From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Eoseno (Ingles: Eocene na may simbolong EO[1]) na isang epoch na tumagal nang mga 56 hanggang 34 milyong taon ang nakalilipas(55.8±0.2 hanggang 33.9±0.1 Ma) ay isang pangunahing dibisyon ng iskala ng panahong heolohika at ikalawang epoch ng panahong Paleohene ng Era na Cenozoic. Ang Eoseno ay sumasaklaw ng panahon mula sa wakas ng epoch na Paleoseno hanggang sa simula ng epoch na Oligoseno. Ang simula ng Eoseno ay minamarkahan ng paglitaw ng unang mga modernong mamalya. Ang huli ay itinakda sa isang pangunahing pangyayaring ekstinksiyon na tinatatawag na Grande Coupure (the "Great Break" in continuity) o o ang pangyayaring ekstinksiyong Eoseno-Oligoseno na maaaring nauugnay sa pagbangga ng isa o higit pang malaking mga bolide sa Siberia at sa ngayong Chesapeake Bay. Gaya ng ibang mga panahong heolohiko, ang strata na naglalarawan ng simula at wakas ng epoch na ito ay mahusay na natukoy[2] bagaman ang eksaktong mga petsa ay katamtamang hindi matiyak. Ang pangalang Eocene ay nagmula sa Sinaunang Griyegong ἠώς (eos, bukang liwayway) at καινός (kainos, bago) at tumutukoy sa bukang liwayway ng moderno o bagong fauna na mamalyan na lumitaw sa epoch na ito.
Sistema | Serye | Yugto | Edad (Ma) | |
---|---|---|---|---|
Neohene | Mioseno | Aquitanian | mas bata | |
Paleohene | Oligoseno | Chattian | 23.03–28.4 | |
Rupelian | 28.4–33.9 | |||
Eoseno | Priabonian | 33.9–37.2 | ||
Bartonian | 37.2–40.4 | |||
Lutetian | 40.4–48.6 | |||
Ypresian | 48.6–55.8 | |||
Paleoseno | Thanetian | 55.8–58.7 | ||
Selandian | 58.7–61.7 | |||
Danian | 61.7–65.5 | |||
Kretaseyoso | Itaas | Maastrichtian | mas matanda | |
Subdivision of the Paleogene Period according to the IUGS, as of July 2009. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.