From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang lamok (Ingles: mosquito) ay isang espesye ng insekto ng maliliit na Diptera sa loob ng Culicidae. Mayroong 3,000 espesye ng lamok sa mundo. Ito ay itinuturing na peste na nagdadala ng mga nakakamatay na sakit sa mga tao at hayop
Lamok | |
---|---|
Female Culiseta longiareolata | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
Orden: | Diptera |
Superpamilya: | Culicoidea |
Pamilya: | Culicidae Meigen, 1818[1] |
Subfamilies | |
| |
Dibersidad | |
41 genera |
Ang pinakamatandang fossil ng lamok ay mula 79 milyong taon ang nakakalipas bagaman naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga lamok ay unang lumitaw noong 226 milyong taon ang nakakalipas. Noong 2019, natuklasan ng mga siyentipiko ang sang bagong espesye ng lamok sa isang amber mula sa Myanmar at pinaniniwalaang mula sa panahong Kretaseyoso noong mga 145 hanggang 65 milyong taon ang nakakalipas. Ayon sa mga entomologo, noong 10,000 taon ang nakakalipas, ang pagkagat ng lamok sa mga tao ay walang pakinabang sa mga lamok bago ang pagunlad ng agrikultura at sedentaryong lipunan ng tao. Ayon rin sa mga siyentipiko, ang ebolusyon ng mga lamok ay nauugnay sa kasaysayan ng pag-iral ng tao. Ang mga lamok ay nag-ebolb kasabay ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Ang maliit na praksiyon ng mga lamok ay nag-ebolb ng espesyalisasyon upang kumagat sa mga tao at ito ang responsable sa karamihan ng mga sakit na dala dala ng lamok sa buong mundo.[2] Sa pagkukumpara ng mga gene ng mga lamok, ang lamok na Aedes aegypti ay nag-ebolb sa mga ninuno nito sa mga isla ng katimugang kanlurang Karagatang Indiyano noong 7 milyog taon ang nakakalipas. Ang mga lamok na ito ay lumaganap mula sa mga kapuluan tungo sa Aprika noong mga 25,000 hanggang 17,000 taon ang nakakalipas. Sa isang pag-aaral ng datos na kinabibilangan ng 1.38 bilyong baseng pares na naglalaman ng mga 15,419 gene na nagkokodigo ng mga protina, ang sekwensiya ay nagpapakitang ang Aedis aegypti ay humiwalay mula sa Drosophila melanogaster hoong 250 milyong taon ang nakakalipas at ang Anopheles gambiae at ang espesyeng ito ay naghiwalay noong 150 milyogn taon ang nakakalipas.[3][4] Natuklasan nina Matthews et al. noong 2018 na ang A. aegypti ay nagdadala ng malaki at iba't ibang bilang ng mga elementong transposable. Ang analisis ay nagmumungkahing ito ay karaniwan sa lahat ng mga lamok.[5]
Ang mga lamok ay kasapi ng pamilyang langaw na nematoceran. Ang mga subpamilya ng lamok ang Anophelinae at Culicinae. Ang mga lamok ay inuuri sa 112 genera.
Ang mga lamok ay mga vector o tagapagdala o nagpapasa ng maraming mga sakit na sanhi ng mga virus at parasito. Kabilang sa mga sakit na dala dala ng mga lamok ang malaria, dengue, West Nile virus, chikungunya, yellow fever, filariasis, tularemia, dirofilariasis, Japanese encephalitis, Saint Louis encephalitis, Western equine encephalitis, Eastern equine encephalitis,[7] Venezuelan equine encephalitis, Ross River fever, Barmah Forest fever, La Crosse encephalitis, and Zika fever,[7] gayundin ang bagong natukoy na Keystone virus at Rift Valley fever. Walang ebidensiya na ang COVID-19 ay maipapasa ng kagat ng lamok sa tao o kahit ang HIV.[8][9]
Ang kagat ng mga babaeng lamok ng genus na Anopheles ay nagdadala ng parasitong malaria. Ang apat na espesye ng protozoa na nagsasanhi ng malaria ang Plasmodium falciparum, Plasmodium malariae, Plasmodium ovale at Plasmodium vivax[10] (see Plasmodium). Sa buong mundo, ang malaria ang pangunahing sanhi ng maagang kamatayan lalo na sa mga bata sa ilalim ng edad na lima na may 207 milyong kaso ang higit sa kalahting milyong kamatayan noong 2012. Ang kamatayan sa kagat ng lamok na nagsanhi ng malaria ay umabot ng isang milyong noong 2018 ayon sa American Mosquito Control Association.[11]
Ang ilang espesye ng lamok ay nagsasanhi ng uod na filariasis na isang parasitong nagsasanhi ng elephantiasis na nagdudulot ng kapansanan sa mga tao.
Ang mga sakit na virus na yellow fever, dengue fever, Zika fever at chikungunya ay dulot ng kagat ng mga lamok naAedes aegypti mosquitoes.
Ang ibang mga sakit gaya ng epidemic polyarthritis, Rift Valley fever, Ross River fever, St. Louis encephalitis, West Nile fever, Japanese encephalitis, La Crosse encephalitis at ilang encephalitis ay sanhi ng ilang lamok. Ang Eastern equine encephalitis (EEE) at Western equine encephalitis (WEE) ay nangyayari sa Estados Unidos na nagsasanhi ng sakit sa mga tao, kabayo at ibon. Dahil sa mataas na kamatayan sa mga sakit na ito, ang EEE at WEE ay itinuturing na pinakaseryosong sakit sa Estados Unidos. Ang mga sintomas nito ay transkaso, coma at kamatayan.[12]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.