 September | 4 October | Panglisahan sa hinaharap | ||||||
XXI | 2030 | Doha | Qatar | Panglisahan sa hinaharap | ||||||||
XXII | 2034 | Riyadh | Saudi Arabia | Panglisahan sa hinaharap |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.