![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/e3/CaviteX.jpg/640px-CaviteX.jpg&w=640&q=50)
Manila–Cavite Expressway
Expressway sa Manila at Cavite / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Manila–Cavite Expressway, na mas-kilala bilang CAVITEX at dating Bulebar Aguinaldo, ay isang mabilisang daanan na nag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite sa Pilipinas. Binansagan din itong Daang Coastal sapagkat malapit ito sa Look ng Maynila. Ang haba nito ay 14.0 kilometro (8.7 milya), at pinamamahalaan ito ng Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC), isang korporasyong pamamay-ari ng pamahalaan at sangay ng Public Estates Authority na isang tanggapan sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas. Itinakda ang buong mabilisang daanan bilang bahagi ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) ng pinag-ugnay na mga daang arteryal sa Kamaynilaan at Expressway 3 (E3) ng sistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas.
Manila–Cavite Expressway | |
---|---|
CAVITEx Daang Coastal Bulebar Aguinaldo | |
![]() Bahagi ng CAVITEx sa may Tulay ng Imus, Look ng Bacoor, pahilaga. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 14.0 km (8.7 mi) |
Umiiral | 1998[1]–kasalukuyan |
Bahagi ng | |
Pagbabawal | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() ![]() |
| |
Dulo sa timog | ![]() ![]() |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | |
Mga bayan | Kawit |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Sa hilagang dulo nito, dadaloy ito sa (at mangagaling ito mula sa) Bulebar Roxas sa lungsod ng Parañaque sa Kalakhang Maynila. Sa katimugang dulo nito, hihiwalay ito sa dalawang dulo (termini), kapwa nasa hilagang baybayin sa Kawit. Isa sa mga ito ay dadaloy sa sangandaan ng Lansangang Tirona at Lansangang Antero Soriano. Pakanluran ay tatahak muli pa-Binakayan at babalik sa Bacoor, deretso ay tutuloy sa Antero Soriano patungong Cavite Economic Zone, at kanan ay papunta sa kabilang dulo ng Lansangang Tirona malapit sa Dambanang Aguinaldo at papuntang Noveleta.
Tinatampok ng mabilisang daanan ang limitadong dami ng mga labasan (interchanges). Ang orihinal na katimugang dulo nito sa Bacoor ay ginawa na ngayong buong palitang trumpeta. May dalawang tarangkahang pambayad (toll plazas) ang mabilisang daanan: ang unang tarangkahan sa Las Piñas at ang tarangkahan ng ekstensyon sa Kawit. Sinisingil ang pantay na bayarin sa mga sasakyan batay sa uri ng mga sasakyan. Nilakip na rin ng PEATC ang isang near-field communication na prepaid kard na tinatawag nilang E-TAP. Tinatanggap na rin ng mabilisang daanan ang sistemang-dekuryente sa pangongolekta ng mga bayarin na tinatawag na Easydrive na inilagak ng Easytrip Services Corporation para sa CAVITEx. Ang Easytrip Services Corporation ay kasalukuyang namamahala ng ETC ng North Luzon Expressway, subalit hindi cross-compatible ang Easydrive ng CAVITEx sa Easytrip ng NLEx.[kailangan ng sanggunian]