From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang letsugas romana (Lactuca sativa L. var. longifolia) ay isang kasarian ng letsugas na lumalaki sa loob ng isang mataas na ulo ng matipunong mga dahon na may isang matatag na tadyang sa ibaba ng gitna. Hindi tulad ng ibang mga letsugas, ito ay hindi naaalintana ng init. Bagaman tinatawag na Romaine lettuce sa Ingles, tinatawag din itong cos lettuce na hinango mula sa Griyegong pulo ng Kos kung saan nagmula ang letsugas na ito.[1] Ang araw ng 22 Herminal sa Pranses na Republikanong Kalendaryo ay nakalaan para sa letsugas na ito.[2]
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz) | |
---|---|
Enerhiya | 72 kJ (17 kcal) |
3.3 g | |
Dietary fibre | 2.1 g |
0.3 g | |
1.2 g | |
Bitamina | |
Bitamina A | (36%) 290 μg |
Folate (B9) | (34%) 136 μg |
Bitamina C | (29%) 24 mg |
Mineral | |
Kalsiyo | (3%) 33 mg |
Bakal | (7%) 0.97 mg |
Posporo | (4%) 30 mg |
Potasyo | (5%) 247 mg |
Iba pa | |
Tubig | 95 g |
Ang mga bahagdan ay pagtataya gamit ang US recommendations sa matanda. Mula sa: USDA Nutrient Database |
Katulad ng sa ibang mga gulay na may madidililim at mayayabong na mga dahong lunti, ang mga antioksidanteng nilalaman sa loob ng mga letsugas romana ay pinaniniwalaang nakapagpapaiwas sa pagkakaroon ng kanser.[3] Ayon sa pang-2011 na edisyon ng Old Farmer's Almanac, ang pigmentong kloropila sa mga gulay na may mga dahong mayayabong na madilim ang pagkalunti, na katulad ng letsugas romana, ay maaaring makapagpababa ng mga antas ng karsinoheno ng mga kanser na nakakaapekto sa malaking isaw at atay.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.