Miss Universe 1953
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1953 ay ang ikalawang edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 17 Hulyo 1953.
Miss Universe 1953 | |
---|---|
Petsa | 17 Hulyo 1953 |
Presenters | Bob Russell |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Lumahok | 26 |
Placements | 16 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Nanalo | Christiane Martel Pransiya |
Congeniality | Jeanne Thompson Louisiana |
Photogenic | Myrna Hansen Estados Unidos |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng aktres na si Julie Adams si Christiane Martel ng Pransiya bilang Miss Universe 1953.[1] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pransiya sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Myrna Rae Hansen ng Estados Unidos, habang nagtapos bilang second runner-up si Kinuko Ito ng Hapon.[2] Hindi kinoronahan ni Armi Kuusela ang kanyang kahalili matapos niyang piliin na talikuran ang kanyang mga responsibilidad bilang Miss Universe para makapag-asawa sa Pilipinas.[3][4]
Mga kandidata mula sa dalawampu't-anim na mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito, ang pinaka-kaunti sa kasaysayan ng Miss Universe. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon. Itinampok rin sa edisyong ito ang Metallic Bronze Crown na dinisenyo ni Allan Adler, na kilala sa kakulangan ng mga gemstone at rhinestone. Ang koronang ito ay ginamit para sa edisyong ito lamang.[5]