Miss World 1984
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1984 ay ang ika-34 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 15 Nobyembre 1984.[1][2][3]
Miss World 1984 | |
---|---|
Petsa | 15 Nobyembre 1984 |
Presenters |
|
Entertainment | The Drifters |
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | Thames Television |
Lumahok | 72 |
Placements | 15 |
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Astrid Carolina Herrera![]() |
Personality | Ana Luisa Seda![]() |
Photogenic | Astrid Carolina Herrera![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Sarah-Jane Hutt ng Reyno Unido si Astrid Carolina Herrera ng Beneswela bilang Miss World 1984.[4][5][6] Ito ang ikatlong beses na nanalo ang Beneswela bilang Miss World.[7] Nagtapos bilang first runner-up si Connie Fitzpatrick ng Kanada, habang nagtapos bilang second runner-up si Lou-Anne Ronchi ng Australya.[8][9][10]
Ilang protesta ang naganap laban sa pagkapanalo ni Herrera,[11][12] dahil umano sa ugnayan nito sa isang larong bull-baiting sa Timog Amerika.[13] Si Herrera ang opisyal na pin-up girl ng larong coleos sa kanyang bayan sa Caracas.[14][15] Dahil dito, pinagbawalan ni Julia Morley na sagutin ni Herrera ang anumang tanong sa kanya tungkol sa bull-baiting.[16][17][18]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Judith Chalmers ang kompetisyon. Nagtanghal ang The Drifters sa edisyong ito.