Remove ads

Ang ika-15 dantaon ay isang siglo na sumasakop sa mga taon sa kalendaryong Huliyano mula 1401 hanggang 1500.

Thumb
Si Mehmed II ng Imperyong Otomano, ang Islamikong pananakop ng Constantinople at pagbagsak ng Imperyong Bisantino. Iba't ibang mga dalubhasa sa kasaysayan ang isinalarawan ito bilang ang katapusan ng Gitnang Panahon.
Thumb
The Capitulation of Granada ni Francisco Pradilla Ortiz, 1882: Sumuko si Muhammad XII kay Fermando at Isabel
Thumb
Gergio Deluci, Christopher Columbus arrives in America in 1492, pinta noong 1893.

Sa Europa, nakikita ang ika-15 dantaon bilang ang tulay sa pagitan ng Huling Gitnang Panahon at ang maagang makabagong panahon. Makikita sa paggunita ng maraming panteknolohiya, panlipunan at pangkalinangang pagsulong sa ika-15 dantaon bilang isang pagpapahayag ng himalang Europeo ng mga sumunod ng mga siglo. Ang perspektibong pang-arkitektura at ang larangan na kilala ngayong bilang accounting ay naitatag sa Italya.

Bumagsak ang Constantinople, na nakilala bilang ang Kabisera ng Sanlibutan at ang Kabisera ng Imperyong Bisantino (Turkiya ngayon), sa umuusbong na Turkong Otomano na Muslim, na tinatakda ang katapusan ng napakatinding impluwensiya ng Imperyong Bisantino at, para maraming dalubhasa sa kasaysayan, ang katapusan ng Gitnang Panahon.[1] Nagdulot ito ng paglipat ng mga paham na Griyego at mga teksto sa Italya, habang ang imbensyon ni Johannes Gutenberg na mekanikal na gumagalaw na tipo ang nagsimula ng pag-imprenta. Nagkaroon ng susing pagganap ang dalawang kaganapan na ito sa pagsulong ng Renasimiyento.[2][3] Nahati ang Papasiyang Romano sa dalawang bahagi sa Europa sa maraming dekada (ang tinatawag nilang Kanluraning Sisma o Paghahati), hanggang sa Konseho ng Constancia. Naiuugnay ang dibisyon sa Simbahang Katoliko at ang kaguluhan nito sa kilusang Husita na naging dahilan sa pag-usbong ng Repormasyong Protestante ng sumunod na siglo. Nabuwag ang Islamikong Espanya (Al-Andalus) sa pamamagitan ng Kristiyanong Reconquista, na sinundan ng puwersahang kombersyon at ang rebelyong Muslim,[4] na natapos sa pitong siglo ng pamumunong Islamiko at pagbalik sa Espanya, Portugal at Katimugang Pransya sa mga namumunong Kristiyano.

Ang paghanap para sa kayamanan at kaunlaran ng Sultanato ng Bengal sa India[5] ay nagdulot sa kolonisasyon ng mga Amerika ni Christopher Columbus noong 1492 at ang Portuges na paglalayag ni Vasco da Gama, na nagdugtong sa Europa at sa subkontineteng Indiyano, na naghatid sa panahon ng mga imperoyong Iberiyano.

Remove ads

Mga dekada

Dekada 1400[A]

Kaganapan

Dekada 1450

Kapanganakan

  • 1452: Abril 15 - Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (namatay 1519)

Dekada 1470

Kapanganakan

Dekada 1480

Kapanganakan

Dekada 1490

Kaganapan

  • 1492: Enero 15 Nakipagpulong si Christopher Columbus kina Fernando at Isabel sa Alcázar de los Reyes Cristianos sa Córdoba, Andalusia, at hinimok silang suportahan ang kanyang Atlantikong paglalayag na nilayong hanapin ang isang bagong ruta patungo sa Silangang Indiyes.
Remove ads

Taon

1500

Mga pananda

  1. Maliban sa 1400

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads