From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Bible Student movement (Kilusan ng mga Estudyante ng Bibliya) ay isang kilusang milenyalistang[1] restorasyonistang Kristiyano na lumitaw mula sa mga katuruan at pangangaral ni Charles Taze Russell na kilala bilang Pastor Russell. Tinatawag ng mga kasapi nito ang kanilang mga sarili bilang Bible Students, International Bible Students, Associated Bible Students, or Independent Bible Students. Ang mga pinagmulan ng Bible Student movement ay nauugnay sa pagkakabuo ng Zion's Watch Tower Tract Society noong 1881.
Noong mga 1869,[2] si Charles Taze Russell ay dumalo sa isang pagpupulong ng isang pangkat na tinatawag na mga "Ikalawang Adbentista" sa Pittsburgh, Pennsylvania at narinig ang mangangaral na Advent Christian[3] na si Jonas Wendell na nagpapaliwanag ng paniniwala nito tungkol sa mga propesiya ng Bibliya.[4][5][6] Si Wendell ay naimpluwensiyahan ng mga katururan ng mangangaral na Baptist na si William Miller at tumakwil sa mga tradisyonal na paniniwalang Kristiyano ng imortal na kaluluwa at sa isang literal na impiyerno [7] at nagbigay ng sariling interpretasyon sa mga Aklat ni Daniel at Aklat ng Pahayag upang hulaan ang muling pagbabalik ni Hesus noong 1873. [8] Nakumbinsi si Russell na ihahayag ng Diyos ang kanyang tungkulin sa mga huling araw ng "panahon ng ebanghelyo at bumuo ng isang independiyenteng pangkat ng pag-aaral ng bibliya sa Pittsburgh. Itinakwil ni Russell ang mga katuruang Adbentista na ang tungkulin ng pagbabalik ni Hesus ay upang wasakin ang mundo.[6] Sa halip ay bumuo si Russell ng isang pananaw na si Kristo ay namatay upang bayaran ang "halagang katubusan" upang magbayad sa mga makasalang tao at naglayong ibalik ang mga tao sa kasakdalang edeniko na may pagkakataon na mabuhay nang walang hanggan. [6] Tulad ni Wendell, kanya ring itinakwil ang konsepto ng parusang apoy ng impiyerno at isang imortal na kaluluwa.[9] Noong mga gitnang 1870, inilimbag ni Russell ang 50,000 kopya ng isang pampletong tinawag na The Object and Manner of Our Lord's Return[10] na nagpapaliwanag ng kanyang mga pananaw at paniniwala na si Hesus ay babalik ng hindi nakikita bago ang digmaan ng Armageddon. Kalaunang kinilala ni Russell ang impluwensiya ng mga ministrong Adbentista na sina George Storrs (na mas maagang humula ng pagbabalik ni Hesus sa taong 1844)[5] at George Stetson sa pagkakabuo ng kanyang mga doktrina.[6] Ayon kay James Penton, si Russell ay malakas ring sumasalamin sa mga katuruan ng pastor na Lutherano sa Philadelphia na si pastor Joseph Seiss.[5]
Noong Enero 1876, binasa ni Russell ang isyu ng Herald of the Morning na isang peryodikal na inedit ng mangangaral na Adbentista na si Nelson H. Barbour ng Rochester, New York. Ito ay halos tumigil sa paglilimbag dahil sa papaunting mga subskripsiyon nito.[6] Si Barbour tulad ng ibang mga Adbentista ay mas maagang naglapat ng mga hula ng bibliya tungkol sa mga panahon nina Miller at Wendell upang kwentahin ang pagbabalik ni Hesus sa taong 1874 upang magdala ng siga ng apoy.[11] Nang hindi matupad ang hula, siya at ang kanyang kapwa manunulat na si J.H. Paton ay naniwalang ang kanilang mga pagkukwenta ng panahon ng pagbabalik ni Hesus ay tama ngunit nagkamali sa paraan nito. Kanilang pinagpasyahang ang pagbabalik ni Hesus o parousia ay hindi makikita at si Kristo ay dumating na simula pa noong 1874.[6][12][13] Nagalak si Russell na malamang ang iba ay umabot sa parehong konklusyon tungkol sa parousia. Siya ay nagpasyang ang kanilang paglalapat ng mga hula sa panahon ng pagbabalik ng mga Adbentista (na matagal niyang kinamuhian) ay nararapat nang karagdagang pagsisiyasat. Siya ay nakipagpulong kay Barbour at tumanggap ng detalyado at masalimuot na mga argumento tungkol sa kronolohiyang propetiko[14] at nagpondo sa kanya upang isulat sa isang aklat na nagsama ng kanilang mga pananaw.[6]
1877 | Inilimbag nina Russell at Barbour ang Three Worlds |
1879 | Sinimulang ilimbag ni Russell ang Watch Tower |
1881 | Ang Watch Tower Bible and Tract Society ay itinatag |
1909 | Unang pagkakabahagi mga liham ng pagpoprotesta |
1914 | Inilabas ang Photo-Drama of Creation |
1916 | Si Russell ay namatay |
Ang aklat na Three Worlds and the Harvest of This World,[15] ay inilimbag noong maagang 1877.[16] Inihahayag nito ang mga ideya na nanatiling mga katuruan ng mga kaugnay ni Russell sa sumunod na 40 taon na ang karamihan ay niyayakap pa rin ng mga Saksi ni Jehova. Tinukoy ng aklat na ito ang isang 2520 taong panahong na tinawag na "Mga Panahon ng Hentil" na magwawakas noong 1914. Ito ay kumalas sa mga katuruang Adbentista sa pamamagitan ng pagsusulong ng konsepto ng restitusyon ni Russell na ang lahat ng sangkatauhan mula kay Adan ay muling bubuhayin at mabibigyan ng pagkakataon para sa isang walang hangganang sakdal na buhay ng tao. Inangkin ni Russell na ito ang unang aklat na nagsama ng mga propesiya sa huling panahon sa konsepto ng restitusyon. Tinalakay nito ang konsepto ng magkahilerang dispensasyon at nagmungkahi na ang "bagong paglikha" ay magsisimula sa 6000 taon pagkatapos ng paglikha kay Adan na isang punto sa panahong kanyang pinaniwalaang umabot noong 1872.[17] Noong 1878, itinuro ni Russell ang pananaw na Adbentista na ang "panahon ng kawakasan" ay nagsimula noong 1799[18], si Kristo ay bumalik sa mundo nang hindi nakita noong 1874[19] at kinoronahang hari sa langit noong 1878. Naniwala rin si Russell na ang taong 1878 ang nagmarka ng muling pagkabuhay ng mga "natutulog na santo"(na lahat ng mga matapat na Kristiyano na namatay hanggang sa panahong iyon) at dadalhin sa langit gayundin ang "pagbagsak ng Babilonya" na kanyang itinurong ang huling paghuhukom ng Diyos sa hindi matapat na sangkaKristiyanuhan.[20][21] Naniwala siyang ang Oktubre 1914 ang wakas ng panahong pag-aani na magtatapos sa pasimula ng Armageddon na mamamalas sa paglitaw ng anarkiyang pandaigdigan at pagbagsak at pagkawasak ng sibilisadong lipunan. [22][23] Sina Russell, Barbour at Paton ay nagsimulang maglakbay na nagdadaos ng mga pagpupulong na pampubliko upang talakyin ang kanilang mga paniniwala. Para kay Russell, ito ay hindi sapat: "Sa pagpansing kung gaano kabilis na nalimutan ng mga tao ang kanilang narinig, agad na naging ebidente na bagaman ang mga pagpupulong ay magagamit sa pagmumulat ng interest, ang isang buwanang journal ay kailangan upang panatilihin ang interest na ito at paunlarin ito."[6] Binigyan niya si Barbour ng mga karagdagang pondo upang buhayin ang The Herald of the Morning. Pinutol ni Russell ang kanyang ugnayan sa magazine noong Hulyo 1879 pagkatapos na tutulan ni Barbour sa publiko ang konsepto ng pagtubos ni Russell. [6][24] Sinimulang ilimbag ni Russell ang kanyang sariling buwanang magazine na Zion's Watch Tower and Herald of Christ's Presence[25][26] na kilala ngayon bilang The Watchtower na ipinadadala sa lahat ng mga nagsubskriba ng Herald. Ito ay sumasalungat sa mga katuruan ni Barbour. [5][11]
Mula 1879, ang mga tagasuporta ng Watch Tower ay nagtipon bilang isang autonomosong mga kongregasyon upang pag-aralan ang bibliya nang ayon sa paksa. Itinakwil ni Russell ang konsepto ng isang pormal na organisasyon bilang "buong hindi kailangan" para sa kanyang mga tagasunod. Kanyang idineklarang ang kanyang pangkat ay walang record para sa pangalan ng mga kasapi nito, walang mga kredo, at walang pangalang sektaryano.[27] Kanyang isinulat noong Pebrero 1884: "Sa anumang mga pangalang maaari tayong tawagin ng mga tao, hindi mahalaga sa atin...simpleng tinatawag natin ang ating mga sarili bilang mga Kristiyano."[28] Ang 30 kongregasyon ay itinatag at noong 1879 at 1880, dinalaw ni Russell ang bawat isa upang magbigay ng format na kanyang nirekomiyenda sa pagsasagawa ng mga pagpupulong.[29] Habang patuloy na nabubuo ang mga kongregasyon noong panahon ng pangangaral ni Russell, ang bawat isa sa kanila ay nanatiling nangangasiwa sa sarili at gumagana sa ilalim ng isang istilong kongregasyonalista ng pangangasiwa ng iglesia.[30][31] Noong 1881, ang Zion's Watch Tower Tract Society ay pinangasiwaan ni William Henry Conley at noong 1884, ay ininkorpora ito ni Charles Taze Russell bilang isang hindi-nakikinabang na negosyo upang ipamahagi ang mga trakto at bibliya. [32][33][34] Noong mga 1900, si Russell ay nangasiwa ng mga libo libong bahagi at buong panahong mga colporteur[35] at humihirang ng mga dayuhang misyonero at nagtatag ng mga opisinang sangay. Noong mga 1910, ang organisasyon ni Russell ay nagpanatili ng halos isang daang mga peregrino o mga naglalakbay na mangangaral.[36]
Inilipat ni Russell ang Watch Tower Society's headquarters sa Brooklyn, New York noong 1909 na nagsasama ng mga opisina ng korporasyon at palimbagan kasama ng isang bahay ng sambahan. Ang mga boluntero ay nakabahay sa isang kalapit ng tirahang tinawag na Bethel. Noong 1910, ipinakilala ni Russell ang pangalang International Bible Students Association bilang paraan ng pagtukoy sa kanyang pandaigdigang pamayanan ng mga pangkat na nag-aaral ng bibliya.[37]
Noong mga 1910, ang mga 50,000 sa buong mundo ay nauugnay sa kilusang ito[38] at ang mga kongregasyon ay paulit ulit na humalal sa kanya ng nang taunan bilang kanilang "pastor". [39] Si Russell ay namatay noong Oktubre 31, 1916 sa edad na 64 habang bumabalik mula sa isang paglalakbay ng pangangaral.[40]
Noong 1905, itinuro ni Paul S. L. Johnson(na isa sa mga "pilgrimahe" at isang dating ministrong Lutherano) kay Russell na ang kanyang mga doktrina tungkol sa Bagong Tipan ay sumailalim sa kumpletong pagbaliktad. Hanggang 1880, itinuro ni Russell na ang Bagong Tipan ay ilulunsad lamang pagkatapos na ang huli sa mga 144,000 pinahirang Kristiyano ay dalhin sa langit. [41] Gayunpaman, simula 1881, isinulat ni Russell na ito ay may bisa na.[42][43] Muling isinaalang-alang ni Russell ang tanong at noong Enero 1907 ay sumulat ng ilang mga artikulong Watch Tower na muling nagpapatibay ng kanyang 1880 posisyon na ang bagong tipan ay eksklusibong nabibilang sa paparating na panahon."[44].Itinuro rin ni Russell na ang mga Kristiyanong bumubuo ng 144,000 ay sasali kay Kristo bilang kapwa tagapagmana at katulong na tagapamagitan sa panahong milenyo. [45] Noong Oktubre 24, 1909 ang dating Watch Tower Society secretary-treasurer na si E.C. Henninges na sa panhong iyon ay isa nang manager ng sangay sa Australia ay sumulat ng bukas na liham ng pagpoprotesta kay Russell na nagtangkang hikayatin siyang iwan ang katuruang ito. Tinawag ni Henninges ang mga Bible Student na siyasatin ang lehitimasya nito. Nang tumanggi si Russell, si Henninges at ang karamihan ng kongregasyon sa Melbourne ay lumayas sa kilusan ni Russell upang bumuo ng New Covenant Fellowship. Ang mga daan daan ng 10,000 Bible Students sa Estados Unidos ay lumayas rin kabilang ang pilgrimaheng si M. L. McPhail na isang kasapi ng Chicago Bible Students, at A. E. Williamson of Brooklyn na bumuo ng New Covenant Believers.[43][46] Ang isang bilang ng mga pagkakabahagi ay nabuo sa loob ng mga kongregasyon ng Bible Student na nauugnay sa Watch Tower Society sa pagitan ng 1909 at 1932.[47][48] Ang pinakamahalagang pagkakabahagi ay nagsimula noong 1917 kasunod ng pagkakahalal kay Joseph Franklin Rutherford bilang presidente ng Watch Tower Society na dalawang buwan pagkatapos mamatay ni Russell. Ang pagkakabahagi ay nagsimula sa kontrobersiyal na pagpapalit ni Rutherford ng apat sa lupon ng mga direktor ng Society at publikasyon ng The Finished Mystery. Noong Enero 1917, ang legal na kinatawan ng Watch Tower Society na si Joseph Franklin Rutherford ay nahalal bilang sumunod na presidente nito. Ang pagkakahalal ay tinutulan at ang mga kasapi ng Lupon ng mga Direktor ay nag-akusa sa kanya ng pag-asal sa paraang autokratiko at malihim.[49][50] Noong Hunyo 1917, kanyang inilabas ang The Finished Mystery bilang ikapitong bolyum ng seryeng Studies in the Scriptures ni Charles Taze Russell. Ang aklat na inilimbag bilang kasulatang pagkatapos nang kamatayan ni Russell ay isang pagtitipon ng kanyang mga komentaryo sa mga Aklat ni Ezekiel at Aklat ng Pahayag kasama ng mga maraming karagdagan ng mga Bible Student na sina Clayton Woodworth ay George Fisher.[51][52][53][54] Malakas nitong binatikos ang mga klero ng Simbahang Katoliko Romano at Protestante at pakikilahok ng mga Krisityano noong Unang Digmaang Pandaigdig.[55] Dahil dito, ang mga direktor ng Watch Tower Society ay ipinabilanggo para sa sedisyon sa ilalim ng Akto ng Pang-eespiya noong 1918. Ang mga kasapi nito ay isinailalim sa karahasan ng mga tao. Noong 1920, ang mga kaso laban sa mga direktor ay pinawalang bisa.[56]
Ginawang sentral ni Rutheford ang kontrol na organisasyonal ng Watch Tower Society. Noong 1919, humirang siya ng isang direktor sa bawat kongregasyon at pagkatapos ng isang taon, ang lahat ng mga kasapi ay inutusang mag-ulat ng kanilang lingguhang gawaing pangangaral sa kanilang Brooklyn headquarters.[57] Sa isang internasyonal na kombensiyon na idinaos sa Cedar Point, Ohio noong Setyembre 1922, ang isang bagong pagbibigay diin ay ginawa sa pangangaral ng bahay-sa-bahay.[58] Ang mga malalaking pagbabago sa doktrina at pangangasiwa ay palaging ipinapakilala ni Rutherford sa loob ng kanyang 25 taong pamumuno kabilang ang kanyang 1920 pahayag na ang mga patriarkang Hudyo gaya nina Abraham at Isaac ay muling binuhay noong 1927 na nagmamarka ng pagsisimula ng 1000 taong paghahari ni Hesus.[59][60][61] Sa pagkasiphayo sa mga pagbabagong ito, ang mga sampung libong kasapi nito ay lumayas noong unang kalahati ng pamumuno ni Rutherford na humantong sa pagkakabuo ng ilang mga organisasyong Bible Student na malaya mula sa Watch Tower Society[62][63] na ang karamihan ay umiiral pa rin hanggang sa kasalukyan.[64] Noong mga gitnang 1919, ang kasing rami ng isa sa pitong mga Bible Student ng panahon ni Russell ay tumigil ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Watch Tower Society at kasing rami ng mga 2/3 ay lumayas sa Watch Tower Society sa wakas ng mga 1920 . [65][66][67][68][69]
Sa pagitan ng 1918 at 1929, ang ilang mga paksiyon ay bumuo ng kanilang mga independiyenteng fellowship kabilang ang Standfast Movement, the Pastoral Bible Institute, ang Laymen's Home Missionary Movement na itinatag ni P.S.L. Johnson at ang Dawn Bible Students Association. Ang mga pangkat na ito ay mula konserbatibo na nag-aangking mga tunay na tagasunod ni Russell hanggang sa mas liberal na nag-aangkin ang papel ni Russell ay hindi kasing halaga gaya ng minsang pinaniwalaan. [70] Ang paksiyon ni Rutherford ng Bible Student movent ay nagpanatili ng kontrol ng Watch Tower Society[70] at kumuha ng pangalang Jehovah's witnesses noong Hulyo 1931. Ang kasalukuyang bilang ng mga kasapi sa buong mundo ng iba't ibang mga pangkat ng Bible Student movement na malaya mula sa Watch Tower Society ay tinatayang kaunti sa 75,000.[71][72]
Ang mga pangkat na Associated Bible Students groups na kumakapit sa mga katuruan ni Charles Taze Russell ay kinabibilangan ng Independent Bible Students, StandFast Bible Students and Dawn Bible Students. Ang The Dawn Bible Students ay sama samang bumubuo ng pinakamalaking segmento ng Bible Student movement na humiwalay mula sa Watch Tower Society.[73]
Ang Free Bible Students ay humiwalay nang napakaaga mula sa Watchtower Society habang sinimulang baguhin ni Russell ang kanyang ilang mga katuruan. Kanilang itinakwil ang karamihan ng mga kasulatan ni Russell bilang kamalian.
Itinatag ni Paul S. L. Johnson ang Laymen's Home Missionary Movement noong 1919. Naniwala si Johnson na hinirang siya ng Diyos bilang opisyal na kahaliling espiritwal ni Russell. Naniwala rin siyang siya ang huling kasapi ng 144,000 at ang pag-asa ng makalangit na gantimpala ng imortalidad para sa tapat na mga Kristiyano ay titigil pagkatapos ng kanyang kamatayan. Ang kamatayan ni Johnson 1950 ay humantong sa panloob na hindi pagkakasunduan tungkol sa kanyang papel bilang isang gurong pinili ng Diyos at nagresulta sa pagkakabuo ng mga humiwalay na pangkat gaya ng Epiphany Bible Students Association, at Laodicean Home Missionary Movement.
Ang manager ng Watch Tower Society sa Switzerland simula 1898 na si Alexander F. L. Freytag ay hindi umayon sa mga katuruan ni Russell bago ang kamatayan nito noong 1916. Nagsimulang maglimbag siya ng kanyang sariling mga pananaw gamit ang mga palimbagagan ng Watch Tower Society noong 1917 at pinalayas mula sa Watch Tower Society ni Rutherford noong 1919. Noong 1920, itinatag ni Freytag ang Angel of Jehovah Bible and Tract Society na kilala rin bilang Philanthropic Assembly of the Friends of Man and The Church of the Kingdom of God. Naglimbag siya ng dalawang journal na buwanang The Monitor of the Reign of Justice at lingguhang Paper for All.[74]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.