From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Soghomon Soghomonian,[upper-alpha 1] inordina at karaniwang kilala bilang Komitas,[upper-alpha 2] (Armenyo: Կոմիտաս; Oktubre 8 [Lumang Estilo Setyembre 26] 1869 – Oktubre 22, 1935) ay isang Armeniong pari, musikologo, kompositor, tagaareglo, mang-aawit, at maestro ng koro, na tinuturing na tagapagtatag ng pambasang paaralan ng musika sa Armenia.[4][7] Kinikilala siya bilang isa sa mga tagapanguna ng etnomusikolohiya.[8][9]
Komitas Vardapet | |
---|---|
Kapanganakan | Soghomon Soghomonian Oktubre 8 [Lumang Estilo Setyembre 26] 1869 |
Kamatayan | 22 Oktobre 1935 66) | (edad
Libingan | Panteon ni Komitas |
Nasyonalidad | Armenio |
Edukasyon | Seminaryong Gevorkyan PamantasangHumboldt University ng Berlin |
Trabaho | Musikologo, kompositor, maestro sa koro |
Aktibong taon | 1891–1915 |
Website | komitasmuseum.am |
Pirma | |
Ulila noong bata pa siya, dinala si Komitas sa Etchmiadzin, ang relihiyosong sentro ng Armenia, kung saan nakatanggap siya ng edukasyon sa Seminaryong Gevorkyan. Pagkatapos ng kanyang ordinasyon bilang vardapet (selibatong pari) noong 1895, nag-aral siya ng musika sa Pamantasang Frederick William sa Berlin. Pagkatapos noon, "ginamit niya ang kanyang Kanluraning pagsasanay upang itaguyod ang isang pambasang tradisyon".[10] Kinolekta at sinalin niya ang higit sa 3,000 piraso ng musikang pambayan, na higit sa kalahati nito ay nawala sa kalaunan at mayroon sa mga 1,200 na lamang ang nananatili. Maliban sa mga musikang pambayang Armenio, nagkaroon din siya ng interes sa ibang kalinangan at noong 1903, nilathala niya ang kauna-unahang koleksyon ng musikang pambayang Kurdo na pinamagatang Kurdish melodies. Tinanghal ng kanyang koro ang musikang Armenio sa maraming lungsod sa Europa, na umani ng mga papuri ni Claude Debussy, at iba pa. Nanirahan si Komitas sa Constantinople noong 1910 upang tumakas sa pagmamaltrato ng sobrang konserbatibong klerigo sa Etchmiadzin at upang ipakilala ang musikang pambayang Armenio sa mga malawak na tagapakinig. Malawak siyang tinanggap ng pamayanang Armenio, habang tinawag siya ni Arshag Chobanian bilang ang "tagapagligtas ng musikang Armenio."[11]
Noong panahon ng Henosidyong Armenyo—kasama ng daan-daang ibang mga intelektuwal na Armenio—ipinatapon at inaresto si Komitas sa isang bilangguang kampo noong Abril 1915 ng pamahalaanng Otomano. Maaga siyang pinakawalan sa ilalim ng hindi malinaw na kalagayan at nakaranas ng pagkasira ng kaisipan at nagkaroon ng matinding kaso ng posttraumatic stress disorder (PTSD) o sakit pagkatapos ng isang traumatikong istres. Ang laganap na napopoot na kapaligiran sa Constantinople at ang mga ulat ng malawakang patayan at martsa ng kamatayan na umabot sa kanya ay mas lalo pang nagpalala sa kanyang marupok na katayuang kaisipan. Una siyang nilagay sa isang ospital na pinapagana ng Turkong militar hanggang 1919 at pagkatapos nito ay nilipat sa saykayatrikong ospital sa Paris, kung saan naglagi siya sa mga huling taon ng kanyang buhay sa matinding paghihirap. Nakikita si Komitas ng marami bilang isang martir ng henosidyo at isinalarawan bilang isa sa mga pangunahing simbolo sa sining tungkol sa Henosidyong Armenio.[12]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.