Miss World 1985
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1985 ay ang ika-35 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 14 Nobyembre 1985.
Miss World 1985 | |
---|---|
Petsa | 14 Nobyembre 1985 |
Presenters |
|
Entertainment | Jack Jones |
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | Thames Television |
Lumahok | 78 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali | Honduras |
Bumalik |
|
Nanalo | Hólmfríður Karlsdóttir![]() |
Personality | Fiona Hartley![]() |
Photogenic | Benita Mureka![]() |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Astrid Carolina Herrera ng Beneswela si Hólmfríður Karlsdóttir ng Lupangyelo bilang Miss World 1985.[1][2][3] Ito ang unang beses na nanalo ang Lupangyelo bilang Miss World.[4][5] Nagtapos bilang first runner-up si Mandy Shires ng Reyno Unido, habang nagtapos bilang second runner-up si Brenda Denton ng Estados Unidos.[6][7][8]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-walong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Anne Diamond ang kompetisyon.[9] Nagtanghal si Jack Jones sa edisyong ito.[10]
Sa kasagsagan ng komeptisyon, naging kritikal ang kalagayan ng ampon na anak na babae ng mga Morley na si Kathryn, dahil sa sakit sa kanyang gitnang sistemang nerbiyos. Natanggap ni Eric Morley ang tawag na kritikal na si Kathryn habang inaanunsyo niya ang limang Continental Queens of Beauty. Namatay si Kathryn noong 4:15 ng madaling araw kinabukasan.[11]