Istana Nurul Iman
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Istana Nurul Iman na nangangahulugan na Palasyo ng Liwanag ng Pananampalataya (Ingles: Palace of the Light of Faith) ay ang palasyo na opisyal na tirahan ng kasalukuyang namumuno o sultan ng bansang Brunei at puwesto ng pamahalaan ng Brunei.[1][2][3] Ayon sa Guinness World Records, ang palasyong ito ay naitala noong 1984 bilang pinakamalaking palasyo na tirahan sa buong mundo.[2]
Istana Nurul Iman | |
---|---|
Pangkalahatang impormasyon | |
Estilong arkitektural | Malay, Islam |
Bayan o lungsod | Bandar Seri Begawan |
Bansa | Brunei |
Natapos | 1984 |
Halaga | US$1.4 bilyon |
Teknikal na mga detalye | |
Bilang ng palapag | 200,000 metro kuwadrado o 2,152,782 ft² |
Disenyo at konstruksiyon | |
Arkitekto | Leandro V. Locsin (pangkalahatang disenyo), Khuan Chew (panloob na disenyo) |
Lokasyon
Matatagpuan ang Istana Nurul Iman sa gilid ng Bandar Seri Begawan na kapital ng bansang Brunei.[4][5]
Istruktura
Noong 1984 ay naitala ang Istana Nurul Iman sa Guinness World Records na pinakamalaking palasyo na tirahan sa buong mundo.[2] Nababanggit na ito ay higit pa sa apat na beses na laki ng Palasyo ng Versailles sa Pransiya.[1] Ito ay sumasaklaw sa 200,000 metro kuwadrado o 2,152,782 talampakang kuwadrado at nagtataglay ng malaking mosque na maaaring maglaman ng 1,500 na katao, bulwagan para sa pagdiriwang para sa 5,000 na mga panauhin, limang palanguyan, 1,788 na mga kuwarto, 257 na mga banyo, kuwadra na may erkondisyoner para sa 200 na kabayo na ginagamit sa larong polo at garahe para sa 110 na mga sasakyan tulad ng Ferrari, Bentley at Rolls-Royce.[2][6]
Ang kabuuan ng palasyo ay dinisenyo ni Leandro Locsin na isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa Arkitektura at naitayo noong 1984 ng Ayala International na isang Pilipinong kumpanya sa halaga na tinatayang 1.4 bilyong dolyares (US dollars).[6][2] Ang panglabas na disenyo ng palasyo ay nagpapakita ng pinaghalong elemento ng Malay na mababanaag sa mga vaulted na mga bubong at ng Islam na makikita sa mga simboryo at arko.[1]
Ang panloob na disenyo ng Istana Nurul Iman ay ginawa ni Khuan Chew.[2] Ang palasyo ay mayroong 564 na aranya, 51,000 na bumbilya, 44 na hagdanan at 18 na elebetor.[6]
Pagpasok sa palasyo
Binubuksan sa mga nasasakupan ng Sultan ng Brunei ang Istana Nurul Iman sa loob ng tatlong araw bawat taon tuwing kasiyahan ng Hari Raya Aidilfitri para ipagdiwang ang pagtatapos ng Ramadan.[4][1]
Mga sanggunian
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.