Ang makabagong kasaysayan o modernong kasaysayan (Ingles: modern history, modern era, modern age) ay ang kasaysayan ng Makabagong Kapanahunan. Ang simula ng kasaysayan ng makabagong panahon ay nasa pagkalipas ng Panahong Panggitna.[1] Ang makabagong kapanahunan ay tinatayang nagsimula sa ika-16 daantaon.[2][3] Na nasundan ng pagtukoy sa kasaysayan ng daigdig magmula sa pagdating ng Panahon ng Katwiran at ng Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon at sa pag-uumpisa ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang makabagong kasaysayan ay mahahati pa sa maagang makabagong kapanahunan at sa hulihan ng makabagong kapanahunan pagkalipas ng Himagsikang Pranses at ng Rebolusyong Pang-industriya. Ang kasaysayang kontemporaryo ay naglalarawan sa maikling panahon ng mga kaganapang pangkasaysayan na kaagad na may kaugnayan sa pangkasalukuyang kapanahunan.
Maraming mga pangunahing kaganapan ang nagsanhi na magbago ang Europa sa pagsapit ng ika-15 hanggang sa ika-16 mga daantaon, na nagsimula sa Pagbagsak ng Konstantinople noong 1453, sa pagbagsak ng Muslim na Espanya at sa pagkakatuklas ng Kaamerikahan noong 1492, at sa Repormasyong Protestante ni Martin Luther noong 1517. Sa Inglatera, ang makabagong kapanahunan ay madalas na pinepetsahan sa simula ng kapanahunan ng Tudor sa pagtatagumpay ni Henry VII laban kay Richard III doon sa Labanan ng Bosworth noong 1485.[4][5] Ang kasaysayan ng maagang makabagong Europa ay kadalasang tinatanaw na sumasaklaw magmula sa ika-14 hanggang sa ika-15 mga daantaon, hanggang sa Panahon ng Katwiran at sa Panahon ng Pagkamulat noong ika-17 at ika-18 mga daantaon, hanggang sa pagsisimula ng Rebolusyong Pang-industriya noong kahulihan ng ika-18 daantaon.
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.