From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga buwaya (Malayo: buaya) o kokodrilo (Kastila: cocodrilo) ay isang reptilia na kabilang sa pamilya Crocodylidae (minsan ay nauuri bilang subpamilya Crocodylinae). Tinatawag ding buwaya ang mga kabilang sa orden ng Crocodylia gaya ng mga kabilang sa pamilya Alligatoridae (alligator at caiman) at pamilya Gavialidae (gharial).
Mga buwaya | |
---|---|
Nile crocodile (Crocodylus niloticus) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Reptilia |
Orden: | Crocodilia |
Pamilya: | Crocodylidae Cuvier, 1807 |
Tipo ng espesye | |
Crocodylus niloticus Laurenti, 1768 |
Ang mga buwaya ay malalaking reptiliang naninirahan sa mga matubig na lugar. Matatagpuan sila sa malaking bahagi ng Tropikal na rehiyon ng Asya, Aprika, ng mga Amerika, at Australya. Nahihilig na manirahan ang mga buwaya sa mga ilog na mabagal ang agos. Maaari silang kumain ng iba't ibang uri ng buhay at patay na mga mammal at isda. Ang ilang uri, kilala dito ang Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australya at ng mga pulo sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran at tumatawid ng mga dagat.
Ang buwaya ay tinatawag na dapi, dapu sa (Kapampangan), krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), at vaya sa (Ibanag)
Sa wikang Tagalog, parehong tinatawag na Buwaya ang mga miyembro ng Crocoylidae (crocodile) at Alligatoridae (aligator).[1] Sa Bibliya, tinagurian itong isang leviatan.[2]
Karamihan sa mga uri ng buwaya ay napapabilang sa sari ng Crocodylus. Ang ibang sari sa loob ng pamilyang ito ay monotipiko: Osteolaemus at Tomistoma.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.