Remove ads

Ang Asirya (Ingles: Assyria) (Kuneipormang Neo-Asiryo: Thumb, romanisado: māt Aššur; Klasikong Siriako: ܐܬܘܪ) ay isang pangunahing sinaunang kabihasnan sa Mesopotamiya na umiral bilang isang lungsod-estado mula ika-21 siglo BCE hanggang ika-14 siglo BCE at isang estadong teritoryal na kalaunang naging isang imperyo mula ika-14 siglo BCE hanggang ika-7 siglo BCE. Ang Asirya ay umiral mula maagang Panahong Bronse hanggang sa huling Panahong Bakal. Ito ay nahahati mga yugtong: Panahong Maagang Asirya(c. 2600–2025 BCE), Panahong Lumang Asirya (c. 2025–1364 BCE), Imperyong Gitnang Asirya (c. 1363–912 BCE), Imperyong Neo-Asirya (911–609 BCE) at Panahon pagkatapos ng imperyal ng Asirya (609 BCE–c. 240 CE) batay sa mga pangyayaring politikal at unti-unting pagbabago ng Wikang Asiryo.[4][5] Ang Assur na unang kabisera ng Asirya ay itinatag noong c. 2600 BCE ngunit walang ebidensiya na ito ay independiyente hanggang sa pagguho ng Ikatlong Dinastiya ng Ur noong ika-21 siglo BCE[3] nang magsimulang maumuno si Puzur-Ashur I sa lungsod. Ito ay nakasentro sa lupain ng hilagaang Mesopotamiya. Ang lungsod ng Assur ay sumailalim sa ilalim ng maraming panahon ng pananakop at pamumuno ng mga dayuhan bago ito muling umakyat sa kapangyarihan sa ilalim ni Ashur-uballit I noong ika-14 siglo BCE bilang Imperyong Gitnang Asirya. Sa Gitna at panahon ng Imperyong Neo-Asirya, ang Asirya ang isa sa dalawang pangunahing mga kaharian sa Mesopotamiya kasama ng Babilonya sa timog at sa ilang panahon ang dominanteng kapangyarihan sa Sinaunang Malapit na Silangan. Sa panahon ng Imperyong Neo-Asirya na ang Asirya naging pinamalakas na panahon nito nang ang hukbo ng Neo-Asirya ang pinakamakapangyarihan sa mundo sa panahong ito at naging unang pinakamalaking imperyo sa mundo. [6] Ang sakop nito ay mula sa mga bahagi ng modernong Iran sa silangan sa Ehipto sa kanluran.[6][7][8] Ang Imperyong Neo-Asirya ay bumagsak noong 609 BCE sa ilalim ng magkasanib na puwersa ng Imperyong Neo-Babilonya at Medes pinamunuan ng Asirya sa isang siglo. Bagaman gumuho ito, ang kultura ng Asirya ay patuloy na umiral sa buong panahong pagkatapos ng imperyong Asirya. Ito ay muling nakaahon sa ilalim ng Imperyong Seleucid at Imperyong Parto ngunit huminang muli sa ilalim ng Imperyong Sasanian.

Agarang impormasyon Kabisera, Wikang opisyal ...
Asirya
c. 2025 BCE[a]–609 BCE[b]
Thumb
Simbolo ng Diyos na si Ashur na pambansang Diyos ng mga Asiryo
Thumb
Mapa ng looban (pula) at sakop noong ika-7 siglo BCE (kahel)
KabiseraAssur
(c. 2025–1233 BCE)
Kar-Tukulti-Ninurta
(c. 1233–1207 BC)
Assur
(c. 1207–879 BCE)
Nimrud
(879–706 BC)
Dur-Sharrukin
(706–705 BCE)
Nineveh
(705–612 BC)
Harran
(612–609 BC)
Wikang opisyal
Relihiyon
Sinaunang relihiyong Mesopotamiyo
PamahalaanMonarkiya
Mga hari 
 c. 2025 BCE
Puzur-Ashur I (first)
 c. 1974–1935 BCE
Erishum I
 c. 1808–1776 BCE
Shamshi-Adad I
 c. 1700–1691 BCE
Bel-bani
 c. 1363–1328 BCE
Ashur-uballit I
 c. 1243–1207 BCE
Tukulti-Ninurta I
 1114–1076 BCE
Tiglath-Pileser I
 883–859 BCE
Ashurnasirpal II
 745–727 BCE
Tiglath-Pileser III
 705–681 BCE
Sennacherib
 681–669 BCE
Esarhaddon
 669–631 BCE
Ashurbanipal
 612–609 BCE
Ashur-uballit II (huling pinuno)
PanahonPanahong Bronse hanggang Panahong Bakal
 Pundayo ng Assur
c. 2600 BCE
 Ang Assur ay naging independiyenteng siyudad-estado
c. 2025 BCE[c]
 Panahon ng Lumang Asirya
c. 2025–1364 BCE
 Panahon ng Gitnang Asirya
c. 1363–912 BCE
 Panahon ng Imperyong Neo-Asirya
911–609 BCE
609 BCE[d]
 Paglusob at pagwasak ng Assur ng Imperyong Sasania
c. 240 CE
Pinalitan
Pumalit
Ikatlong Dinastiya ng Ur
Imperyong Neo-Babilonya
Imperyong Medes
Isara
Agarang impormasyon SinaunangMesopotamia, Eufrates · Tigris ...
Sinaunang
Mesopotamia
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve
Hiteo · Kasita
Huriano / Mitani
Isara
Remove ads

Gitnang Imperyong Asirya

Thumb
Thumb
Mapa ng mga hangganan ng Gitnang Imperyong Asirya (kaliwa) at Imperyong Neo-Asirya(kanan) noong ika-13 siglo BCE hanggang ika-7 siglo BCE.

Si Ashur-uballit I ang kauna-unahang katutubong pinuno ng Asirya na nag-angkin ng pamagat na sar(Hari). Pagkatapos makamit ang kasarinlan, karagdagan niyang inangkin ang dignidad ng isang dakilang hari gaya ng mga paraon ng Sinaunang Ehipto at mga haring Hiteo. Ang pag-akyat sa kapangyarihan ng Asirya ay kaugnay sa pagbagsak ng Kahariang Mitanni na pumayag sa mga hari ng Gitnang Imperyong Asirya na palawaking ang kanilang mga teritoryo sa hilagang Mesopotamiy.[9] Sa ilalim ng mga haring mandirigmang sina Adad-nirari I (naghari noong 1305–1274 BCE), Shalmaneser I (naghari noong 1273–1244 BCE) at Tukulti-Ninurta I (naghari noong 1243–1207 BCE), nakamit ng Asirya ang hangarin nitong maging isang Imperyong Asirya. Sa ilalim ni Shalmaneser I, ang mga huling labi ng Kahariang MIttani ay isinama sa Asirya.Ang pinakamatagumpay na haring Asiryo ay si Tukulti-Ninurta I na nagpalawak sa Gitnang Imperyong Asirya.[10] Ang kanyang pinakatanyag na nagawa sa military ang pagkapanalo sa Labanan ng Nihriyac. 1237 BCE na nagmarka sa pagsim ula ng wakas ng impluwensiyang Hiteo sa hilagaang Mesopotamiya]] at ang kanyang pananakop sa Babilonya na naging basalyo ng Asirya noong 1225–1216 BCE. [11][12] Si Tukulti-Ninurta rin ang unang haring Asiryo na naglipat ng kabisera nito mula sa Assur at naglunsad ng bagong lungsod ng Kar-Tukulti-Ninurta bilang kabisera nito noong [13] c. 1233 BCE.[14] Ang kabisera ng imperyo ay muling ibinalik sa Assur pagkatapos ng kanyang kamatayan.[13]

Ang asasinasyon ni Tukulti-Ninurta I noong 1207 BCE ay sinundan ng alitan ng mga dinastiya at humantong sa pagbagsak sa kapangyarihan ng Asirya. Hindi nagawa ng kanyang mga kahalili na panatilihin ang kapangyarihan ng Asirya at namuno lamang sa lupaing sentro ng Asirya na isang panahon na kasabay ng Huling Pagguho ng Panahong Bronse. Bagaman tinangka ng mga haring Asiryo sa panahong ito gaya nina Ashur-dan I (naghari noong c. 1178–1133 BCE), Ashur-resh-ishi I (naghari noong 1132–1115 BCE) at Tiglath-Pileser I (naghari noong 1114–1076 BC) na palakasin ang Asirya sa pamamagitan ng pananakop, ito pananakop ay hindi matatag at panandalian lamang. Mula sa panahon ni Eriba-Adad II (naghari 1056–1054 BCE), patuloy na humina ang Imperyong Asirya.[15] Sa panahong ito, hindi lamang ang Asirya ang humina ngunit muling nasakop ng mga hukbong asiryo na sakupin ang malalaking bahagi ng Imperyo. Sa ilalim ni Ashur-dan II (naghari noong 934–912 BCE), ang paghina nito ay bumaliktad. Ang wakas ng kanyang paghahari ang pasimula ng pag-akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Neo-Asirya.(911–609 BCE).[16]

Thumb
Relief ni Tiglath-Pileser III (naghari noong 745–727 BCE) na nagisa at nagpalawak ng Imperyong Neo-Asirya.
Remove ads

Mga gusali

Yari sa mga tisang ibinilad sa araw ang kanilang mga gusali. Ngunit gumamit sila ng mga pundasyong bato para sa mga templo at mga palasyo, at nilagyan ng mga mabusisi o detalyadong mga ukit ang mga pader.

Aklatan ng haring Asiryong si Ashurbanipal

Ang haring Asiryo na si Ashurbanipal ay kilala sa pagtitipon ng mga teksto at tableta sa Aklatan ni Ashurbanipal. Sa pagtitipon ng mga teksto sa kanyang aklatan, sumulat siya sa mga lungsod at sentro ng pagkatuto sa buong Mesopotamiya na nag-utos sa kanila na magpadala ng mga kopya ng lahat ng mga akdang isinulat rehiyon..[17] Bilang aprentis na iskriba, pinag-aralan niya ang mga Wikang Akkadiyo at Wikang Sumeryo. Nagpadala siya ng mga iskriba sa bawat rehiyon ng Imperyong Neo-Asirya upang magtipon ng mga sinaunang teksto. Humirang siya ng mga iskolar at iskriba upang kopyahin ang mga teksto mula sa mga sangguniang Babilonyo. Ito ay naglalaman ng 30,000 tableta at teksto at kabilang sa aklatan ang mga kilalang panitikan na Epiko ni Gilgamesh, mito ng paglikha na Enûma Eliš, kuwento ng unang tao na si Adapa at Mahirap na tao ng Nippur.

Remove ads

Talababa

  1. This date refers to when Assur became an independent city-state, i.e. the beginning of the Old Assyrian period. The Old Assyrian period was preceded by the Early Assyrian period but Assur was not independent during this time and distinct Assyrian cultural and religious practices had not yet fully formed.[1][2][3]
  2. This date refers to the end of the Neo-Assyrian Empire, when Assyria ceased to be a state. It omits the later post-imperial period when there was no longer an independent Assyrian kingdom.
  3. This date refers to when Assur became an independent city-state, i.e. the beginning of the Old Assyrian period. The Old Assyrian period was preceded by the Early Assyrian period but Assur was not independent during this time and distinct Assyrian cultural and religious practices had not yet fully formed.[1][2][3]
  4. This date refers to the end of the Neo-Assyrian Empire, when Assyria ceased to be a state. It omits the later post-imperial period when there was no longer an independent Assyrian kingdom.
Remove ads

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads