From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay isang hindi-stock, hindi-nakikinabang na organisasyon[1] na naka-headquarter sa New York City borough ng Brooklyn, Estados Unidos. Ito ang pangunahing legal na entidad na ginagamit sa buong mundo ng Mga Saksi ni Jehova upang maggabay, mangasiwa at magpaunlad ng mga doktrina para sa samahang ito. Ito ay kadalasang tinatawag ng mga kasapi nito bilang "the Society". Ito ang magulang na organisasyon ng isang bilang ng mga subsidiyaryong Watch Tower kabilang ang Watchtower Society of New York and International Bible Students Association.[2] Membership of the society is limited to between 300 and 500 "mature, active and faithful" male Jehovah's Witnesses.[3] Ang mga 5800 Saksi ni Jehovah ay nagbibigay ng boluntaryo at hindi binabayarang trabaho bilang mga kasapi ng isang relihiyosong orden sa tatlong malalaking pasilidad ng Watch Tower Society sa New York;[4] Ang halos 15,000 ibang miyembro ng orden ay nagtatrabaho sa ibang mga pasilidad ng Watch Tower Society sa buong mundo.[4][5][6]
Ninuno | Zion's Watch Tower Tract Society |
---|---|
Itinatag | Pittsburgh, Pennsylvania (15 Disyembre 1884 ) |
Nagtatag | Charles Taze Russell |
Punong-tanggapan | Brooklyn, New York , United States |
Kita | 236,000,000 dolyar ng Estados Unidos |
Ang organisasyong ito ay binuo noong 1881,[1] bilang Zion's Watch Tower Tract Society para sa tungkuling pamamahagi ng mga traktong relihiyoso. Ang society ay ininkorpora sa Pittsburgh, Pennsylvania noong 15 Disyembre 1884. Noong 1896, ang society ay muling pinangalanang Watch Tower Bible and Tract Society.[7] Pagkatapos ng isang alitan sa pagkapinuno sa Bible Student movement, ang Watch Tower Society ay nananatiling nauugnay sa isang sangay ng Bible Student movement na nakilala bilang mga Jehovah's Witnesses (Mga Saksi ni Jehova). Noong 1955, ang korporasyon ay muling pinangalanang Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania.[8] Noong 1976, ang lahat ng mga gawain ng Watch Tower Society ay ipinailalim sa pangangasiwa ng Nangangasiwang Katawan ng mga Saksi ni Jehova.[9]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.