Remove ads

Ang Aman (Ingles na pagbigkas: /əˈmɑːn/; Arabe: عَمّان ʻammān binibigkas [ʕamːaːn]) ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod sa Jordan at ito ang sento ng bansa sa ekonomiya, politika at kalinangan.[1] May populasyon na 4,007,526, ang Amman ay ang pinakamalaking lungsod sa rehiyon ng Lebante at ang ika-6 na pinakamalaking lungsod sa mundong Arabe.[2]

Agarang impormasyon Amman عَمَّان, Bansa ...
Amman

عَمَّان
lungsod, big city
Thumb
Thumb
Watawat
Thumb
Mga koordinado: 31°57′N 35°56′E
Bansa Jordan
LokasyonAmman Governorate, Jordan
Ipinangalan kay (sa)Ammon
Lawak
  Kabuuan1,680 km2 (650 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)
  Kabuuan4,007,526
  Kapal2,400/km2 (6,200/milya kuwadrado)
Websaythttp://www.ammancity.gov.jo
Isara

Ang unang ebidensya ng paninirahan sa Aman ay sa isang Neolitikong lugar na kilala bilang 'Ain Ghazal, kung saan narito ang mga pinakalumang mga estatwang tao na natagpuan, na pinepetsa sa 7250 BC. Noong Panahon ng Bakal, kilala ang lungsod bilang Amon, tahanan ng Kaharian ng mga Amonita. Pinangalan itong Filadelfia noong mga panahon ng Griyego at Romano nito, at sa wakas, tinawag itong Aman noong panahong Islamiko. Sa karamihan ng maaga at gitnang panahong Islamiko (ika-7ika-14 na dantaon), nagsisilbi itong isang sentro para distrito ng Balqa ng Sirya. Pagkatapos, karamihang abandunado ang lugar hanggang noong huling bahagi ng ika-19 na siglo nang nanirahan ang mga imigranteng Sirkasiyano doon sa pamamagitan ng Imperyong Otomano noong 1878. Naitatag ang unang pambayang konseho noong 1909.[3]

Nasaksihan ng Aman ang mabilis na paglago pagkatapos maitalaga ito bilang kabisera ng Transjordan noong 1921, at pagkatapos ng ilang sunod-sunod na mga pagdating mga takas o refurgee: mga Palestino noong 1948 at 1967; mga taga-Iraq noong 1990 at 2003; at Siryano simula pa noong 2011. Una itong naitayo sa pitong burol ngunit ngayon ay lumawak na sa 19 na burol na pinagsama ang 22 lugar,[3] na pinamamahalaanan ng Kalakhang Munisipalidad ng Aman na pinamumunuan ng Alkalde nito na si Yousef Shawarbeh.[4] Nakuha ang pangalan ng mga lugar sa Aman mula sa alinman sa burol (Jabal) o sa lambak na kanilang nasasakop, tulad ng Jabal Lweibdeh at Wadi Abdoun.[3] Puno ng makasaysayang lugar ang silangang Aman na madalas na nagpapasinaya ng mga pangkalinangang aktibidad, habang nagsisilbi naman ang makabagong Kanlurang Aman bilang sentrong pang-ekonomiya ng lungsod.[5]

Tinatayang na sa dalawang milyon ang bumusita sa Aman noong 2014, na ginawa itong ika-93 na lungsod na pinakabinibisita sa mundo at ikalima na pinakabinibisitang lungsod na Arabe.[6] Medyo mabilis ang paglago ng ekonomiya,[7] at nakaranggo ito bilang isang Beta− pandaigdigang lungsod ng Globalization and World Cities Research Network.[8] Bukod dito, ipinangalan ito bilang isa sa mga pinakamagaling na lungsod sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ayon sa mga kadahilanang ekonomiko, paggawa, pangkalikasan, at sosyo-kultural.[9] Pinakasikat ang lungsod bilang lokasyon sa mundong Arabe para sa mga korporasyong multinasyunal upang itayo ang kanilang pangrehiyon na tanggapan, sa tabi Doha at nasa likod lamang ng Dubai. Inaasahan na ang tatlong lungsod na ito ay lalago upang maging sentro ng mga aktibidad ng mga korporasyong multinasyunal sa rehiyon.[10]

Remove ads

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads