Medan
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Medan (Pagbigkas sa Malay: [meˈdan]) ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Hilagang Sumatra, Indonesya. Ito ay ang pinakamataong lungsod sa Sumatra at ang panlimang pinakamatao na mismong lungsod (city proper) sa Indonesya na may tinatayang populasyon na 2,229,408 noong 2016 sa loob ng mga hangganan ng lungsod.[2] Ang kalakhang pook ng Medan na kilala nang opisyal bilang Mebidangro, ay tahanan ng 4.6 na milyong katao, kaya ito ang panlimang pinakamataong kalakhang pook sa bansa at ang pinakamalaki sa labas ng Java.[3] Isang multikultural na daklungsod ang Medan at isang maabalang lungsod na nangangalakal na hinahangganan ng Kipot ng Malacca. Isang daanan ang Medan patungo sa kanlurang bahagi ng Indonesya, at itinataguyod ng Pantalan ng Belawan at ng Paliparang Pandaigdig ng Kualanamu, kapuwang nakaugnay sa sentro ng lungsod sa pamamagitan ng isang mabilisang daanan at daambakal. Ayon sa National Development Planning Agency, isa ang Medan sa apat na pangunahing mga sentral na lungsod sa Indonesya, kasama ang Jakarta, Surabaya, at Makassar.[4][5]
Medan | ||
---|---|---|
Lungsod | ||
Kota Medan "Lungsod ng Medan" | ||
| ||
Palayaw: | ||
Bansag: Bekerja sama dan sama-sama bekerja (Working together and everybody work) | ||
Kinaroroonan sa Hilagang Sumatra | ||
Interactive map of Medan | ||
Mga koordinado: 3°35′N 98°40′E | ||
Bansa | Indonesya | |
Lalawigan | Hilagang Sumatra | |
Itinatag | 1 Hulyo 1590 | |
Pamahalaan | ||
• Alkalde | Dzulmin Eldin[1] | |
• Bise-Alkalde | Akhyar Nasution | |
Lawak | ||
• Lungsod | 265.10 km2 (102.36 milya kuwadrado) | |
• Metro | 1,991.1 km2 (768.8 milya kuwadrado) | |
Taas | 2.5–37.5 m (8–123 tal) | |
Populasyon | ||
• Lungsod | 2,229,408 | |
• Kapal | 8,400/km2 (22,000/milya kuwadrado) | |
• Metro | 4,601,565 | |
• Densidad sa metro | 2,300/km2 (6,000/milya kuwadrado) | |
Demonym | Medanese | |
Sona ng oras | UTC+7 (IWST) | |
Area code | (+62) 61 | |
Plaka ng sasakyan | BK | |
Websayt | pemkomedan.go.id |
Itinatag ang lungsod ni Guru Patimpus, isang lalaking Karones na nagpangalan ng isang malusak na lupain sa tagpuan ng mga Ilog Deli at Babura bilang Kampung Medan Putri. Paglaon, ito ay naging bahagi ng Sultanato ng Deli na itinatag ni Tuanku Gocah Pahlawan noong 1632. Noong ika-18 dantaon, nakitrabaho si Sultan Mahmud Al Rasyid Perkasa Alam, ang ikawalong pinuno ng sultanato, kay Jacob Nienhuys, isang Olandes na mangangalakal ng tabako na nanguna sa pagbubukas ng mga malalaking taniman ng tabako sa Medan. Sa tulong nina Sultan Ma'mun Al Rasyid Perkasa Alam na ikasiyam na sultanato, at nina Tjong Yong Hian and Tjong A Fie na mga kilalang negosyanteng Tsino, ang mabilis na paglago ng ekonomiya ay nagpabago sa Medan upang maging isang malaking sentro ng pangangalakal na may palayaw na "het land dollar," o "ang lupa ng pera." Itinatag ang Daambakal ng Deli para sa pagpapadala ng goma, tsaa, tabla, langis ng palma, at asukal sa Pantalan ng Belawan. Dagliang naging kabisera ng estado ng Silangang Sumatra ang Medan noong 1947, bago ito naging panlalawigang kabisera ng Hilagang Sumatra noong gitnang bahagi ng dekada-1950.
Binansagang Dutch Parijs van Sumatra ang Medan dahil sa pagkahawig nito sa Paris. Kinilala ng Lamudi, isang pandaigdigang web portal sa pag-aaring real, ang Medan bilang isa sa anim na mga lungsod sa Asya na may matatampok at napapanatili na ilang mga sityong kolonyal na arkitektura, habang nasasabay nito ang paglago bilang isang kalakhang lungsod.[6] Kinikilala rin ang Medan bilang "City of Million Shophouses" (Lungsod ng Milyong mga Tindahang-Bahay), sapagkat karamihan sa populasyon nito ay nagtatrabaho sa sektor ng pangangalakal, nagbubukas ng mga tindahan sa ilalim ng kanilang mga kabahayan. Nitong mga nakaraang taon, sumailalim ang lungsod sa napakabilis na pagpapaunlad, na siyang nagpataas ng halaga ng mga ari-ariang pamahayan sa Medan. Ayon sa Bank Indonesia (BI), tumaas ang bilnuro ng bili (price index) ng ari-ariang pamahayan ng Medan sa 212.17 noong ikaapat na bahagi ng 2014, mula sa 205.24 noong ikaapat na bahagi ng 2013, at sa 214.41 noong unang bahagi ng 2015.[7]
Ayon sa talaarawan ng isang mangangalakal na Portuges noong unang bahagi ng ika-16 na dantaon, nagmula ang pangalang Medan mula sa salitang Tamil na Maidhan (kilala rin bilang Maidhāṉam , Tamil: மைதானம்), nagngangahulugang Lupa, na kinuha mula sa wikang Malay. Sinasabi rin ng isa sa mga diksiyonaryong Karo-Indonesia na sinulat ni Darwin Prinst SH at nilathala noong 2002 na maaari ring mangahulugang "gumaling" ang salitang Medan.
Sa ilalim ng Köppen climate classification, itinatampok ng Medan ang klimang tropikal na maulang gubat (Af) at walang tunay na tagtuyo.[8] Gayunpaman, mapapansin ang mas-mabasa-basa at mas-matuyong mga buwan ang Medan. Sa katamtaman, ang pinakatuyong buwan nito na Pebrero ay nakararanas ng sangkatlong pag-ulan ng pinakabasang buwan na Oktubre. Pumapalo ang mga tempeartura ng lungsod sa 27 °C (81 °F) sa buong taon. Ang taunang pag-ulan aa Medan ay nasa 2,200 millimetro (87 pulgada).
Datos ng klima para sa Medan (Polonia), taas: 27 m or 89 tal, 1977–1994 | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 35 (95) |
36.1 (97) |
36.1 (97) |
37.2 (99) |
36.1 (97) |
37.2 (99) |
37.2 (99) |
37.2 (99) |
36.1 (97) |
35 (95) |
35 (95) |
34.4 (93.9) |
37.2 (99) |
Katamtamang taas °S (°P) | 31.6 (88.9) |
32 (90) |
32.7 (90.9) |
32.9 (91.2) |
33.4 (92.1) |
33.3 (91.9) |
32.9 (91.2) |
33.3 (91.9) |
31.9 (89.4) |
31.7 (89.1) |
31 (88) |
30.9 (87.6) |
32.3 (90.1) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 25.5 (77.9) |
26.12 (79.02) |
26.6 (79.9) |
27.2 (81) |
27.2 (81) |
26.9 (80.4) |
26.9 (80.4) |
26.9 (80.4) |
26.6 (79.9) |
26.1 (79) |
26.1 (79) |
25.8 (78.4) |
26.493 (79.693) |
Katamtamang baba °S (°P) | 22.2 (72) |
22.6 (72.7) |
23.2 (73.8) |
23.5 (74.3) |
23.3 (73.9) |
23.6 (74.5) |
23.5 (74.3) |
22.8 (73) |
22.2 (72) |
22.6 (72.7) |
23 (73) |
22.5 (72.5) |
22.9 (73.2) |
Sukdulang baba °S (°P) | 18.3 (64.9) |
18.3 (64.9) |
18.3 (64.9) |
19.4 (66.9) |
18.3 (64.9) |
17.2 (63) |
16.1 (61) |
18.3 (64.9) |
18.8 (65.8) |
17.7 (63.9) |
15.5 (59.9) |
18.3 (64.9) |
15.5 (59.9) |
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) | 92 (3.62) |
115 (4.53) |
97 (3.82) |
157 (6.18) |
178 (7.01) |
141 (5.55) |
167 (6.57) |
185 (7.28) |
263 (10.35) |
387 (15.24) |
253 (9.96) |
228 (8.98) |
2,263 (89.09) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 14 | 19 | 13 | 18 | 22 | 15 | 13 | 17 | 24 | 22 | 20 | 19 | 216 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 96 | 106 | 111 | 105 | 111 | 144 | 124 | 108 | 78 | 74 | 84 | 84 | 1,225 |
Sanggunian #1: World Meteorological Organization[9] and Worldwide Bioclimatic Classification System (daily mean and record temperature)[10] | |||||||||||||
Sanggunian #2: Deutscher Wetterdienst (sun, 1961–1990)[11][a] |
Nahahati ang Medan sa 21 mga distrito (Indones: kecamatan) na nakatala sa baba, at nahahati pa ang mga ito sa 151 mga neighborhood o nayon (kelurahan):[12][13]
Batay sa mapa, nakagitna ang lungsod sa paligid ng Medan Petisah, Medan Baru, Medan Polonia, Medan Maimun, Medan Kota, at West Medan na nagsisilbing sentro ng lungsod. Ang Medan Labuhan ay isa sa pinakamalaking mga distrito ayon sa look maliban sa Medan Belawan at Medan Marelan na nasa hilagang bahagi ng lungsod. Nagsisilbing lugar papuntang rehensiya ng Karoland ang Medan Tuntungan, sa lungsod ng Binjai ang Medan Helvetia, at sa Tebing Tinggi at Pematang Siantar ang Langkat at Medan Amplas
May malakapatid na mga ugnayan ang Medan sa mga sumusunod na lungsod:[14]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.