fresco sa Vaticano na ginawa ni Raphael mula 1509 hanggang 1511 From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Paaralan ng Atenas (Italyano: Scuola di Atene) ay isang fresco ni Raphael, isang pintor ng Renasimyentong Italyano. Pininturahan ito mula 1509 hanggang 1511 bilang bahagi ng atas ni Papa Julio II upang palamutihan ang mga silid na tinatawag na ngayong sa Palasyong Apostoliko sa Lungsod ng Vaticano.
Paaralan ng Atenas | |
---|---|
Alagad ng sining | Raphael |
Taon | 1509–1511 |
Tipo | Fresco |
Sukat | 500 cm × 770 cm (200 pul × 300 pul) |
Kinaroroonan | Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Vaticano |
Naglalarawan ang fresco ng isang kongregasyon ng mga sinaunang pilosopo, matematiko, at siyentipiko, at sina Platon at Aristoteles ang itinampok sa gitna. Ang mga identidad ng karamihan ng mga pigura ay hindi matitiyak o makikilala lamang sa mga maliliit na detalye o mga alusyon;[1] kabilang sa mga karaniwang tinutukoy sina Sokrates, Pitagoras, Arkimedes, Heraklito, Averroes, at Zaratustra. Bukod pa rito, pinaniniwalaan na inilarawan sina Leonardo da Vinci at Michelangelo, mga Italyanong alagad-sining, sa pamamagitan nina Platon at Heraklito, ayon sa pagkakabanggit.[2][1] Naglagay si Raphael ng larawan ng sarili sa tabi ni Ptolomeo.
Tanyag ang pintura sa paggamit nito ng tumpak na proyeksiyon ng perspektibo, isang mahalagang katangian ng sining ng Renasimiyento, na natutunan ni Raphael kay Leonardo; gayundin, ang mga tema ng pintura, tulad ng muling pagsilang ng sinaunang pilosopiyang Griyego at kultura ng Europa na kinasihan ng mga personal na adhikain ni Leonardo sa dulaan, inhenyeriya, optika, heometriya, pisyolohiya, anatomiya, kasaysayan, arkitektura at sining.[3]
Itinuturing ang Paaralan ng Atenas bilang isa sa mga pinakakilalang gawa ni Raphael at inilarawan bilang kanyang "obra maestra at ang perpektong halimbawa ng klasikal na espiritu ng Renasimiyento".[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.