Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Doha (Arabe: الدوحة, romanisado: ad-Dawḥa [adˈdawħa] o ad-Dōḥa) ay ang kabisera ng Qatar. Kilala ito bilang ang maliit na bersyon ng Dubai dahil sa arkitektura nito na parang nasa hinaharap. Mas marami ang tao dito kaysa sa pinagsamang mga natitirang bahagi ng Qatar, na may populasyon na 2,382,000 noong 2018.[2] Matatagpuan ang lungsod sa baybayin ng Golpong Persiko sa silangan ng bansa, sa hilaga ng Al Wakrah at sa timog ng Al Khor. Ito ang pinakamabilis na lumagong lungsod sa Qatar, na may higit sa 80% ng populasyon ng bansa ang naninirahan sa Doha o sa palibot nitong arabal.[3] Ito ang sentrong pampolitika at ekonomiko ng bansa.[4]
Doha الدوحة | |
---|---|
pamayanang pantao, largest city | |
Mga koordinado: 25°17′10″N 51°31′46″E | |
Bansa | Qatar |
Lokasyon | Ad-Dawhah (municipality), Qatar |
Itinatag | 1850 |
Lawak | |
• Kabuuan | 132,000,000 km2 (51,000,000 milya kuwadrado) |
Populasyon (2020, Senso)[1] | |
• Kabuuan | 1,186,023 |
• Kapal | 0.0090/km2 (0.023/milya kuwadrado) |
Kodigo ng ISO 3166 | QA-DA |
Websayt | https://visitqatar.com/fr-fr/about-qatar/doha |
Naitatag ang Doha noong dekada 1820 bilang isang sanga ng Al Bidda. Nadeklera itong opisyal na kabisera ng bansa noong 1971, nang nakamit ng Qatar ang kalayaan mula sa pagiging protektorado ng mga Briton.[5] Bilang kabiserang pangkomersyo ng Qatar at isa sa lumilitaw na mga sentro sa Gitnang Silangan, tinuturing ang Doha bilang na nasa antas na beta na pandaigdigang lungsod ayon sa Globalization and World Cities Research Network. Nilalaan ng Doha ang Lungsod Edukasyon o Education City, isang lugar na pinagtutuunan ang pananaliksik at edukasyon, at ang Lungsod Pangmedisina ng Hamad, isang lugar administratibo ng pangangalagang medikal. Nandito sa Doha ang Doha Sports City (Lungsod Pampalakasan ng Doha), o Aspire Zone, isang internasyunal na destinasyon para sa palakasan na kinabibilangan ng Internasyunal Estadyo ng Khalifa, isang estadyo para sa Pandaigdigang Kopa ng Futbol 2022; ang Sentrong Akwatiko ng Hamad; at ang Aspire Dome.
Sang-ayon sa Ministeryo ng Munisipalidad at Kapaligiran, nagmula ang pangalang "Doha" sa katawagang Arabe na dohat, na nangangahulugang "bilugan"—isang pagtukoy sa bilugang mga look na pumapalibot sa baybayain ng lugar.[6]
Naninirahan ang isang makabuluhang bahagi ng populasyon ng Qatar sa loob ng Doha at sa kalungsuran nito.[19] Ang distrito na may pinakamataas na densidad ng populasyon ay ang gitnang lugar ng Al Najada, na mayroon din na pinakamataas na populasyon sa bansa. Lumalaro mula sa 20,000 katao bawat km² hanggang 25-50 katao bawat km² ang densidad ng populasyon sa buong kalakhang rehiyon ng Doha.[20] Nasaksihan ng Doha ang mabilis na paglago ng populasyon noong unang dekada ng ika-21 dantaon, na kinukuha kada buwan ang mayorya ng libo-libong tao nandayuhan noon sa Qatar.[21]:6 Nasa mga isang milyon ang populasyon ng Doha, na may populasyon ng lungsod na higit sa doble ang paglago mula 2000 hanggang 2010.[3]
Lubhang binubuo ang populasyon ng Doha ng ekspatriyado o taga-ibang bansa, na minorya lamang ang mga mamamayang taga-Qatar. Ang pinakamalaking bahagi ng mga ekspatriyado sa Qatar ay mula sa mga bansa sa Timog-silangan at Timog Asya, na pangunahin sa Indya, Pakistan, Sri Lanka, Nepal, Pilipinas, at Bangladesh na may malaking bilang din ng mga ekspatriyado mula sa mga Lebanteng bansang Arabe, Djibouti, Somalia, Hilagang Aprika, at Silangang Asya. Tahanan din ito ng mga ekspatriyado mula sa Europa, Hilagang Amerika, Timog Aprika at Australya.[22]
Arabe ang opisyal na wika ng Qatar. Ginagamit sa karaniwan ang Ingles bilang isang pangalawang wika,[23] at isang sumisikat na lingguwa prangka, lalo na sa komersyo.[24] Dahil may malaking populasyon ng mga dayuhan sa Doha, malawak na sinasalita ang mga wika tulad ng Malayalam, Tamil, Bengali, Tagalog, Kastila, Sinhala, Pranses, Urdu at Hindi.[22]
Ang lungsod ay tahanan ng Unibersidad ng Qatar pati na rin Ang HEC Paris in Qatar.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.