Ang ika-19 (labinsiyam ) na dantaon (taon: AD 1801 – 1900),ay isang siglo na nagsimula noong Enero 1, 1801, at nagtapos noong Disyembre 31, 1900.
Agarang impormasyon Milenyo:, Mga siglo: ...
Isara
Antoine-Jean Gros, Surrender of Madrid , 1808. pagpasok ni Napoleon sa kabisera ng Espanya noong Digmaang Peninsular, 1810.
Nagkaroon ng malaking pagbabagong panlipunan ang ika-19 na siglo; binuwag ang pagkaalipin , at ang Una at Ikalawang Rebolusyong Industriyal (na sumasanib sa ika-18 at 20 mga siglo, sa ganoong pagkakaayos) na nagdulot sa malawakang urbanisasyon at mataas na antas ng produktibidad, kita at kaunlaran. Nabuwag ang Islamikong Imperyo ng pulbura at dinala ng imperyalismong Europa sa pamamayaning kolonyal ang karamihan ng Timog Asya , Timog-silangang Asya at halos lahat ng Aprika .
Napoleon Bonaparte .
Unang lumabas ang elektroniks sa ika-19 na dantaon, kasama ang introduksyon ng electric relay noong
1835, ang telegrapiya at ang protokol nitong kodigong Morse noong 1837, ang unang pagtawag sa telepono noong 1876,[1] at ang unang gumaganang bombilya noong 1878.[2]
Isang panahon ang ika-19 na dantaon ng mabilis na siyentipikong pagtuklas at imbensyon, na may mahahalagang mga ginawa sa mga larangan ng matematika , pisika , kimika , biyolohiya , elektrisidad , metalurhiya na nagbigay daan sa mga pagsulong ng teknolohiya sa ika-20 dantaon .[3] Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa Gran Britanya at kumalat sa lupalop ng Europa , Hilagang Amerika at Hapon .[4]
Kapanganakan
1809: Pebrero 12 - Charles Darwin , tagapagsimula ng teoriya ng ebolusyon sa pamamagitan ng likas na pagpili (namatay 1882)
Dekada 1810
Kapanganakan
1811: Marso 20 - Napoleon II , pinagtatalunang Emperador ng Pransya na anak nina Emperador Napoleon I at Emperatris Marie Louise (namatay 1832)
Dekada 1820
Kapanganakan
1820: Enero 17 - Anne Brontë, isang Ingles na manunulat (namatay 1849 )
1820: Mayo 27 - Mathilde Bonaparte, isang Italyanong prinsesa (namatay 1904 )
Dekada 1890
Kapanganakan
1890: Nobyembre 16 – Elpidio Quirino , ika-6 Pangulo ng Pilipinas (namatay 1955 )
1891: Marso 9 - Jose P. Laurel , isang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945 (namatay 1959)
1892: Enero 1 - Manuel Roxas , dating pangulo ng Pilipinas (namatay 1948)
1892: Mayo 30 - Fernando Amorsolo , Pambansang Artista ng Pilipinas (pagpipinta) (namatay 1972)
1896: Marso 6 - Norodom Suramarit, hari ng Cambodia (kamatayan 1860 )
1896: Hulyo 16 - Trygve Lie, Kalihim-Heneral ng Mga Bansang Nagkakaisa (Kamatayan 1968 )
1896: Agosto 27 – Kenji Miyazawa , makata , manunula ng panitikang pambata at agronomong Hapon (kamatayan 1933 )
1896: Setyembre 25 - Alessandro Pertini, ang ikapitong Pangulo ng Republika Italyano (kamatayan 1990 )
1896: Nobyembre 4 - Carlos P. Garcia , ang ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (kamatayan 1971 )
1897: Agosto 26 - Yun Po-sun , Pangulo ng Timog Korea (namatay 1990 )
Kamatayan
1890: Enero 18 - Amadeo I ng Espanya , Hari ng Espanya . (ipinanganak 1845 )
1893: Enero 17 - Rutherford B. Hayes , ika-19 Pangulo ng Estados Unidos (ipinanganak 1822 )
1896: Enero 20 – Graciano López Jaena , Pilipinong manunulat (ipinanganak 1856 )
1896: Mayo 20 - Clara Schumann, kompositor (kapanganakan 1819 )
1896: Hulyo 4 – Marcelo H. del Pilar , manunulat at mamamahayag (ipinanganak 1850 )
1896: Agosto 10 – Otto Lilienthal, Alemang tagapagbunsod ng abasyon (kapanganakan 1848 )
1896: Oktubre 11 - Anton Bruckner, kompositor (kapanganakan 1824 )
1896: Nobyembre 25 - Ichiyō Higuchi, nobelista at (kapanganakan 1872 )
1896: Disyembre 10 – Alfred Nobel , imbentor ng dinamita at taga-gawa ng Gantimpalang Nobel (kapanganakan 1833 )
1896: Disyembre 30 – Jose Rizal , Pilipinong nasyolista at polymath (ipinanganak 1861 )
1897: Mayo 10 – Andres Bonifacio , Pilipinong Ama ng Katipunan (ipinanganak 1863 )
1899: Abril 6 – Emilio Jacinto , Pilipinong Utak ng Katipunan (ipinanganak 1875 )
1899: Hunyo 5 – Antonio Luna , Unang Pilipinong Heneral ng Republika ng Pilipinas (Ipinanganak 1866 )
1899: Disyembre 2 – Gregorio del Pilar , pinakabatang Pilipinong Heneral at Bayani ng Pasong Tirad (Ipinanganak 1875 )
1899: Disyembre 7 – Juan Luna , Pilipinong pintor (ipinanganak 1857 )
1900
Setyembre 13 – Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Pulang Lupa: nilabanan ng mga Pilipino ang isang partido ng mga sundalong Amerikano.
Setyembre 17 – Digmaang Pilipino–Amerikano – Labanan sa Mabitac: tinalo ng mga Pilipino sa ilalim ni Juan Cailles ang mga Amerikano, sa ilalim ni Kolonel Benjamin F. Cheatham.