Miss Universe Philippines 2020
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe Philippines 2020 ay ang unang edisyon ng Miss Universe Philippines pageant sa ilalim ng bagong organisasyon. Ito ay ginanap sa Cordillera Convention Hall, Baguio Country Club, Baguio noong Oktubre 25, 2020.[1] Ang kompetisyon ay orihinal na nakatakda noong Mayo 3, 2020.[2][3] Gayunpaman, dahil sa pandemya ng COVID-19, ito ay nausog ng dalawang beses; isa noong Hunyo 14, 2020, at isa noong Oktubre 25, 2020.[4]
Miss Universe Philippines 2020 | |
---|---|
Petsa | October 25, 2020 |
Presenters | KC Montero |
Entertainment |
|
Tema | The Filipino is Phenomenal |
Pinagdausan | Cordillera Convention Hall, Baguio Country Club, Baguio |
Brodkaster | GMA Network |
Lumahok | 46 |
Placements | 16 |
Hindi sumali | |
Nanalo | Rabiya Mateo Iloilo City |
Pinakamahusay na Pambansang Kasuotan | Lou Dominique Piczon Mandaue |
Photogenic | Tracy Maureen Perez Cebu City |
2021 → |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados si Rabiya Mateo ng Lungsod ng Iloilo bilang Miss Universe Philippines 2020.[5][6] Si Mateo ang ikalawang Ilongga na kumatawan sa Pilipinas sa Miss Universe, pagkatapos ni Louise Aurelio noong 1965. Nagtapos bilang first runner-up si Maria Ysabella Ysmael ng Parañaque, samantalang nagtapos bilang second runner-up si Michele Gumabao ng Lungsod Quezon.[7]
Mga kandidata mula sa 46 na mga lalawigan at lungsod ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni KC Montero ang kompetisyon. Sina Jessica Sanchez, Allen Cecilio, Anjo Damiles, at Kevin Montillano ang nagtanghal sa edisyong ito.