Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang wikang Sumeryo o wikang Sumerian (𒅴𒂠 EME.ĜIR15 "katutubong wika") ang wika ng sinaunang Sumerya na sinalita sa katimugang Mesopotamia(modernong Iraq) mula sa ca. ika-4 milenyo BCE. Noong ika-3 milenyo BCE, ang isang malapit na simbiosis na kultural ay nabuo sa pagitan ng mga Sumeryo (na nagsasalita ng Hiwalay na wika) at mga tagapagsalitang Semitikong Akkadiano na kinabibilangan ng malawakang bilingualismo.[2] Ang impluwensiya ng wikang Sumerian sa wikang Akkadian at bise bersa ay ebidente sa lahat ng mga sakop mula sa malawakang panghihiram na leksikal hanggang sa pagtatagpong sintaktiko, morpolohikal at ponolohikal.[2] Ito ay nagtulak sa mga skolar na tukuyin ang wikang Sumeryo at Akkadiano noong ikatlong milenyo BCE bilang isang sprachbund.[2] Ang wikang Akkadiano ay unti-unting pumalit sa wikang Sumeryo bilang isang sinasalitang wika noong mga 2000 BCE(ang eksaktong petsa ay pinagdedebatihan pa rin). Gayunpaman, ang wikang Sumeryo ay patuloy na ginamit bilang isang wikang sagrado, seremonyal, pampanitikan, at pang-agham sa Mesopotamia hanggang sa ika-1 siglo CE. Ito ay nakalimutan hanggang noong ika-19 siglo CE, nang simulang maunawaan ng mga Asiryologo ang mga inksripsiyong kuneiporma at naghukay ng mga tabletang naiwan ng mga tagapagsalita nito. Ang wikang Sumeryo ay isang hiwalay na wika. Ang ilang mga skolar ay naniniwalang ang wikang Sumeryo ay nauugnay sa pangkat austriko ng mga wika.[3][4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.