Remove ads
lungsod ng Pilipinas at kabisera ng lalawigan ng Cebu From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lungsod ng Cebu (Cebuano/Bisaya: Dakbayan sa Sugbo, Ingles:Cebu city, Español:Ciudad de Cebú) ay ang pinakamalaking siyudad at kabisera ng lalawigan ng Cebu sa Pilipinas at ang ikalawang pinakamahalagang sentrong urbano ng bansa. Matatagpuan ang lungsod sa pulo ng Cebu at ang pinakamatandang paninirahang Kastila sa bansa, mas matanda pa sa kapital ng bansa, ang Maynila. Isa itong pangunahing daungan at tahanan ng mahigit sa 80% ng interisland na kompanyang pangdagat. Pangunahing daungan din ang Cebu, sa labas ng kapital, ng internasyunal na lipad sa bansa at ang pinakamahalagang sentro ng komersyo, pangangalakal, at industriya sa Kabisayaan at Mindanaw, ang mga katimogang bahagi ng bansa. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 964,169 sa may 238,317 na kabahayan.
Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Enero 2019)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Lungsod ng Cebu Dakbayan sa Sugbo | ||
---|---|---|
Ang Lungsod ng Cebu ng Business Park ika Setyembre 2022 | ||
| ||
Mapa ng Cebu na ipinapakita ang lokasyon ng Lungsod ng Cebu | ||
Mga koordinado: 10°17′35″N 123°54′07″E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Gitnang Kabisayaan (Rehiyong VII) | |
Lalawigan | Cebu (kapital) | |
Distrito | Una hanggang pangalawang Distrito ng Lungsod ng Cebu | |
Mga barangay | 80 (alamin) | |
Pagkatatag | 1565, 24 Pebrero 1937 | |
Ganap na Lungsod | Pebrero 24, 1937 | |
Pamahalaan | ||
• Manghalalal | 733,044 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 315.00 km2 (121.62 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 964,169 | |
• Kapal | 3,100/km2 (7,900/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 238,317 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 9.80% (2021)[2] | |
• Kita | (2020) | |
• Aset | (2020) | |
• Pananagutan | (2020) | |
• Paggasta | (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 6000 | |
PSGC | 072217000 | |
Kodigong pantawag | 32 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | Sebwano wikang Tagalog | |
Websayt | cebucity.gov.ph |
Cebu, o maaaring tawaging Sugbo, ay isang maunlad na panirahan bago pa dumating ang mga Kastila. May mga negosyante na nakikipagkalakal nagaling sa Tsina at iba pang bansa sa ng timog-silangang Asya.
Noong ika 7 ng Abril, 1521, isang Portuges na si Ferdinand Magellan at mga kasamang Kastila ay dumating sa Cebu. Sinalubong ito ni Rajah Humabon. Ang rajah at kanyang asawa at kasama ang mga 800 katutubo, ay bininyagan ng mga Kastila noong ika 14 ng Abril, 1521. Sila ay maituturing pangunahing Katoliko na Pilipino. Binago ni Magellan ang relihiyon ng mga katutubo ngunit nabigo siya sakupin ang bansa dahil sa resistensiya ng mga katutubo ng Mactan sa pamumuno ni Lapu-Lapu noong ika 27 ng Abril, 1521.
Noong ika 27 ng Abril, 1565, Si Miguel López de Legazpi kasama si Augustinong Prayle Andrés de Urdaneta, ay dumating sa Cebu. Binago ni Legazpi ang dating pangalan ng lungsod, San Miguel ng Villa del Santissimo Nombre de Jesus noong ika 1 ng Enero, 1571,. Ang lungsod ay ginawang kabisera ng bagong koloniya ng Espanya sa loob ng anim na taon.
Ang Lungsod ng Cebu ay nahahati sa 80 mga barangay.
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 45,994 | — |
1918 | 65,502 | +2.39% |
1939 | 146,817 | +3.92% |
1948 | 167,503 | +1.48% |
1960 | 251,146 | +3.43% |
1970 | 347,116 | +3.29% |
1975 | 413,025 | +3.55% |
1980 | 490,281 | +3.49% |
1990 | 610,417 | +2.22% |
1995 | 662,299 | +1.54% |
2000 | 718,821 | +1.77% |
2007 | 799,762 | +1.48% |
2010 | 866,171 | +2.95% |
2015 | 922,611 | +1.21% |
2020 | 964,169 | +0.87% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.