Silangang Imperyong Romano
mga lalawigan sa silangang bahagì ng Romanong Imperyo / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Silangang Imperyong Romano, Imperyo ng Roma sa Silangan, o Imperyong Bisantino (Bisantium) ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang Panahon na may kabisera sa Constantinopla (na ngayo’y Istanbul).
Silangang Imperyo Romano | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
330–1453 | |||||||||||||||||||||
Katayuan | Imperyo | ||||||||||||||||||||
Kabisera | Constantinopla¹ | ||||||||||||||||||||
Karaniwang wika | Latin hanggang sa ika-7 siglo, Griyego ang sumunod | ||||||||||||||||||||
Relihiyon | Relihiyong Romano hanggang 391, Silanganing Orthodox ng Kristiyanismo pagkatapos | ||||||||||||||||||||
Pamahalaan | Awtokrasya | ||||||||||||||||||||
Emperador | |||||||||||||||||||||
• 306–337 | Constantino ang Dakila | ||||||||||||||||||||
• 1449–1453 | Konstantino XI Paleologus | ||||||||||||||||||||
Lehislatura | Senado ng Constantinopla | ||||||||||||||||||||
Panahon | Huling Makaluma-Huling Gitnang Panahon | ||||||||||||||||||||
285 | |||||||||||||||||||||
• Pagtatatag sa Konstantinopla | Mayo 11 330 | ||||||||||||||||||||
• Paghiwalay ng Silangan-Kanluran | 1054 | ||||||||||||||||||||
• Pagbagsak ng Konstantinople sa Ikaapat na Krusada | 1204 | ||||||||||||||||||||
• Pagbawi sa Konstantinople | 1261 | ||||||||||||||||||||
• Pagbagsak ng Konstantinople | Mayo 29 1453 | ||||||||||||||||||||
• Pagbagsak ng Trebizond | 1461 | ||||||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||||||
• 4th cent³ | 34,000,000 | ||||||||||||||||||||
• 8th cent (780 AD) | 7,000,000 | ||||||||||||||||||||
• 11th cent³ (1025 AD) | 12,000,000 | ||||||||||||||||||||
• 12th cent³ (1143 AD) | 10,000,000 | ||||||||||||||||||||
• 13th cent (1281 AD) | 5,000,000 | ||||||||||||||||||||
Salapi | Solidus, Hyperpyron | ||||||||||||||||||||
| |||||||||||||||||||||
¹ Constantinople (330–1204 and 1261–1453). The capital of the Empire of Nicaea, the empire after the Fourth Crusade, was at Nicaea, present day İznik, Turkey. ² Establishment date traditionally considered to be the re-founding of Constantinople as the capital of the Roman Empire although other dates are often used ³ See Population of the Byzantine Empire for more detailed figures taken provided by McEvedy and Jones, "Atlas of world population history", 1978, as well as Angeliki E. Laiou, "The Economic History of Byzantium", 2002. |
Tinutukoy ito ng mga naninirahan dito pati ng mga kalapit na bansa bilang Imperyo Romano (sa Griyego Βασιλεία Ῥωμαίων, Basileía Rhōmaíōn) o Imperyo ng mga Romano o Romania (Ῥωμανία, Rhōmanía). Ang mga emperador nito ang nagpatuloy ng pamamahala ng mga emperador Romano upang panatiliin ang tradisyon at kulturang Griyego-Romano.
Sa daigdig Islamika, higit na kilala ito bilang روم (Rûm "Roma"). Dahil naman sa pananaig ng Griyego sa wika, sa kultura at sa buhay, kilala ito sa Kanluran o Europa noong mga panahong iyon bilang Imperium Graecorum, Imperyo ng mga Griyego. Ang pag-inog ng Imperyo Romano sa Silangan mula sa matandang Imperyo Romano ay isang proseso na nagmula noong ilipat ni Constantino ang kabisera sa Bizancio mula sa Nicomedia, Anatolia (ng kasalukuyang Turquia). Binansagan ang Bizancio ng bagong pangalan - ang Bagong Roma (Nova Roma) o Constantinopla - na nasa pasig ng Bosforus. Pagdatal ng siglo 7 sa ilalim ng paghahari ni Emperador Heraclio, ang mga reporma nito ang nagpabago sa lakas militar ng imperyo. Noong mga panahong ito kinilala ang Griyego bilang opisyal na wika na nagdulot din ng bagong karakter sa imperyo.
Sa libong taon pag-inog ng Imperyo kasama ang maraming balakid at pagkawala ng mga teritoryo, napanatili niya ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na pwersa militar, kultural at ekonomika sa buong Europa. Kumalat ang impluwensiya nito sa Hilagang Africa at sa Malapit Silangan halos buong Edad Media. Matapos ang huling pagbawi sa ilalim ng dinastiyang Comnena noong siglo 12, unti-unting lumubog ang Imperyo hanggang sa paglupig rito ng mga Turkong Otomano sa Constantinopla at sa mga natitira nitong teritoryo noong siglo 19.
Kuta ng Kristiyanismo ang imperyo at isa sa mga pangunahing lunduyan ng kalakalan ito sa mundo. Ito ang tumulong sa pagtatanggol sa paglusob ng mga Muslim sa kanlurang Europa. Pinatatag nito ang pananalapi sa buong rehiyong Mediterreneo. Malaki ang naging impluwensiya nito sa mga batas, sistema politika at kaugalian ng halos buong Europa at Gitnang Silangan. Pinanatili rin nito ang mga gawa sa panitikan at agham ng matandang Grecia, Roma at iba pang mga kultura. Ang katagang “Imperyo Bizantino” ay isang katha ng mga mananalaysay at hindi ginamit noong panahon ng imperyo. Ang pangalan ng imperyo sa Griyego ay Basileia Rhōmaiōn (Griyego: Βασιλεία Ῥωμαίων) — "Ang Imperyo ng mga Romano" – salin mula sa pangalan nito sa Latin na Imperyo Romano (Latin: Imperium Romanōrum); o Rhōmania (Griyego: Ῥωμανία).
Sa ilalim ng pamumuno ni Constantine, muling napag-isa ang Imperyong Roman na hinati sa panahon ni Emperador Diocletian. Subalit sa pagkakataong ito, pinagtuonan ni Constantine ang pagpapaunlad sa Silangang Imperyong Roman. Inilipat ni Costantine ang kabisera ng Imperyong Roman mula Rome sa Byzantuim (kasalukuyang Istanbul sa Turkey). Tinawag ang lungsod na Constantinople noong 330 C.E.. Ang Costantinople rin ang naging kabisera ng isang makapangyarihang imperyo-ang Imperyong Byzantine.