Unang Sulat ni Pedro
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Unang Sulat ni Pedro o 1 Pedro ay isang aklat sa Bagong Tipan na isinulat ni Apostol San Pedro. Kasama ng Ikalawang Sulat ni Pedro, nakalaan ang sulat na ito para sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor na nakaranas ng panliligalig ng ibang mga kababayan dahil sa bago nilang relihiyon, ang Kristiyanismo, na ayon kay San Pedro ay ang "tunay na relihiyon".
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Paglalarawan
Ang unang sulat ay naisulat ni San Pedro sa Sinaunang Roma noong taong 63. Naglalaman ang sulat ng panghihimok ni San Pedro sa mga bagong Kristiyano na maging matatag sa pananampalataya kay Hesukristo, sa kabila ng mga panliligalig at pag-uusig ng kanilang mga kalaban.[1] Sinubok ng liham na sagutin ang mga katanungan hinggil sa paghihirap at pagdurusa.[2]
Mga sanggunian
Mga panlabas na kawing
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.