Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Abenida Mindanao (Ingles: Mindanao Avenue) ay isang abenida na may walo hanggang sampung linya at pinaghahatian ng panggitnang harangan sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Kinokonekta nito ang EDSA at North Luzon Expressway (NLEx), at isa itong bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5). Isa ito sa mga tatlong kalinyang daanan na kumokonekta ng Abenida Tandang Sora sa Abenida Kongresyonal (ang dalawang iba pa ay Abenida Visayas at Abenida Luzon). Pinangalanan ito mula sa pangalan ng ikalawang pinakamalaking pulo ng Pilipinas.
Abenida Mindanao Mindanao Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.9 km (1.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Kalye Santo Rosario sa Valenzuela |
Dulo sa timog | N1 (EDSA) / AH26 sa Barangay San Antonio |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Valenzuela, Lungsod Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Dati, isa itong lansangan na may haba na dalawang kilometro na kumokonekta ng Abenida North at Abenida Kongresyonal, subalit bilang bahagi ng proyektong impraestruktura ng C-5, pinahaba ang Abenida Mindanao patungong EDSA sa timog at Lansangang Quirino sa hilaga. Binuksan ang mga bagong bahagi noong 2000. Pinalitan ng Abenida Mindanao ang mga ilang bahagi ng Abenida Tandang Sora na kabilang sa C-5 noong binuksan na ang mga bagong bahagi. (Walang daan patungong NLEx ang Tandang Sora).[1] Sinimulan ang pagtatayo ng Mindanao Avenue-NLEX road pagkaraan nito. Ang nasabing daanan ay naging isang mabilisang daanan (bilang NLEx-Mindanao Avenue Link o Segment 8.1) noong natapos ang pagtatayo nito.[2]
May isa pang daan sa Lungsod Quezon na nangangalang Abenida Mindanao. Nagsisimula ito sa Abenida Commonwealth at nagtatapos sa isang dead-end sa may School of Saint Anthony sa Novaliches, Lungsod Quezon. Ang nasabing daanan ay hindi nakakonekta nang anumang paraan sa orihinal ng Abenida Mindanao.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.