From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga bitamina ay mga sustansiyang kailangan para sa kalusugan ng katawan. Kapag wala o kulang sa bitamina ang pagkaing pumapasok sa katawan, nagkakaroon ng panghihina sa resistensiya na patungo sa karamdaman ng katawan.[1]
Hindi sinasadyang natuklasan ang pangangailangan ng mga bitamina noong 1896, dahil sa pagkakatuklas ng Olandes na si Christiaan Eijkman na naging masasakitin ang mga manok na pinakakain ng kininis o nilinis na mga bigas o palay. Naglalaman ang panlabas na balot ng mga palay ng isang bitaminang kailangan sa kalusugan subalit nawawala ito mula sa mga bigas pagkaraang linisin o kinisin ang mga ito. Pero, bagaman natuklasan ni Eijkman ang pagkakasakit ng mga manok dahil sa pagpapakain ng nilnis na mga bigas, hindi siya ang nakaisip na kailangan ng katawan ang mga bitamina. Sa halip, ang Britanikong siyentipikong si Frederick Hopkins ang nakatuklas na kailangan ng katawan ng maliliit na bilang o dami ng sustansiyang tinawag na mga bitamina upang maging manatiling malusog at walang sakit. Iminungkahi ni Hopkins na malulunas ang mga sakit na rakitis at eskorbuto sa mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng naaangkop na mga bitamina.[1]
Kabilang sa mga bitamina ang mga sumusunod:[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.