Abenida Kalaw

kalsada sa Maynila, Pilipinas From Wikipedia, the free encyclopedia

Abenida Kalawmap
Remove ads

Ang Abenida Kalaw (Ingles: Kalaw Avenue), na dating tinawag na Kalye T.M. Kalaw (T.M. Kalaw Street), ay isang maiksing daan sa distrito ng Ermita sa Maynila, Pilipinas. Bumubuo ito sa katimugang hangganan ng Liwasang Rizal at dumadaan mula silangan pakanluran, mula Kalye San Marcelino hanggang Bulebar Roxas. Nagsisimula ito bilang isang daang apat ang mga linya sa sangandaan nito sa Kalye San Marcelino. Lalawak ito at magiging apat ang mga linya at hinahatian sa gitna paglampas ng Abenida Taft sa kahabaan nito sa may Liwasang Rizal. Ang haba nito ay 1.1 kilometro (0.7 milya). May maiksing karugtong ito patungo sa tinambak na lugar (reclaimed area) ng Luneta at Quirino Grandstand bilang South Drive. Itinakda ang bahagi ng abenida mula Abenida Taft hanggang Bulebar Roxas bilang isang pambansang lansangan ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas bilang N155.[2]

Agarang impormasyon Abenida Kalaw Kalaw Avenue, Impormasyon sa ruta ...

Pinangalanan ang abenida mula kay Teodoro Kalaw, isang mambabatas, edukador, at mananalaysay noong panahon ng Komonwelt na nangungkulan din bilang tagapamahala ng Pambansang Aklatan na matatagpuan sa abenida. Dati itong tinawag na Kalye San Luis (Ingles: San Luis Street, Espanyol: Calle San Luis).[3][4]

Remove ads

Tingnan din

Mga sanggunian

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads