Astana
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Astana[lower-alpha 1] (Kazakh and Ruso: Астана), ay ang kabisera ng Kazakhstan. Matatagpuan ito sa mga pampang ng Ilog Ishim sa hilagang bahagi ng bansa, sa loob ng Rehiyon ng Akmola, bagamat hiwalay sa rehiyon ang pamamahala na may natatanging katayuan. Ang opisyal na pagtataya ng populasyon noong 2017 ay 1,029,556 katao sa loob ng mga hangganan ng lungsod, kaya ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kazakhstan, kasunod ng Almaty na kabisera ng bansa mula 1991 hanggang 1997.[2]
Astana | ||
---|---|---|
Tanawin ng kabayanan ng Astana Tanawin ng kabayanan ng Astana | ||
| ||
Mga koordinado: 51°10′N 71°26′E | ||
Bansa | Kazakhstan | |
Itinatag | 1830 (bilang Akmoly)[1] | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Alkalde–Konseho | |
• Konseho | Sangguniang Panlungsod ng Nur-Sultan | |
• Aklkalde | Altay Kulginov | |
Lawak | ||
• Kabisera at Lungsod | 810.2 km2 (312.8 milya kuwadrado) | |
Taas | 347 m (1,138 tal) | |
Populasyon (1 Disyembre 2017)[2] | ||
• Kabisera at Lungsod | 1,029,556 | |
• Kapal | 1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado) | |
• Metro | 1,200,000 | |
Sona ng oras | UTC+6 (ALMT) | |
Kodigong postal | 010000–010015[4] | |
Kodigo ng lugar | +7 7172[5] | |
ISO 3166-2 | AST[6] | |
Plaka ng sasakyan | 01, Z | |
Websayt | gov.kz/memleket/entities/astana?lang=kk |
Naging kabisera ng Kazakhstan ang Astana noong 1997, at mula noon umunlad ito sa ekonomiya upang maging isa sa pinakamakabagong lungsod sa Gitnang Asya.[10][11]
Ang makabagong Astana ay isang planadong lungsod, tulad ng ibang mga nakaplanong kabisera.[12] Kasunod ng pagiging kabisera nito, lubhang nabago ang hugis ng Astana. Ang panlahat na plano ng Astana ay idinisenyo ng arkitektong Hapones na si Kisho Kurokawa.[12] Bilang luklukan ng pamahalaan ng Kazakhstan, ang Astana ay ang sityo ng Kapulungan ng Parlamento, ang Kataas-taasang Hukuman, ang Pampanguluhang Palasyo ng Ak Orda at maraming mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan. Tahanan ito ng maraming mga gusaling futurist, otel at gusaling tukudlangit.[13][14][15] Mayroon ding malawakang mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, isports, at edukasyon ang lungsod ng Astana.
Itinatag noong 1830 bilang pamayanan ng Akmoly o Akmolinsky prikaz (Ruso: Акмолинский приказ), naglingkod ito bilang isang pantanggulang muog para sa mga Siberyanong Cossack. Noong 1832 binigyan ito ng katayuang pambayan at pinangalanang Akmolinsk (Ruso: Акмолинск).[1] Noong Marso 20, 1961 binago ito sa Tselinograd (Ruso: Целиноград, lit. 'City of tselina') upang itanda ang ebolusyon ng lungsod bilang sentrong pampangasiwaan at pangkalinangan ng Virgin Lands Campaign.[16][1] Ito ay pinangalanang Akmola (o Aqmola) noong 1992. Ito ay binagong bersiyon ng unang pangalan nito na nagngangahulugang "puting puntod".[1][17] Noong Dosyembre 10, 1997 pinalitan ng Akmola ang Almaty bilang kabisera ng Kazakhstan. Noong Mayo 6, 1998 binago ang pangalan nito sa Astana, na nagngangahulugang "kabiserang lungsod" sa wikang Kazakh.[18]
Noong Marso 20, 2019, ipinanukala ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ang pagbabago ng pangalan ng Astana sa Nur-Sultan, bilang karangalan sa naunang pangulo at matagal nang namumunong pinuno ng Kazakhstan na si Nursultan Nazarbayev na bumaba sa puwesto isang araw ang nakararaan. Bagamat tinutulan ng mga mamamayan ang panukala, agad na sinang-ayunan ng Parlamento ang pagbabago ng pangalan, at opisyal na naging Nur-Sultan ang pangalan ng kabiserang lungsod sa isang kautusang inilathala noong Marso 23 sa taong iyon.[19][20][21][22]
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1989 | 281,252 | — |
1999 | 326,900 | +16.2% |
2002 | 493,100 | +50.8% |
2010 | 649,139 | +31.6% |
2016 | 872,655 | +34.4% |
Magmula noong Setyembre 2017, ang populasyon ng Astana ay 1,029,556 katao;[2] over double the 2002 population of 493,000.[23]
Ang komposisyong etniko ng lungsod magmula noong Setyembre 4, 2014 ay:
Ang kalakhang pook na nakasentro sa Astana ay kinabibilangan ng Distrito ng Arshaly, Distrito ng Shortandy, Distrito ng Tselinograd, at bahagi ng Distrito ng Akkol sa Rehiyon ng Akmola. Ang pook ay tinitirhan ng 1.2 milyong katao.[3]
Napapanatili ng Astana ang opisyal na mga kapatiran sa 18 lungsod.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.