Bizancio
From Wikipedia, the free encyclopedia
Tungkol sa sinaunang lungsod ang artikulo na ito. Para sa lungsod sa huling Romanong panahon (330–1453), tingnan ang Constantinopla. Para sa Otomanong at modernong lungsod (pagkatapos ng 1453), tingnan ang Istanbul. Para sa imperyo, tingnan ang Imperyong Bisantino.
Ang Bizancio (Sinaunang Griyego: Βυζάντιον, romanisado: Byzántion; Latin: Byzantium) ay siyudad ng Sinaunang Gresya sa lugar na kalaunang naging Constantinopla (modernong Istanbul). Ito ay itinatag ng mga kolonistang Griyego mula sa Megara noong 657 BCE. Ang siyudad ay muling itinayo bilang bagong kabisera ng Imperyong Romano ni Emperador Constantino II noong 330 CE at kalaunang muling pinangalanang Constantinopla. Ang siyudad na ito ay nanatiling kabisera ng Imperyong Bizantino hanggang 1453 nang ito ay sakupin at naging kabisera ng Imperyong Ottoman. Simula ng pagkakatatag ng modernong Turkiya noong 1923, ang pangalang Turko ng siyudad na Istanbul ay pumalit sa pangalang Constantinopla sa Kanluran.