Miss World 1983
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss World 1983 ay ang ika-33 edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 17 Nobyembre 1983.[1]
Agarang impormasyon Petsa, Presenters ...
Miss World 1983 | |
---|---|
Petsa | 17 Nobyembre 1983 |
Presenters |
|
Entertainment | Leo Sayer |
Pinagdausan | Royal Albert Hall, Londres, Reyno Unido |
Brodkaster | Thames Television |
Lumahok | 72 |
Placements | 15 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Sarah-Jane Hutt![]() |
Personality | Cátia Pedrosa![]() |
Photogenic | Bernarda Marovt![]() |
Isara
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Mariasela Álvarez ng Republikang Dominikano si Sarah-Jane Hutt ng Reyno Unido bilang Miss World 1983.[2][3][4] Ito ang ikalimang beses na nanalo ang Reyno Unido bilang Miss World.[5][6][7] Nagtapos bilang first runner-up si Rocío Isabel Luna ng Kolombya, habang nagtapos bilang second runner-up si Cátia Pedrosa ng Brasil.[8][9][10]
Mga kandidata mula sa pitumpu't-dalawang bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Peter Marshall at Judith Chalmers ang kompetisyon.[11] Nagtanghal si Leo Sayer sa edisyong ito.