From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang eskala ng panahong heolohiko (Ingles: geologic time scale o geological time scale o GTS) ay isang representasyon ng oras batay sa tala ng bato ng Daigdig. Ito ang sistema ng pagpepetsang kronolohikal na gumagamit ng kronoestratigrapiya (ang proseso na inuugnay ang estrato sa panahon) at heokronolohiya (isang siyentipikong sangay ng heolohiya na naglalayon na matukoy ang eded ng mga bato). Pangunahin itong ginagamit ng mga siyentipiko ng agham pandaigdig (kabilang ang mga heologo, paleontologo, heopisiko, heokimiko, at paleoklimatologo) upang isalarawan ang pagsasapanahon at ugnayan ng mga pangyayari sa heolohikong kasaysayan. Naisagawa ang eskala ng panahon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga patong ng bato at pagmamasid ng kanilang ugnayan at pagtukoy sa mga katangian tulad ng litolohiya, mga katangiang paleomagnetiko, at mga posil. Ang depinisyon ng pinamantayang internasyunal na mga yunit ng panahong heolohiko ay nasa responsibilidad ng International Commission on Stratigraphy (ICS, lit. na 'Komisyong Internasyunal ng Estratigrapiya'), isang kasamang sangay ng International Union of Geological Sciences (IUGS, lit. na 'Unyong Internasyunal ng mga Siyensyang Heolohikal'), na ang pangunahing layunin[1] ay tumpak na bigyang kahulugan ang pandaidigang kronoestratigrapikong yunit ng International Chronostratigraphic Chart (ICC, lit. na 'Internasyunal na Kronoestratigrapikong Tsart')[2] na ginagamit upang bigyan kahulugan ang panahong heolohiko.[2]
Ang mga subdibisyong Maaga at Huli ay ginagamit bilang heokronolohikong katumbas ng kronoestratigrapikong Mas Mababa at Mas Mataas, halimbawa, ang Maagang Triyasikong Panahon (yunit heokronolohiko) ay ginagamit kapalit ng Mas Mababang Seryeng Triyasiko (yunit kronoestratigrapiko).
Ang mga bato na kinakatawan ang isang binigay na yunit kronoestratigrapiko ay iyon ang yunit kronoestratigrapiko, at ang panahon na nilalatag sila ay ang yunit heokronolohiko, iyan ay, ang mga bato na kinakatawan ang Seryeng Siluriko at dineposito sila noong Panahong Siluriko.
Yunit kronoestratigrapiko (estrato) | Yunit heokronolohiko (panahon) | Tagal ng panahon[lower-alpha 1] |
---|---|---|
Eonothem | Eon | Ilang libong milyong taon hanggang dalawang bilyong taon |
Erathem | Era | Mga sampu hanggang mga libong milyong taon |
Sistema | Panahon | Mga milyong taon hanggang mga sampung milyong taon |
Serye | Epoka | Mga daang libong taon hanggang mga sampung milyon taon |
Subserye | Subepoka | Mga libong taon hanggang mga milyong taon |
Yugto | Edad | Mga libong taon hanggang mga milyong taon |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.